You are on page 1of 9

EDUKASYON

SA
PAGPAPAKATAO
X

Inihanda ni:
MRS. MARIETTA BORJA
YUNIT III
ESP 10

EDUKASYON
SA
PAGPAPAKATAO
X
PAMANTAYANG NILALAMAN:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa mga
pagpapahalagang moral upang makapagpasya at makakilos tungo sa makabuluhan
at mabuting pakikipag-ugnayan sa Diyos, sa kapwa at sa kapaligiran 
BATAYANG KONSEPTO:
Ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa mga pagpapahalagang moral ay
kailangan upang makapagpasya at makakilos nang may preperensya sa kabutihan 
ARALIN 10:
Pagmamahal sa Diyos

Ayon kay Fr. Patrick Peyton, “The family that prays together, stays together” at
ito ang magpapatotoo ng pananampalataya sa Diyos at paggsasamahan ng isang
pamilya. Makakayanan nilang lutasin ang anumang suliranin na maaaring
maranasan ng bawat mag-anak dahil mismong Diyos ang magiging gay nila.
Anu-ano nga ba ang maaaring bunga ng may pananalig sa Diyos? Anu-anong
mga katangiang Kanyang taglay upang Siya ay higit na paniwalaan, sundin at
mahalin? Ang mga kasagutan ay iyong malalaman sa susunod na mga aralin.
MAG-ISIP KA MUNA!
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang pagsunod sa Diyos ay nangangahulugan na…

a. Paniniwala sa Kanyang kapangyarihan
b. Pagtitiwala sa Kanya sa panahon ng pagsubok
c. Pananalig sa magagawa Niya
d. Pagidolo sa mga gawa Niya
2. Ang Diyos ay omniscient na nangangahulugan na…
a. Siya ay nasa lahat ng dako
b. Siya ang nakaaalam sa lahat ng bagay’
c. Siya ay di nagbabago
d. Siya ay makapangyarihan
3. Ang Diyos ay omnipresent na nangangahulugan na…
a. Siya ay nasa lahat ng dako
b. Siya ang nakaaalam sa lahat ng bagay’
c. Siya ay di nagbabago
d. Siya ay makapangyarihan
4. Ang Diyos ay immutable na nangangahulugan na…
a. Siya ay nasa lahat ng dako
b. Siya ang nakaaalam sa lahat ng bagay’
c. Siya ay di nagbabago
d. Siya ay makapangyarihan
5. Ang Diyos ay omnipotent na nangangahulugan na…
a. Siya ay nasa lahat ng dako
b. Siya ang nakaaalam sa lahat ng bagay’
c. Siya ay di nagbabago
d. Siya ay makapangyarihan
GAWAIN 1
Panuto: Basahin ang kuwento sa ibaba. Humandang sagutin ang kasunod na mga tanong.

Si Zechariah… Nag-iba Na!

Si Zechariah ay isang karaniwang mag-aaral ng ikasampung baiting. Madalas siyang
kasama ng kanyang mga kabarkada. Natuto na siyang uminom, manigarilyo, at
maglakwatsa. Araw-araw makikita sa kanya ang isang buhay na tila puro pagpapasaya na
lamang ang inaatupag.
“Zechariah, anak” sabi ng kanyang ina. “Bakit ba halos lahat ng marka mo ay
bagsak?” tanong nito.
Umalis na hindi man lamang sumagot si Zechariah. Sa halip ay nagpunta sa bahay ng
kanyang kabarkada upang makipag-inuman. Tila ba hindi nakaramdam o naantig ang
kanyang damdamin sa tinuran ng ina. Palibhasa ay nasanay na siya rito. Pakiramdam niya
ay mga kabarkada niya ang tunay niyang kakampi.
Kakampi! Iyan ang hinahanao ni Zechariah. Ito ang dahilan kaya siya napadpad sa
masamang barkada, bisyo at kalayawan. Dito siya nakakita ng mga kakampi. Masaya siya sa
piling nila. Binalewala na niya ang kanyang pag-aaral at maging ang mga mahal sa buhay.
Sa kanyang tingin ay ito ang mga tunay na may malasakit sa kanya.
Isang araway tumigil nang tuluyan sa kanyang pag-aaral si Zechariah. Sa dahilang
hindi na rin siya masuheto ay pinabayaan na siya ng kanyang ina. Pinabayaan na siya
sapagkat ayaw na rin niyang making. Mula sa kanilang tahanan ay nakitira siya sa kanyang
kabarkadang si Dante.
Isang arawa ay nagkasakit si Zechariah. “Pare”, sabi ni Dante. “Pasensya ka na hindi
kita kayang alagaan tinawag ko ang nanay mo para sunduin ka”. Hindi man ganap na
kagustuhan ang pagbalik sa bahay nila ay sumama na rin si Zechariah sa ina.
Pinagamot siya nito at ipinadama ang pagmamahal. Dahil ditto ay naisip niya na
kakampi rin pala niya ang kanyang ina Nasabi niya sa sarili na malaki nga ang kanyang
pagkukulang sa kanyang mga magulang kaya nangako siya sa sarili na magbabago na.
Habang siya ay nagpapagaling ay naisip niyang magbasa para magpalipas ng pagkainip.
Napagbalingan ang Bibliya na nasa altar ng bahay nila at sinimulan itong basahin.
Mga Gabay na Tanong:
1. Anu-ano ang mga damdaming umiral sa iyo pagkabasa ng kuwentong ito? Bakit?
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
2. Ilarawan si Zechariah bilang isang kabataan.
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
3. Ano ang naging rekasyon ng kanyang ina dahil dito?
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

4. Anu-ano ang naging bunga kay Zechariah ng kanyang mga gawi?

________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
5. Sa palagay mo magbabago na si Zechariah? Bakit?
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

MGA KONSEPTONG MAHALAGANG MALAMAN AT DAPAT MAUNAWAAN

Ang Diyos bagama’t espiritu at hindi nakikita ay pinaniniwlaan. Iyan ang tinatawag
na paniniwala or faith. Kung malakas ang iyong paniniwala, pananalig at tiwala sa Kanya
hindi mabubuwag ito ng anumang pagsubok na mararanasan mo. Para sa tao, Siya ay ama,
kaibigan, sandigan na tunay na gagabay sa bawat yugto ng buhay. Ang pagsunod sa
Kanyang mg autos ang batayan ng kanilang pagpapahalaga. Nananampalataya sila at
iginagalang ang mga katangiang taglay ng Diyos.
Naniniwala ang karamihan na ang Diyos ay; Omniscient, Omnipresent,
Omnipotent, at Immutable.
Bakit nga ba? Ating talakayin at alamin.
 Omniscient – na ang ibig sabihin ay nakakaalam ng lahat ng bagay. Batid Niya ang
mga naisind, kasaysayan, gawi, suliranin ng bawat indibidwal bago pa man ito idasal
sa Kaniya. Dahil dito ang tugon ng mga nananampalataya sa Kanya dahil sa
katangian Niyang ito ay ang mga sumusunod:
1. Humihingi ng Kanyang gabay sa bawat pagpapasyang gagawin
2. Magtiwala na lahat ng dasal ay Kanyang pakikinggan
3. Ipagkatiwala sa Kanya ang buhay na taglay at;
4. Sundin ang Kanyang utos
 Omnipresent – nasa lahat ng dako kaya’t kasama Siya ng Kanyang mga nilalang
saan man sila dumako. Bagamat espiritu ang Diyos at walang katawan ay mahalaga
na maramdaman at mabatid ang kanyang presenya sa araw-araw na pamuuhay. Sa
kabila ng suliranin sa buhay, ang isang naniniwala sa Diyos ay may pananalig na
hindi siya iiwan ng Maykapal at patuloy na gagabayan. Ninanais ng Diyos na
mapalapit sa Kanyang mga nilalang.
 Omniponent – nangangahulugan na makapangyarihan sa lahat. Nasa pamamahala
Niya ang lahat at itatakda ang bagay na ipatutupad Niya ayon sa kanyang
pagpapasya. Ito ang dahilan kaya’t ang mga taong naniniwala sa Kaniya ay
idinudulog ang kanilang mga pangangailangan. Walang limitasyon ang nagagawa ng
Diyos. Anumang nais ng mga taong nilalang Niya mula sa Kanyang kabutihan.
 Immutable – sa kabila ng kanyang mga kapangyarihan ay hindi siya nagbabago.
Ang kanyang pagmamahal ay hindi nagmamaliw o maglalaho maniwala man sa
Kaniya ang mga tao o hindi. Ang katangiang ito ng Diyos ay nagmumula sa Kanyang
kabutihan.Bagamat ang tao ang siyang lumalayo sa Lumikha sa kanya ay hindi siya
iiwan ng Maykapal. Hindi nagbago at magbabago ang Kanyang pagmamahal bagkus
lalo pa itong ipinapadama ng Diyos na kumakalinga sa bawat tao lalo na sa panahon
ng pagsubok.

GAWAIN 2
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.
1. Sino ang Diyos para saiyo?
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
2. Para saiyo, bakit siya maituturing na omniscient, omnipresent, omnipotent at
immutable? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________

GAWAIN 3
Panuto: Gumawa ng sulat-pasasalamat sa Diyos.

_________________________________________
_________________________________________

Mahal Kong Diyos,

_________________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________.

_________________________________________,
_________________________________________

You might also like