You are on page 1of 10

Mohammad

Paaralan Integrated Baitang 6


Pang-araw-araw na School
Tala sa Pagtuturo sa Marissa L.
Guro Asignatura EsP6
EsP Baitang 6 Montecillo
Petsa/Oras Markahan

HWPL Lesson No. and Title: 11 – Law-Abiding Spirit and Law of Peace
Key Contents:
• Law-Abiding Spirit
Law is needed to maintain order and safety of all people living in a community. For
this, law has binding force. Observance of the law is to keep the law, which is the
promise between the members of a society. When there are law-abiding citizens, a
safe and peaceful order of society will be maintained.
‫قال تعالى‬:
، ‫ وان جنحوا للسلم فاجنح لها وتوكل على هللا‬.‫انه هو السميع العليم‬
Qur an:anfaal 62
But if they incline to peace, you also incline to it, (put your) trust in Allah, Verily, He is
the All Hearer, the all -Knower.
I. LAYUNIN
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng magmamahal
A. Pamantayang
sa bansa at pandaigdigang pagkakaisa tungo sa isang maunlad,
Pangnilalaman
mapayapa at mapagkalingang pamayanan.
B. Pamantayan sa Naipakikita ang wastong pangangalaga sa kapaligiran para sa
Pagganap kasalukuyan at susunod na henerasyon.
C. Mga Nakapagpapakita ng tapat na pagsunod sa mga batas pambansa at
Kasanayan sa pandaigdigan tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran.
Pagkatuto EsP6PPP-IIIf-37
(Isulat ang
Code ng Bawat
Kasanayan)
1.Understand the law-abiding spirit through the necessity of law.
 Layunin ng 2.Understand that one needs to have traits of peace in order to
HWPL 12 observe law.
Lessons 3.Understand that a binding law of peace is needed to achieve
peace.
II. NILALAMAN
A. Paksa Pagpapatupad ng Batas para sa Kalikasan
Ang ating pamahalaan maging ang buong mundo ay may
B. Pangunahing ipinatupad na batas upang maisakatuparan ang pangangalaga sa
Konsepto kalikasan. Bilang mamamayan kailangan nating suportahan at
sundin ang mga batas na ginawa para sa kalikasan.
C. Kinakailangang Pangangalaga sa Kalikasan
Kasanayan
III.KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6
Gabay ng Guro Manwal ng Guro pp. 24-26
2. Mga Pahina sa
Kagamitang
Pang-mag-
aaral
3. Mga Pahina sa Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6 pp.94-99
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan
mula sa portal
ng Learning
Resource
B. Iba pang
Kagamitang Panturo
1. Websites
2. Aklat/Journal
Kopya ng Rubrik para sa pangkatang gawain, manila paper para
C. Kagamitan sa word organizer, pentel pen, index card na may nakasulata na
batas na may kaugnayan sa likas na yaman
IV. PAMAMARAAN
 Panalangin
A. Pang-araw-araw  Pagbati
na Gawain  Pag-check ng attendance
 Balik-aral
Ano-anong uri ng kabuhayan na may kaugnayan sa likas
B. Pangunahing na yaman.
Gawain  Pagganyak
Tukuyin ang iba’t ibang likas na yaman mayroon ang
ating bansa.
 Activity (Gawain) Group Activity
Bumuo ng isang word organizer ukol sa inyong mga sagot
tungkol sa mga batas pangkalikasan na ipinatutupad ng
pamahalaan at kung ang naidudulot ng pagsunod sa batas sa mga
C. Panlinang na tao. Pangkatin ang mga bata sa anim na grupo.Bawat grupo ay
Gawain bibigyan ng index card na may nakatalagang batas na gawaan ng
word organizer. Isulat sa manila paper ang sagot ng bawat grupo
at iulat sa klase pagkatapos ng gawain.

Pangkat 1- Index Card 1-RA 9003


Index Card 1
RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000)
Tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod-bukod ng
mga solid waste sa mga barangay.

Pangkat 2- Index Card 2- RA 9147


Index Card 2

RA 9147 Wildlife Resources Conservation and Protection Act

Konserbasyon at pagbibigay proteksyon sa mga maiilap na


hayop at ang kanilang habitas upang mapanatili ang ecological
diversity.

Pagkakaroon ng regulasyon sa pangongolekta at pangangalakal


ng maiilap na hayop at paglalaan ng pondo sa pananaliksik upang
mapanatili ang biological diversity ng bansa.

Pangkat 3-Index Card 3-RA 7586

Index Card 3

RA 7586 (National Integrated Protected Areas System Act of 1992)

Ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang mga lugar na


kinikilalang luklukan ng mga uri ng hayop at halaman na may
kaunting bilang na lamang at nanganganib na mapuksa. Ang batas na
ito ay isinakatuparan bilang pagkilala sa pangangailangang
mapanatili ang balance ng ekolohiya at kalikasan. Ito rin ay bilang
paniniguro na matatamasa pa ng susunod na henerasyon ang
kagandahan ng kapaligiran, sa harap ng napakabilis na pagsulong ng
modernisasyon at teknolohiya.

Pangkat 4-Index Card 4-RA 9275


Index Card 4
RA 9275 o “Philippine Clean Water Act”
Ang batas na ito ay bilang pagkilala sa kalinisan ng tubig para sa
mamamayan.
Pangkat 5 –Index Card 5-Batas Pambansa 7638
Index Card 5

Batas Pambansa 7638(Department of Energy Act 1992)


Pagtatatag ng Department of Energy (DOE)

Layunin nitong isaayos, subaybayan, at isakatuparan ang mga


plano at programa ng pamahalaan sa eksplorasyon, pagpapaunlad
at konserbasyon ng enerhiya.

Pangkat 6 – Index Card 6- RA 8749

Index Card 6

RA 8749 o “Philippine Clean Air Act”

Ang Philippine Clean Air Act ay naglalayong panatilihing malinis


at ligtas ang hanging nilalanghap ng mga mamamayan. Layon din
nito na ipagbawal ang mga gawaing nagpapadumi sa hangin. Ayon sa
batas na ito, mas kailangang bigyang-pansin ang paghihinto ng mga
gawain na nagpapadumi ng hangin kaysa sa pagpapalinis ng madumi
na hangin. Ang batas na ito ay nagsasaad din na hindi lamang ang
pamahalaan ang may katungkulan na panatilihin ang linis ng hangin,
subalit pati ang mga pribadong mamamayan at mga pang-komersyal
na industriya ng bansa. Kasama sa batas na ito ang pagpaplano ng
mga pangmatagalang pamamaraan upang epektibong mawaksi ang
mga sanhi ng maduming hangin at maghanap ng mga paraan upang
mabawasan ang polusyon sa hangin.

BATAS

NAIDUDULOT NG MGA BATAS NA


PAGSUNOD SA IPATUTUPAD
BATAS

Rubrik Para sa Pangkatang Gawain


BATAYAN PANG PANG PANG PANG
KAT KAT KAT KAT 4
1 2 3
1.Kasi-siya
ba ang
ginawang
pag-uulat?
2.Mahusay
bang
nakasunod
sa
ipinapagaw
a ng guro
ang
pangkat?
3.Napukaw
ba ng
tagapag-
ulat ang
atensyon/
damdamin?
4.May sapat
bang
kaugnayan
ang
paksang
tinatalakay?
5.Nakikiisa
ba ang
bawat
kasapi sa
pagbuo ng
gawain?
Makakakuha ang bawat pangkat ng kani-kanilang puntos.
Mula 5 hanggang 10 na puntos, 5 ang pinakamababa at 10
naman ang pinakamataas na score.

Mga tanong sa pagtatalakay sa isinasagawang gawain.


1.Ano-ano ang mga batas na ipinapapatupad ng pamahalaan
para mapangalagaan ang ating kapaligiran?
2. Alin sa mga batas na ito ang sinusunod mo? Alin ang hindi?
Bakit?
3.Ano-ano na ang nagawa mo upang maging isang mabuting
tagapagsunod ng batas para sa kalikasan?
4.Dapat ba nating sundin ang mga batas na pinaiiral para sa
pangangalaga ng ating kapaligiran? Bakit?
5.Anong maging resulta sa pagiging masunurin sa batas?

 Analysis (Pagsusuri)
1. Sino ang may katungkulan sa pangangalaga ng ating
kapaligiran?
2. Bakit tayo itinalaga ng Diyos bilang tagapamahala ng
kapaligiran?
3.Paano makatutulong ang batang tulad mo sa pagpapanatili ng
likas na yaman?
4.Bakit ipinapapatupad ang mga batas ng pamahalaan
para mapangalagaan ang ating kapaligiran?
 Abstraction ( Paghahalaw)
Patnubay para sa guro:
1.Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa mga tanong.
2.Bigyang-diin ang mga konsepto ng HWPL (Peace
Integration) at Islamic Values.
3.Ang background information at Qur’anic verse o Hadith ay
gabay lamang para sa integrasyon o pagsasama ng mga
mahahalagang konsepto. Hindi kailangang ipabasa sa mga
bata.
Mga tanong:
1. Bakit kailangan natin ng batas?
 Ang isang umiiral na pamantayan ay kailangan natin
bilang tao upang mamuhay ng mapayapa. Kailangan ng
legal na instrumento para wakasan ang mga digmaan at
makamit ang kapayapaan sa daigdig.
2. Ano-ano ang mga layunin ng batas?
 Ang mga tao ay maaaring mamuhay ng ligtas at may
mapayapang buhay sa pamamagitan ng paglutas ng
mga salungatan na nagaganap sa isa't isa sa
pamamagitan ng batas. Gayundin, naging
pamantayan ang batas upang parusahan ang mga
gumawa ng mali o hindi sumunod sa batas. Ang
batas ay gumaganap ng isang tungkulin upang
mapanatili ang kaayusan ng lipunan.
3. Ano-ano ang mga batas na pinapatupad para sa
kapaligiran?
 Ang mga sumusnod ay mga batas pambansa at
pandaigdig tungkol sa pangangalaga sa kalikasan:
Batas Pambansa 7638 (Department of Energy Act of
1992), RA 8749 0 “Philippine Clean Air Act”, RA
9275 o “Philippine Clean Water Act”, RA 7586
(National Integrated Protected Areas System Act of
1992), RA 9147 Wildlife Resources Conservation
and Protection Act at RA 9003 (Ecological Solid
Waste Management Act of 2000)
4.Bakit kailangan nating magpatupad ng mga batas
pangkapaligiran?

 Kailangan nating magpatupad ng batas na


pangkapaligiran upang maisakatuparan ang
pangangalaga sa kalikasan at upang ang mga ito ay
maprotektahan.
5.Bakit kailangan nating pangalagaan at protektahan ang
ating kalikasan?Paano?
 Ang mga kalikasan ay kailangan nating pangalagaan
at protektahan sapagkat ang tao at kalikasan ay
magkaugnay. Ang kalikasan ang nagkaloob sa tao
ng kaniyang pangangailangan para mabuhay. Ang
tao naman ang nangangalaga sa kalikasan upang
mapanatili ito. Kailangan ng tao ang kalikasan.
Kailangan naman ng kalikasan ang tao.Ating
mapangalagaan at maprotektahan ang kalikasan
kung ating suportahan at sundin ang mga batas na
ginawa para sa kalikasan.
6. Bakit kailangan nating sundin ang mga batas?
 Ang mga batas ay dapat sundin upang magkaroon ng
matiwasay at mapayapang pamumuhay. Ang batas
ay ang pinakamababang pamantayan para sa
kaayusan ng lipunan, at ang halaga ng batas ay nasa
pagsunod sa batas nito. Ang diwang pagsunod sa
batas ay dapat na nasa batayan ng puso, handang
sundin ang batas, panatilihin ang kaayusan, at
protektahan ang kapayapaan. Ang espiritung
masunurin sa batas ay isa sa mga katangian ng
kapayapaan na makakapag tanto ng kapayapaan sa
mundo.

 Application (Paglalapat)
Gumawa ng mga talata na naglalarawan ng magandang
kapaligiran na naging bunga ng pagsunod ng mga batas para sa
tamang pangangalaga ng ating kapaligiran.Isulat ang sagot sa
inyong kuwaderno.
D. Pagtataya ng Buoin ang bawat pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa
Aralin kuwaderno.
1.Sa mga bundok, dapat tayong_______________.
a. magtanim ng mga puno
b. magkaingin, magtagpas, at magsunog
c. manghuli ng mga nanganganib na hayop
d. magtatag ng maliit na kompanya ng logging
2.Upang maiwasan ang red tide, dapat____________.
a. linisan ang mga barko
b. linising mabuti ang isda bago iluto
c.panatilihin ang kalinisan ng katubigan
d. isulong ang pagtatayo ng mga beach resort
3.Maraming kompanya ng konstruksiyon ang kumukuha ng
maraming bato at buhangin mula sa mga bundok. Ang
masamang epekto nito ay ____________________.
a.pagguho ng lupa
b.pagyaman ng bansa
c.pagbaha at lindol
d.pagkatuyo ng mga bukal
4.Upang mas maraming mahuli at kitain ang mga
mangingisda, dapat nating pagsikapang mabuti
na________________.
a.bigyan sila ng ibang trabaho
b.tulungan silang mangisda buong araw
c.sabihan sila kung paano mangisda gamit ang dinamita
d.tumulong sa pangangalaga ng karagatan upang
dumami ang mga isda.
5.Iminungkahi ng nanay mo na bumili ka ng corals para sa
inyong aquarium. Narinig niya na mayroong tindahan sa
palengke na nagbebenta ng corals sa mababang halaga.
Ngunit nalaman mo sa kaklase na hindi dapat kinukuha
sa dagat ang corals dahil dito tumitira ang kawan ng mga
isda. Dapat sabihin mo sa nanay mo
na_________________.
a.siya na lang ang bumuli
b.hindi dapat kunin sa dagat ang corals
c.binalaan ka ng inyong guro tungkol sa maling gamit ng
corals
d. dapat siyang bumili nang marami upang ibenta sa iba
sa mas mataas na halaga.
6.RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of
2000) ay naglalayon para sa________________.
a.Tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod-
bukod ng mga solid waste
b. Pagpapanatili ng malinis na hangin
c.Pagpaplano ng mga pangmatagalang pamamaraan
upang epektibong mawaksi ang mga sanhi ng
maduming hangin
d. Pagsasakatuparan sa mga plano at programa ng
pamahalaan sa eksplorasyon, pagpapaunlad at
konserbasyon ng enerhiya.
7.RA 7586 (National Integrated Protected Areas System
Act of 1992) ay tungkol sa________________.
a. Batas na bilang pagkilala sa kalinisan ng tubig para
sa mamamayan
b.Pagkilala sa pangangailangang mapanatili ang
balanse ng ekolohiya at kalikasan
c.Pagtatatag ng Department of Energy (DOE)
d.Paglalaan ng pondo sa pananaliksik upang
mapanatili ang biological diversity.
8.Ang RA 9147 ay tungkol sa ___________________.
a.Pagdedeklara ng national park
b.Konserbasyon at pagbibigay ng proteksyon sa
maiilap na hayop
c.Pagkakaroon ng regulasyon sa pangongolekta at
pangangalakal ng maiilap na hayop
d.Tamang paraan ng pangongolekta at pangangalakal
ng maiilap na hayop.
9.Ang Philippine Clean Air Act ay tungkol sa _________.
a.Pagpapanatili ng malinis at ligtas na hanging
nilalanghap ng mga mamamayan
b.Pagkilala sa kalinisan ng tubig para sa mamamayan
c.Pagpapanatili ng ecological diversity
d.Pananaliksik upang mapanatili ang biological diversity
ng bansa
10.Batas Pambansa 7638 at ang Pagtatatag ng
Department of Energy (DOE) ay
naglalayong__________________.
a.Mapanatili at masuportahan ang buhay at pag-unlad
ng tao
b.Pagpapanatili sa natural at biological physical
diversities
c.Ipagbawal ang mga gawaing nagpapadumi sa
hangin
d.Isaayos, subaybayan, at isakatuparan ang mga
plano at programa ng pamahalaan sa eksplorasyon,
pagpapaunlad at konserbasyon ng enerhiya.

E. Takdang- Aralin Ugaliin ang pagsunod sa batas na pinapairal ng pamahalaan.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral
na nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral
na nagangailangan ng
iba pang gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-
aaral na magpapatuloy
sa remediation?
E. Alin sa mga
stratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng
aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Inihanda ni:

MARISSA L. MONTECILLO

Sinuri ni:

DR. RUBY S.
BUHAT
1. Content Name of and Signature of
Evaluator

CONCEPCION F. PALMA
2. Language Name of and Signature of
Evaluator

You might also like