You are on page 1of 2

JOSE BORROMEO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

Aranas, Balete, Aklan

Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao - 10

Pangalan:______________________________________ Baitang & Section:__________

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na aytems. Piliin ang pinakatamang sagot at isulat sa
patlang.
____1. Anong isyung moral sa buhay ang tumutukoy sa pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus o sanggol na
hindi maaaring mabuhay sa pamamagitan ng kaniyang sarili sa labas ng bahay- bata ng ina?
a. Aborsiyon b. Alkoholismo c. Euthanasia d. Pagpapatiwakal
____2. Isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga panig o posisyon na
magkakasalungat at nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang malutas.
a. Balita b. Isyu c. Kontrobersiya d. Opinyon
____3. Anong proseso ang isinasagawa sa modernong medisina upang wakasan ang buhay ng taong may
malubhang sakit na kailanman ay hindi na gagaling pa?
a. suicide b. Abortion c. Euthanasia d. lethal injection
____4. Ito ay sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naayon sa sariling kagustuhan.
a. Aborsiyon b. Alkoholismo c. Euthanasia d. Pagpapatiwakal
____5. Ay isang Gawain kung saan napadadali ang kamatayan ng isang taong may matindi at wala ng lunas na
karamdaman.
a. suicide b. Abortion c. Euthanasia d. lethal injection

II. Panuto: Basahin at suriingmabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang Tama kapag
wasto ang diwa ng pangungusap at isulat ang Mali kapag hindi wasto. Isulat ang sagot katabi ng
numero.
1. Hindi dapat maging dahilan ng awayan ang pagkakaiba sa kasarian.
2. Ang mga payo ng magulang sa pakikipagrelasyon ay dapat pag-isipan at bigyan ng
konsiderasyon.
3. Marapat itakda ang mga moral na batayan sa pakikipag-ugnayan.
4. Hindi mahalagang makilala mo nang lubusan ang iyong makakasama sa buhay dahil ang
mahalaga ay ang inyong pagmamahalan.
5. Ang sekswalidad ay mabuti at sagrado.
6. Walang limitasyon ang pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian.
7. Walang kontrol ang tao sa kanyang damdamin.
8. Ang sekswalidad ay may kaugnayan sa kaisipan, emosyon at ispiritwal na katangiang taglay
ng pagiging babae at lalaki.
9. Ang hangarin ng Diyos sa pag-aasawa ay panghabang-buhay.
10.Ang live-in o pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan kahit hindi pa kasal ay isang
eksperimento lamang, patas ang babae at lalaki sa sitwasyong ito.
11.Dapat maging malinaw sa isang tao ang kanyang pangunahing layunin sa buhay.
12.Maging mapanuri sa mga makabagong gawi na ipinakilala ng kabataan tungkol sa
pakikipag-ugnayang sekswal.
13.Ang paggalang sa sekswalidad ay hindi pagpapatunay ng mataas na pagtitiwala at respeto
sa sarili.
14.Isabuhay ang pagtitimpi upang mapigil ang sarili mula sa kapusukan.
15.Ang ating katawan ay tahanan ng ating Diyos.

Ipaliwanag: Limang puntos bawat isa.


1. Paano naiiba ang buhay na pinagkaloob sa tao kung ikukumpara sa buhay ng ibang
nilikha ng Diyos?
2. Paano nakaaapekto sa ating isip at kilos loob ang paggamit ng ipinagbabawal na gamut at
alkoholismo?
3. May karapatan ba ang tao na maging Diyos ng sarili niyang buhay?
4. Bakit sagrado ang buhay ng tao?

You might also like