You are on page 1of 2

Name: Code: Score:

Grade/Section: Quarter/Week: Subject:


Q4 WEEK 6-7-8 ESP 6

ANG PANANALIG SA DIYOS

Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong.

Ang Diyos ay pag-ibig na alay,


Na sa mga tao ay binigay
Ang pag-ibig ay di mawawala
Kahit ang tao’y mamatay pa.
Kung marami tayong napagdaraanan,
Ito’y parte na ng ating kakayahan
At pagsubok para lumaban,
Kasama natin siya, ating landas at sandalan.

1.Ano ang mensahe ng tula?

2. Ano ang nagtuturo sa atin na magtiwalasaDiyos para salahat ng hindinatinnakikita at nalalaman?

3. Bakit mahalaga na magkaroon ng pananampalatayasaDiyos?

4. Paano mo naipapakita na mayroon kang pananalig sa Diyos?

Umisip ng isang gawain na nagpapakita ng pananalig sa Diyos. Isipin kung paano mo magagamit bilang paglilingkod
sa Diyos.

1. Pinakagusto kong gawin

2. Paraan ng pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng Gawain

3. Mga taong makikinabang sa paggawa ko

4. Mga tiyak na hakbang sa gagawin

5. Mga kasama sa paggawa

Basahin at unawain ang sitwasyon. Lagyan ng / kung ito ay nagpakita ng pananampalataya sa Diyos at x kung hindi.
____1. Kami ay nagdarasal buong pamilya tuwing gabi’
____2. Pumunta kami sa simbahan tuwing Linngo.
____3. Ayaw naming makinig sa sermon ng pari.
____4. Sumabay kami sa sa aming kapitbahay sa simbahan.
____5.Hindi kami nanininwala sa sabi ng pari.

POSITIBONG PANANAW SA BUHAY

Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang pahayag ay nagpapakita ng positibong pananaw at ekis (x) kung hindi.
_____1. Maliit na marka lang ang iyong nakuha sa unang markahan kaya pinili mo nalang na huwag ipagpatuloy ang pag-
aaral. _
_____2. Gusto mong sumuko sa pag-aaral dahil nahihirapan na ang iyong pamilya sa mga gastusin.

_____3. Nagsusumikap ka na mag-aral kahit mahirap lang iyong pamilya dahil alam mong ito ang magiging susi sa iyong
tagumpay.

_____4. Maraming suliranin sa inyong pamilya kaya pinili mong gumala at sumama sa mga tambay na mag-inuman dahil
sila lang ang makakatulong sa iyong mga pinagdadaanan.
_____5. Kahit walang kuryente dahil sa bagyo, nagsusumikap ako na gumawa ng takdang-aralin ng maaga upang hindi
maabutan ng dilim

_____6. Pakikinggan ang mga sinasabi ng ibang tao at kaawaan ang sarili sa mga problema na iyong kinakaharap.
_____7. Hahayaang ikaw ay malulugmok sa kalungkutan at mawalan ng gana sa buhay.
_____8. Susunod ako sa payo ng aking mga magulang at tutulong sa kanila.
_____9. Pagbubutihin ko ang aking pag-aaral na may tatag at pag-asa.
____10_. Kailangang paalalahanan ang mga pangarap at pagsikapang makamtan ito.

Tukuyin ang pangungusap kung ito ay Tama o Mali.


_______________1. Sumuko sa laban si Jenny at nawalan siya ng pananampalataya ng malaman niya na siya ay may kanser.
______________2. Nagsumikap si Tristan sa pagsasanay sa trabaho upang matuto.
______________3. Hindi natanggap si Karla bilang iskolar sa unibersidad kaya itinigil niya ang pag-aaral.
______________4. Dapat lamang na mag-ipon sa mga panahon na meron kang pera upang may magamit kung ikaw ay
nangangailangan. _
______________5. Kahit magsasaka ang tatay ni Jona nagsusumikap siya na tulungan ito sa pamamagitan ng pagtitinda ng
kakanin upang matustusan ang kaniyang pag aral.

PANANALIG AT PAG-ASA
Iguhit ang bituin kung ang pangungusap ay TAMA at bilog kung hindi.

_____1. Ang pananalig sa Diyos ay nagbibigay ng pag-asa sa tao.


_____2. Kapag hindi ka tumulong sa kapwa mo, tiyak uunlad ang buhay mo.
_____3. Ang pananalig ay ang pagtitiwala sa Maykapal kahit hindi siya nakikita sa personal.
_____4. Ang mantra ay salita na ginagamit sa meditasyon at pinaniniwalaan na nagtataglay ng kapangyarihag moral.
_____5. Sa lahat ng oras at anumang pagkakataon, dapat tumulong sa kapwa.
_____6. Ang pag-iwas sa paggawa ng kasalanan sa kapwa ay pagpapakita ng pagmamahal sa Maykapal.
_____7. Napauunlad ang ispiritwalidad ng isang tao kapag isinasabuhay niya ang pananalig sa Maykapal.
_____8. Ang pagtulong sa kapwa ay sapat na kahit hindi ka na magsimba/ sumamba.
_____9. Mahalaga na palagi tayong may positibong pananaw at pagmamahal sa kapwa.
_____10. Kapag dumaranas ng problema, ang pagdarasal ay nakapagbibigay ng pag- asa.

Mag-isip ng isang suliranin na iyong naranasan sa buhay. Isulat ang iyong sagot sa bukod na papel
1. Ano ang suliraning naisip mo?

2. Paano mo ito nilutas?

3. Ano ang epekto nito sa iyong sarili?

You might also like