You are on page 1of 8

Lesson 2: Likas na Batas Moral Susundin Ko

Most Essential Learning Competency/ies


1. Natutukoy ang mga prinsipyo ng likas na batas moral (EsP10MP-Ic-2.1)
2. Nakapagsusuri ng mga pasiyang ginagawa sa araw-araw batay sa paghusga ng konsiyensiya (EsP10MP-Ic-
2.2)
3. Napatutunayan na ang konsiyensiyang nahubog batay sa Likas na Batas Moral ay nagsisilbing gabay sa
tamang pagpapasiya at pagkilos (EsP10MP-Ic-2.3)
4. Nakagagawa ng angkop na kilos upang itama ang mga maling pasyang ginawa (EsP10MP-Ic-2.4)

Your Learning Goals/Targets:

1. Matutukoy ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa angkop na sitwasyon


2. Masusuri kung ginamit nang tama ang isip at kilos-loob ayon sa tunguhin ng mga ito
3. Maipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin
4. Makagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap

Tuklasin

Likas na Batas Moral Susundin Ko


Natatangi at lubis na kakaiba tayong mga tao sa lahat ng mga nilalang dahil sa ating likas na
kakayahang alamin ang mabuti na dapat gawin at ang masama na dapat iwasan. Tayo lamang ang nakapag-
uutos sa ating sarili na tuparin ang dikta ng kataas-taasan para maayos na pamumuhay para sa panlahat. Ito
ang Tinatawag na Likas na Batas Moral.
Sinasabi na ang Likas na Batas Moral ang isang katibayan ng ating pagkikiisa sa walang hanggang
karunungan ng ating pakikiisa na walang hanggang karunungan (infinite wisdom) at kabutihan (goodness) ng
Diyod.

Para sa wastong paggamit ng Likas na Batas Moral, Kinakailangan ang mga sumusunod:
1. Determinasyon- ito ay isang virtue kung saan ang tao ay kumikilos ayon sa itinakdang layunin, may
matibay na hangad na gawin ang nararapat.
2. Maingat na pagpapasya- isinasaalang-alang sa bawat gagawing pag-papasya ang hinihingi ng Likas na
Batas Moral.
3. Katatagan- mula sa salitang “tatag” na ang ibig sabihin ay tibay, may angking tibay na hindi madaling
masira. Ito ay nakatuon sa kalooban ng tao na kayang harapin ang kahihinatnan ng gagawing
pagpapasya.

Pagtibayin

Ayon sa Batas Moral likas sa tao na alamin ang mabuting dapat gawin at ang masama na
dapat iwasan ayon sa ugnayan sa sarili, kapwa, pamayanan o lipunan at Diyos.

Kinikilala ng mga dakilang relihiyon sa mundo ang Likas na Batas Moral at may mga
pamantayan at kautusan na itinuturo bilang gabay sa pagkilos ng mga pamantayan at kautusan na itinuturo
bilang gabay sa pagkilos ng mga mananampalataya. Sa Kristiyano at gayon din sa iba pang mga relihiyon na

Sa ASDCO ganap akong edukado. Daan Ko sa Pag-asenso. Future ko sigurado!


nag-uugat sa Judaismo, ay mayroong Sampung Utos na ibinigay ng Diyos kay Moses. Mayroon ding mga
banalna kautusan ang Budismo, Hinduismo at iba pa. Lahat ng mga ito ay nagkakaisa at nagpapatibay ng
Likas na Batas Moral na nagbibigay ng liwanag sa isip ng tao na piliin ang mabuti at iwasan ang masama.

Lahat ng relihiyon ay sumusunod sa Likas na Batas Moral at ito kadalasan ang tinatawag na
“Ang Ginintuang Batas” o The Golden Rule. Iba’t iba ang bersiyon ng mga ito tulad ng sumusunod:

 Gawin mo sa iyong kapwa ang nais mong gawin sa iyo.


 Huwag mong gawin sa kapwa ang hindi mo nais gawin sa iyo.
 Hindi ka dapat maging dahilan ng pagkapinsala ng may buhay.
 Tulungan ang mga nangangailangan
 Mahalin moa ng kapwa gaya ng pagmamahal sa sarili.

Sa ASDCO ganap akong edukado. Daan Ko sa Pag-asenso. Future ko sigurado!


Palalimin

Basahin ang mga sumusunod na kwento at pagnilayan ang mga ito.

Sa ASDCO ganap akong edukado. Daan Ko sa Pag-asenso. Future ko sigurado!


Sa ASDCO ganap akong edukado. Daan Ko sa Pag-asenso. Future ko sigurado!
Sa ASDCO ganap akong edukado. Daan Ko sa Pag-asenso. Future ko sigurado!
Sa ASDCO ganap akong edukado. Daan Ko sa Pag-asenso. Future ko sigurado!
Sa ASDCO ganap akong edukado. Daan Ko sa Pag-asenso. Future ko sigurado!
Sa ASDCO ganap akong edukado. Daan Ko sa Pag-asenso. Future ko sigurado!

You might also like