You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Bisayas
Sangay ng Bohol

Edukasyon sa Pagpakatao 6
Ikatlong Markahan

Quarter : 3 Week : 6 Day : 1-5 Activity :


No. 1
Pamagat ng Gawain :
Tumutupad Ako sa Batas nang may Kasiyahan
Kompetensi :
Naisasakilos ang pagtupad sa mga batas pambansa at pandaigdigan; pagtupad sa
mga batas para sa kaligtasan sa daan; pangkalusugan; pangkapaligiran; pag-
aabuso sa paggamit ng bawal na gamut.
ESP6PPP-IIIh-i-40
Layunin : Natutukoy ang mga batas na pangkalsada, pangkalusugan, pangkapaligiran, at
pag-aabuso sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Pamagat ng Akda : Pananagutan ni Norman
Sanggunian : Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6 pah. 114-119
May-akda : Zenaida R. Ylarde; Gloria A. Peralta EdD
Copyright : For classroom use only
DepEd own material
Konsepto: Ang pagpapatupad sa mga batas ay nakatutulong sa pagkakaroon ng katahimikan at
kaayusan.

Gaano mo kaalam ang mga batas na pangkalsada, pangkalusugan, at pangkapaligiran? Pag-aralan ang nilalaman
ng sumusunod na batas.
SEAT BELT LAW
RA 870 o Seat Belt Use Act of 1999 – Sa ilalim ng nabanggit na batas, papatawan ng kaparusahan ang mga tsuper,
operator, may-ari ng sasakyan pati ang mga manufacturer, assembler, importer, at distributor ng mga sasakyan na
hindi tumatalima sa paglalagay at paggamit ng seat belt. - Sa seksyon 4 ng batas, ang nagmamaneho at ang pasahero
sa unahan ng pampubliko o pribado mang sasakyan ay obligadong gumamit ng seat belt habang umaandar ang
sasakyan. – Sa seksyon 5 ng batas, ipinagbabawal ang pagpapaupo sa unahan ng sasakyan ng mga batabg anim na
taong gulang pababa.
PHILIPPINE CLEAN AIR ACT
RA 8749 o Philippine Clean Air Act of 1999 – Ito ay naglalayong panatilihing malinis ang hangin sa pamamagitan
ng pagbuo ng mga pambansang programa at pagpigil sa polusyon sa hangin. – Ang DENR ay inaatasan ng batas na
magsagawa ng mga polisiya at programa upang epektibong makontrol at mapigilan ang polusyon sa hangin sa
bansa. Katuwang ng DENR ang ilang ahensiya ng gobyerno gaya ng National Statistical Coordination Board, mga
local na pamahalaan at non-government organizations. – Ang nasabing ahensiya ay inaatasan ding bumuo ng
emission standards para sa mga industriya at mga katulad na establisyamento na naglalabas ng mga pollutant sa
hangin. Ang mga nasabing pamantayan ay nagsasaad ng maximum limit ng pollutant na maaaring ibubuga ng mga
industriya. – Bukod ditto ipinagbabawal din ng batas ang paninigarilyo sa mga pampublikong gusali, mga
pampublikong sasakyan at iba pang lugar na hndi itinalaga para sa paninigarilyo at ang pagsusunog (incineration) ng
mga biochemical at hazardous waste na maaaring magsanhi ng mga mapanganib na pollutant.
COMPREHENSIVE DANGEROUS DRUGS ACT OF 2002
Ano ang Republic Act 9165?- Ang Republic Act 9165 ang tinaguriang Comprehensive Dangerous Drugs Act of
2002. Ano ang layunin ng RA 9165? Layunin ng RA 9165 na pangalagaan ang kapakanan ng mamamayan, lalung-
lalo na ang mga kabataan, laban sa pinsalang dulot ng druga. Sinu-sino ang nasasakop ng RA 9165?
Mapaparusahan sa ilalim ng batas RA 9165 ang mga taong: nagbebenta at gumagamit ng ipinagbabawal o illegal na
droga at mga kauri nito. Paano makatutulong ang RA 9165 sa anti-drug policy ng pamahalaan? Sa pamamagitan
ng RA 9165, titiyakin ng pamahalaan na:
 Mahuhuli ang mg taong nagbenta at gumamit ng ipinagbabawal na gamut at mapapatawan sila ng
kaukulang parusa
 Magkakaroon ng isang pambansang programa sa pagsugpo sa pagkalat ng illegal na druga upang ang mga
taong nangangailangan ng gamut na ipinagbabawal ay malayang makagamit nito para sa kanilang
karamdaman at
 Magkaroon ng tuloy-tuloy na programa para sa gamutan at rehabilitasyon ng mga naging biktima ng pang-
aabuso ng gamot.
Alam mo ba ang mga batas sa daan, kapaligiran, at kalusugan? Basahin ang kuwento at alamin kung ano ang paksa
nito.
Pananagutan ni Norman
Isang Huwebes ng hapon, masayang-masaya si Norman ng dumating sa kanilang bahay. Napansin ito ng
kanyang ina at nagtatanong, “Bakit ka masaya, Norman?” Sinagot naman itong nakangiti, “Inay, masaya po ako
dahil sa mga bagong natutuhan ko sa mga dinaluhan kong convention, kanina.
“Ganoon ba, anak. Tungkol saan ba iyong convention na iyon?”
“Tungkol po sa mga batas ng ating bansa, ‘Nay. Napakarami po palang batas sa ating bayan na kailangan
nating\tuparin dahil ginawa ang mga ito para sa ating kapakanan. Medyo nakalulungkot nga lang po na marami sa
ating kababayan ang hindi sumusunod sa batas. Mas pinili nilang sumuway kaysa sumunod. At ang ganitong mga
bagay ang kadalasang nagiging dahilan ng kapahamakan at kaguluhan sa paligid natin.
“Sang-ayon ako diyan sa itinuro sa inyo. Totoo na maraming tao ang hindi sumusunod sa mga batas. Hindi ko
lang sigurado kung ito ay dahil hindi nila alam ang batas o alam nila ngunit ayaw lang talaga nilang sumunod ditto.
Ang tingin kong dahilan sa ganoong pangyayari ay kawalan ng disiplina sa parte ng ilang mga tao. Kapag alam mo
kung ano yung bagay na inaasahan sa iyo ng lipunang kinabibilangan mo at hindi mo iyon isinasakatuparan, walang
dahilan para hindi ka sumunod. At kung sakaling hindi ka talaga nakasusunod sa mga batas, may mali sa iyong
pagpapahalaga.”
“Isa pa, hindi naman ginawa ang mga batas upang tayo ay pahirapan. Sa halip nga ay ginawa ng mga
mambabatas ang mga ito na ang pangunahing konsiderasyon ay kung paano makatutulong sa pagpapabuti ng ating
buhay o di kaya nama’y kung paano mapagagaan ang mga problemang kinaharap natin. Halimbawa, ginawa ang
batas ng paghuli sa mga hindi tumatawid sa tamang tawiran hindi dahil sa gusto ng pamahalaan na magparusa ng
mga tao, kundi, ginawa ito upang masiguro na ang mga tao ay ligtas na makatawid ng kalsada sa lahat ng
pagkakataon. At hindi nangambang baka mabundol sila ng humaharurot na sasakyan.”
“Opo, Inay. Sang-ayon ako sa sinabi ninyo. Tulad na rin ng batas tungkol sa pagbabawal sa aming mga
kabataan na humithit ng sigarilyo saanmang lugar. Hindi binuo ang patakarang ito upang pagdamutan ang mga
kabataan. Ginawa ang batas na ito dahil natuklasan ng mga dalubhasa ang masamang dulot ng paninigarilyo sa
katawan natin, kaya gusto ng mga awtoridad na ilayo sa kapahamakan ang mga mamamayan ng bansa kasama na
kaming mga kabataan.”
“Mayroon pa ngang nagtanong doon sa convention kung ano ang magiging papel ng mga kabataang tulad ko
sa pagpapatupad ng batas sa ating bansa. Ang namayaning sagot ay may pananagutan kaming mga kabataan; hindi
puwedeng puro karapatan lang namin ang iintindihin, dapat ding may katumbas ito na makatutulong sa ating bayan.
Ako, ang iniisip ko nga po ay dapat siguro akong magboluntaryo sa tuwing may pangangailangan an gating lugar na
mapaganda ang paligid. Hindi puedeng puro laro lang ako sa parke. Puede rin siguro akong tumulong sa paglilinis
ng kalsada kapag araw ng Sabado. Dahil kung nagagamit ko ang probisyon ng batas na magkaroon ng diskuwento
sa pamasahe sa sasakyan tuwing Lunes hanggang Biyernes, narapat lang na kapag Sabado naman ay tumulong
naman ako sa anumang munting makakaya ko.”
“Tama ka, Anak. At susuportahan kita sa mga naiisip mong gawin. Ang pagiging mapanagutan ng isang tao
ay isang katangian na hinahangad ko para sa iyo. Sa palagay ko nga ay maging mabuting mamamayan ka ng
Pilipinas sa hinaharap. At dahil doon ay labis akong natutuwa.”
Gawin A – Sagutin ang susunod na tanong;
1. Anu-ano ang batas na pangkalsada, pangkapaligiran, at pangkalusugan ang nabanggit sa kuwento?
2. Ano ang kabutihang dulot ng mga batas na ito?
3. Sang-ayon ka ba na may pananagutan ang mga kabataang katulad mo sa pagpapatupad ng batas?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
Gawin B – Basahin ang mga pahayag. Kapag tama ang pahayag, lagyan ng (√) ang bilang at (X) kung mali ang
iyong papel.
1. Dapat na manahimik lamang kapag may mga nakitang nagtatapon ng basura sa mga imburnal o kanal.
2. Dapat na isumbong sa Kapitan ng Barangay ang mga basurerong kumukuha lamang ng basura kapag sila
ay binigyan ng lagay o pera.
3. Dapat na gayahin ang mga lumalabag sa batas trapiko upang mapadali sa byahe.
4. Dapat na makilahok sa mga Clean Up Drives sa paaralan o pamayanan.
5. Dapat paalalahanan ang mga kamag-aral sa pagtawid sa pedestrian lanes.
6. Dapat na bumili sa mga nagtitinda sa bangketa kaysa sa kantina ng paaralan.
7. Dapat na sumakay sa mga colorum na sasakyan.
8. Dapat na baliwalain ang babala ng Department of Health (DOH) ukol sa mga nakahahawang sakit.
Gawin C – Buuin ang mga pahayag batay sa pinag-aralan. Piliin sa mga salita na nasa loob ng kahon ang
naaangkop na sagot sa bawat bilang. Isulat sa papel.
1. Ang mga batas ay isinasagawa at ipinatutupad upang magkaroon ng ____________ at kaayusan.
2. Inaasahan na ang mga mamamayan ay susunod sa batas upang magkaroon ng ______________.
3. Ang mga batas pangkalusugan ay makatutulong sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng
tamang___________at pagpapatupad nito.
4. Pinarurusahan ng batas ang mga sumuway upang ito ay ___________________.
5. Kapag may kaayusan sa pamayanan, ang mga mamamayan ay ______________.
6. Ang pagbebenta ng illegal na droga ay may katapat na 12 hanggang 20 taong ____________.
7. Ang kalayaan ay matatamasa ng mga tao kapag sila ay sumusunod sa mga ____________.
8. Dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang ____________ ng mga batas.
9. Mas magiging maunlad ang ating bansa at ang mundo kung lahat ay ______________.
10. Ang mga batas at patakarang ginagawa ng mga tao ay para rin sa ______________ ng tao.

kapayapaan kabutihan payapa at masaya kaayusan pagkabilanggo pagpapatupad


magsilbing aral sumusunod sa batas impormasyon batas
Susi sa Pagwawasto:

Gawin A- 1. Batas sa kalsada, batas sa paninigarilyo


2-3 Malayang pagsasagot

Gawin B – 1. X
2. √
3. X
4. √
5. √
6. X
7. X
8. X

Gawin C- 1. Kapayapaan
2. Kaayusan
3. impormasyon
4. magsilbing aral
5. payapa at masaya
6. pagkabilanggo
7. batas
8. pagpapatupad
9. sumusunod sa batas
10. kabutihan

You might also like