You are on page 1of 9

PAGPAPAUNLAD NG

ISPIRITUALIDAD ANO
MAN ANG
PANANAMPALATAYA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang
tamang sagot sa patlang.
____1. Iniiwasan ni Jay na manigarilyo sapagkat alam niyang ito ay nakasasama sa
kanya at sa kapaligiran.
____ 2. Nakasakay sa motor si Leo at ang kanyang asawa na walang suot na helmet.
____3. Si Aling Gloria ay tagaluto sa kantina. Siya ay parating nakasuot ng gloves sa
tuwing sumasandok ng pagkain.
____4. Si Tess ay laging pinapakain at pinaliliguan ang kanyang alagang aso.
____5. Si Larry ay bumili sa paninda sa kantina. Pagkatapos niyang kumain ay inilagay
na lamang niya ang pinagbalatan sa gilid ng kanyang upuan.
1.Ano ang masasabi mo sa bawat larawan?
2. Ano-ano sa palagay mo ang tawag sa mga lugar na
nasa larawan?
3. Ano-anong relihiyon ang alam mo?
4. Ano ang ispiritwalidad?
5. Paano ito nakapagpapaunlad ng pagkatao?
Pagpapaunlad ng Ispiritwalidad Anuman
ang Paniniwala! Ang ispiritwalidad ay
ang malalim na pagpapakahulugan sa
buhay at paniniwala ng isang tao na
may kinalaman sa Diyos. Maaaring ito
ay may kinalaman sa relihiyon na
pinaniniwalaan at sa kanyang malalim
na pananaw sa ispiritwal na buhay.
Ang ispiritwalidad ay makatutulong sa
pagpapaunlad ng pananampalataya ng isang
tao sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
sariling relihiyon base sa kaniyang mga
pinaniniwalaan. Ang pagkakaroon ng mahusay
na ispirituwal na pamumuhay ay nagdadala
sa isang tao upang gumawa ng kabutihan sa
kapwa, iniiwas nito ang isang tao sa mga
kasalanan at masamang gawain.
1.Ano ang iyong ginagawa upang lumalim ang iyong
pananampalataya sa Dios o mapalago ang ispiritwalidad?
2.Mahalaga ba na mayroon tayong kaugnayan sa Dios?
3.Sa anong paraan mo naisasabuhay ang pananampalataya mo
sa Dios?
Panuto: Kulayan ng pula ang puso (♡) kung ang pahayag ay nagpapatunay na nagpapaunlad ng pagkatao ang
ispiritwalidad at bughaw naman kung hindi.

1.Pinapatawad ang taong nakasakit sa damdamin.


2. Tinutuligsa ang bawat paniniwala ng ibang relihiyon.
3. Nag-iisip ng paraan kung paano mapapaunlad ang
pananampalataya.
4. Iginagalang ang pananalig ng ibang tao.
5. Matiyagang nakikinig sa sermon ng pari gaano man ito
kahaba.
TAKDA:

Magbigay ng 5 sitwasyon ng mga


gawaing nagpapakita ng mabuting
pagkatao bilang tanda ng maunlad na
ispiritwalidad.

You might also like