magkaroon ng inspirasyon tungo sa pagsulong at pag- unlad ng bansa? B.ENGAGE - PAGGANYAK PAGTATALAKAY: Panuto: Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong pagkatapos nito. Batas Isinulat ni: Merrilyn D. Atienza
Batas…batas… Batas pangkalsada, pangkalusugan at pangkalikasan
Nakapagbibigay kahusayan, kaluwagan, katiwasayan Maging kaligtasan ng sinuman. Ako, ikaw, tayo Lahat dapat umaksyon na Sundin ang batas Upang mundo’y umunlad Sabay-sabay umangat! Sagutin ang mga tanong:
1.Tungkol saan ang tulang binasa?
2.Ano ang ibig sabihin ng batas? 3.Saan natin makikita ang mga batas? 4.Magbigay ng mga batas tungkol sa kalusugan? 5.Ano ang mga batas pangkapaligiran na alam ninyo? 6.Nakakatulong ba sa isang bansa ang pagpapatupad ng mga batas? GENERALIZATION – PAGLALAHAT
Ang batas ay lupon ng mga alituntunin na dapat dapat sundin. Ang
pagsunod sa batas ay nagpapakita na ang isang mamamayan ay may disiplina. Mayroon tayong batas pangkalsada, pangkalusugan at pangkalikasan na dapat sundin. GENERALIZATION – PAGLALAHAT
Ang batas ay lupon ng mga alituntunin na dapat dapat sundin. Ang
pagsunod sa batas ay nagpapakita na ang isang mamamayan ay may disiplina. Mayroon tayong batas pangkalsada, pangkalusugan at pangkalikasan na dapat sundin. APPLICATION- PAGSASABUHAY Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga batas pangkalsada? Pangkalusugan? Pangkapaligiran? Bakit mahalaga na sundin ang mga batas? APPLICATION- PAGSASABUHAY Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga batas pangkalsada? Pangkalusugan? Pangkapaligiran? Bakit mahalaga na sundin ang mga batas? Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Tukuyin kung anong batas ang tinutukoy nito. Isulat sa patlang kung ito ay batas pangkalsada, pangkalusugan o pangkalikasan. 1. Panatilihin ang isang (1) metrong layo sa ibang tao kapag lalabas ng bahay. Mahalaga na sundin ang mga batas na itinatag dahil ito ay para sa kaligtasan ng lahat. Ang pagsunod din sa batas ay daan tungo sa pagkakamit ng tahimik, maayos at maunlad na bansa. 2. Magtanim ng katamtamang laki ng puno sa bakuran. 3. Iparada ang sasakyan sa tamang paradahan. 4. Ugaliing magpatingin sa doktor kapag may nararamdamang hindi maganda sa katawan. 5. Iwasang bumusina sa tapat ng simbahan o sa mga pribadong lugar. Bilang isang mag-aaral, ano’ng batas sa paaralan ang iyong sinusunod? Magtala ng lima.