You are on page 1of 9

HEALTH 5

May iba’t-ibang batas ang ating bansa sa upang


mapangalagaan an gating mga karapatan bilang mamamayan.
Isa na rito ang Batas Republika 9211, higit na kilala sa taguring
Tabacco Regulation Act of 2003 ito ay batas ukol sa
pagkontrol sa paggamit ng mga produktong na ipinagtibay
upang isulong ang pagkakaroon ng isang kapaligirang
nakabubuti sa kalusugan, palaganapin ang impormasyon
tungkol sa masasamang epekto ng paninigarilyo, ilayo ang
kabataan sa bisyo ng paninigarilyo at iba pa.
Sa ilalim ng Seksyon 5 ipinagbawal ng batasa ang
paninigarilyo sa mga pampublikong laugar tulad ng;
 
1.Sentro ng aktibidad ng mga kabataan kagaya ng
playschool, preparatory school, mababa at mataas na
paaralan, kolehiyo at unibesidad, youth hostel, at mga lugar
pinaglilibangan;
2.Elevator at stairwell;
3.Mga pook na maaring maging sanhi ng sunog ang
sigarilyo tulad ng gas station at tindahan ng mga
flammable liquid;

4. Pampubliko at pribadong hospital, medikal, dental


at optical clinic, health center, nursing home,
dispensary, at mga laboratory
5. Airport, terminal ng barko, istasyon ng bus at
tren, restaurant at conference hall, maliban sa
mga lugar para sa paninigarilyo; at
6. Lugar na pinaghahandaan ng pagkain
Sa ilalim ng Seksyon 6 isinasaad ang ibang lugar
na bukas para sa publiko aya ng mga gusali at pook
paggawa ay nararapat na magkaroon ng non-
smoking at smoking area. Maaaring hiwalay ang
smoking areas sa kabuuan ng istablisyamento o
gusali, o isang lugar na may maayos na bentilasyon.
Ang smoking area at non-smoking areas ay dapat
magkaroon ng mga simbolo na Smoking Area at Non-
Smoking Area o No Smoking.
Sa ilalim ng Seksyon 10 nakaploob ang
pagbabawal ng pagtitinda ng sigarilyo sa mga lugar
na malapit sa paaralan at pampublikong palaruan.
Kailangang ito ay nasa layong 100 metro o higit pa
sa mga nasabing lugar. Nakasaad din sa batas ang
pagbabawal sa mga menor de eded o mga indibidwal
edad 18 pababa, sa pagbili, pagbenta, at paghithit ng
sigarilyo at iba pang produktong tabako.
Panuto:
 Lagyan ng tsek (/) kung ang pahayag ay tumutukoy sa mga batas at alituntunin sa pagbebenta at paggamit
ng tabako at alak at ekis (X) kung hindi.
__________1. Kabilang sa Tobacco Regulation Ac of 2003 Seksyon 5 ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga paaralan.

__________2. Pinapayagang manigarilyo sa mga pampublikong lugar.

__________
 3. Ayon sa Batas Republika 9211 Seksyon 6 na dapat magkaroon ng mga simbolo para sa smoking at non-
smoking areas.

__________4.
 Ipinagbabawal ang pagtitinda ng sigarilyo sa mga lugar na malapit sa paaralan at pampublikong
palaruan.
 
__________ 5. Ang mga batang menor de edad ay pinapayagang bumili, at magbenta ng sigarilyo ayon sa seksyon 10.

You might also like