You are on page 1of 16

Maligayang araw sa inyong

lahat

Bb. Lady-ann S. Lomod


Panalangin
Ama namin, sumasalangit Ka
Sambahin ang ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan Mo po kami ngayon
Ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin Mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin
Sa nagkakasala sa amin
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama
AMEN.
Panuntunan sa Klase

• Makinig nang mabuti


• Iwasan ang makikipagdaldalan sa katabi
• Marunong rumespeto
Panganganyak

1. Nasa _______ ang awa, nasa ______ ang gawa.

2. Ang taong ______, sa _______ kumakapit.

3. Mabuti pa ang _______ na nakatira ay________kaysa bahay na

________ na ang nakatira ay ____________


4. Kapag binato ka ng ________ Batuhin mo ng _________.

5. Ang totoong__________ harangan man ng sampong _________ ay hinding-


hindi mabubuwal.
Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

b.Nabibigyang-
a. Naipaliwanang ang
pagpapakahulugan ang c. Nakakalikha ng sariling makabagong
kahulugan ng salawikain;
ilang piling salawikain salawikain
SALAWIKAIN

• Ang salawikain o (Proverbs) ay isang makaluma at maiksing pariralang


nagpapahayag ng ideya na pinaniwalaan ng nakakarami na tunay o
totoo.

• Ito ay maaring magmula sa mga kilalang tao o kaya naman sa mga


kasaabihan ng mga ninuno na naipasamula sa isang henerasyon noon
hanggang sa kasalukuyang panahon.

Hal. Kung may tinanim, may aanihin.


• Ito ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan upang
magsisilbing gabay sa pang araw-aw na pamumuhay.

Hal. Ako ang nagbayo, iba ang nagsaing.


Paggawa ng Salawikain

• Ang mga salawikain ay binubuo ng mga taludtod, mayroong


mga sinulat na magkakatugma at mayroon namang hindi.
• Ito ay naa-ayon sa opinion at saloobin ng indibidwal na
gumagawa o sumulat nito.
Halimbawa:
 Ayos lang hindi maging mabait, kung nakikita niya ang iyong malasakit.

 Kung mahal mo ang isang tao, ipakita mo sa kanya. Hindi yung parang nag
upload ka ng pictures sa facebook, tapos ipa-private mo lang pala.
KATANGIAN NG SALAWIKAIN

a. Payak
b. Karaniwan ang mga
pananalita
c. May tugma ang karamihan
d. Kinasasalaminan ng puna
sa buahay
e. Maikling pangungusap
f. Paguulit ng mga salita
Halimbawa

1. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.


 Ang diyos ay maawain pero kinakailangan pa rin na magsusumikap ang mga tao. Kahit na
makapangyarihan ang ating diyos, hindi it nangangahulugan na maari nang magsa-walang
bahala lamang ang mga tao.
2. Ang taong gipit, sa patalim kumakapit.

 kung ang isang tao ay lubhang kinakapos sa kanyang pang araw-araw na pangangailangan at wala
siyang mabalingang lunas sa kanyang dinadalang problema, siya ay kailangang kumapit sa patalim
kahit alam niyang bandang huli ay kapahamakan ang kanyang hinaharap

3.Mabuti pa ang kubo, na nakatira ay tao kaysa bahay na bato na ang nakatira ay
kuwago.
Mas mabuti ng tumira sa isang maliit na bahay, kung ang kasama mo ay mabuti at
mabait na tao, kaysa sa malaking bahay na aapihin ka at pagmamalupitan
Halimbawa

4. Kapag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay.

 Huwag mong sabayan ang galit ng iyong mga kaaway sapagkat walang
magandang naidulot na kabutihan ang paghihiganti

5. Ang totoong nagmamahal harangan man ng sampong kawal ay hinding-hindi


mabubuwal.

Walang makakapigil sa dalawang taong nagmamahalan.


Kung sa tahanan naman natin ang pag uusapan ano, kaya ang
mga Kasabihan na lagi ninyong naririning ?
Meron ba kayong sariling salawikain o mga kasabihan?

Tubong lugaw man, dun naman kami umasenso

Wag mong nanaisin ang kanyang bulsa kundi ibigin mo sa ugali niyang
maganda

Ang taong nagsusunog kilay malamang magtatagumpay

Kapag puso ay umiibig, walang maganda walang pangit ganyan tayo kung
mabulag

kung ikaw ay nagloloko hindi hindi ka mauuna

Sa makating dila ang away nagsimula


1. Ano ang Salawikain?
2. Paano ito nakakatulong sa pagbibigay ng mabuting aral?
Ebalwasyon
Bigyang kahulugan ang mga halimbawang salawikain sa ibaba.

1. Sa pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.


2. Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim.
3. Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
4. Daig ng maagap, ang taong masipag.

Takdang-Aralin

Sumulat ng salawikain na magiging gabay sa inyong pang-araw-araw na Gawain:


• Pagtitipid
• Pag-iwas sa gulo

Paalam! hanggang sa susunod

You might also like