You are on page 1of 12

9

Edukasyon Sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto
(Learning Activity Sheets – LAS)

Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral


Nasusuri ang mga batas na umiiral at panukala tungkol sa mga kabataan batay
sa pagsunod ng mga ito sa Likas na Batas Moral

Manunulat:

Merjulyn J. Asilum
Cuarenta National High School
SDO – Dinagat Islands
Panimula
Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto (Learning Activity Sheets – LAS) ay
disenyo at sinulat para sa batang katulad mo na nasa ika siyam na baitang upang
Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral at nasusuri ang mga batas na
umiiral at panukala tungkol sa mga kabataan batay sa pagsunod ng mga ito sa Likas na Batas
Moral

Ang mga gawaing matatagpuan dito ay inaasahang makatulong sa iyo upang malaman ang
kahalagahan ng batas moral.

Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto ay naglalaman tungkol sa:


Aralin 5: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:


1. Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral
2. Nasusuri ang mga batas na umiiral at panukala tungkol sa mga kabataan
batay sa pagsunod ng mga ito sa Likas na Batas Moral

Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang pinakaangkop
na sagot sa bawat bilang. Isulat ang mga sagot sa papel.

_____1. Ang pagiging makatao ay:


A. Panglalamang sa kapwa. C. Pagpanig sa tao
B. Ang pagiging matulungin sa kapwa. D. Pagsunod sa utos ng Diyos.

____2. Paano natututunan ang likas na batas moral:

A. binubulong ng anghel. C. Nababasa sa diaryo.


B. tinuturo ng magulang. D. sinisigaw ng konsensya.

____3. Ang likas na batas na moral ay:


A. nilikha ni Tomas de Aquino C. inimbento ng mga pilosopo.
B. nauunawaan ng tao. D. galing sa Diyos.

____4. Ang mga batas ng lipunan ay nilikha upang:


A. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan.
B. ingatan ang interes ng marami.
C. itaguyod ang karapatang-pantao.
D. pigilan ang masasamang tao.

____5. Ang First Do No Harm ay ang ____________________.


A. Unang hakbang para sa pag didisiplina
B. Unang hakbang para kumita ng pera
C. Unang hakbang sa pagtupad sa Mabuti
D. Unang hakbang sumikat

Panuto: Suriin ang mga pahayag. Isulat ang √ kung ang mga pahayag ay
nagkaayon sa batas moral at X kung itoy labag sa batas moral.
______1. Pagpapatrabaho sa mga kabataan ng sapilitan
______2. Pagbibigay tulong mga mahihirap
______3. Pagnanakaw sa bangko
______4. Pamumutol ng mga puno sa bukid
______5. Pag patay sa mga hayop.
______6. Pagprotekta sa kapakanan ng mga kabataan
______7. Panghahalay sa babae
______8. Paggamot sa mga may sakit
______9. Pambubugbog sa asawa
______10. Pagtuturo sa mga kabataan

Pag-aralan
Likas na Batas Moral:

Ang likas na batas moral ay tumutukoy sa mga batas na ipinagkaloob sa tao bilang tugon
sa kaniyang pakikibahagi sa kabutihan at karunungan ng Diyos. Dahil sa mga batas na ito
nagkaroon ang tao ng kakayahang kilalanin ang mabuti sa masama. Ganun pa man, mayroon
ding kakayahan ang tao na gumawa ng mabuti o masama bunga ng kanyang malayang kilos –
loob.  Sa pamamagitan ng likas na batas moral, nagkaroon ng direksyon ang buhay ng tao. Ang
kaniyang pagsunod sa likas na batas moral, nakagagawa siya ng mabuti at naisasabuhay niya
ang makabuluhang pakikipagkapwa. Ang mga ito ay nakalapat sa kanyang konsensya na siya
ring ginagamit na personal na panuntunan ng moral ng tao. Ang konsensya ang ginagamit ng
tao sa pagpili ng tama.
Narinig mo na ba ang prinsipyong First Do No Harm (Primum non nocere) ng mga
manggagamot? Sinasabi nitong ang unang layunin ng mga manggagamot ay hindi
makapagdulot ng higit pang sakit. Negatibo man ang pagkakasabi, at hindi positibo gaya ng
"Magbigay lunas," positibo ang nais sabihin nito: laging may pagnanais na makapagpagaling at
iiwasan ang lahat ng makapagpapalala ng sakit o maasasama sa pasyente.
Halimbawa ng mga Batas na Umiiral sa Pilipinas
Ang mga batas ay nilikha upang tayo ay aalagan at proteksyunan ang mga mamamayan
ng isang lugar sa mga nang-aapi at umaabuso sa kanila.
1. RA 9262 o Violence against Women and Children - ang batas na ito ay naglalayong
proteksyunan ang mga kababaihan at mga bata sa domestikong pang-aabuso sa loob ng tahanan
sa anu pa mang dahilan. Itinataguyod ng batas na ito na hindi dapat saktan o makasama ang
mga babae at bata sa anumang gawain ng pang-aabuso at pananakit.
2. RA 9208 o Anti Trafficking in Persons Act - ito ay naglalayong maproteksyunan ang
mga kabataan at kababaihan na dalhin sa ibang bansa upang ipagbili, pagsamantalahan, o
pagtrabahuin ng sapilitan. Madalas ay pinapangakuan sila ng magandang buhay sa syudad o sa
ibang bansa ngunit kapag naialis na sa nayon ay ginagamit lamang sila ng mga sindikato para
pagkakitaan.
3. RA 7877 o Anti Sexual Harassment Act of 1995 - naglalayon itong mailayo at
maparusahan ang mga nangaabuso sa mga kabataan at kababaihan. Naglalayon din itong
maiwasan ang anumang panghahalay ng kapwa lalaki sa mga bata. Ito ang karaniwang
idinudulog ng mga magulang sa awtoridad dahil ang anak nila ay hinahalay mismo ng sariling
kamag-anak at pamilya.
4. RA 7610 o Special Protection of Children against Abuse, Discrimination, and
Exploitation - ito ay sinisabatas dahil sa tumataas na bilang ng mga batang inaabuso sa
tahanan, paaralan, at komunidad sa di-makataong paraan ng disiplina at pagtutuwid. Naglalayon
ang batas na ito na pagbawalan ang anumang uri ng pananakit sa bata, salita man o sa gawa, o
anumang paraan ng pamamahiya at pangmamaliit ng pagkatao.
5. RA 10175 o Cybercrime Law - itinataguyod nito ang pangangalaga sa mga kabataan sa
anumang banta ng pang-aabuso gamit ang internet at ibang apps sa computer at gadgets. Ito ay
dahil sa lumalala at lumalaking bilang ng mga nagiging biktima ng pambubugaw sa internet o
cybersex sating bansa upang pagkakitaan ng kanilang magulang.
6. Anti-Bullying Act of 2013 -Ang batas ng anti-bullying sa Pilipinas ay inilathala na noong
taong 2013, ito ay dahil para mapangalagaan ang mga kabataan sa sinumang gustong sumira sa
kanilang pagkatao.
Mga Gawaing Pampagkatuto

Gawain 1. Piliin Mo!


Panuto: Piliin mula sa kahon ang titik ng tamang sagot. Isulat sa nakalaang linya ang
iyong sagot.

_______1.Ito ay naglalayong maproteksyunan ang mga kabataan at kababaihan na dalhin sa


ibang bansa upang ipagbili, pagsamantalahan, o pagtrabahuin ng sapilitan.
_______2. ang batas na ito ay naglalayong proteksyunan ang mga kababaihan at mga bata sa
domestikong pang-aabuso sa loob ng tahanan sa anu pa mang dahilan.
_______3. naglalayon itong mailayo at maparusahan ang mga nangaabuso sa mga kabataan at
kababaihan.
_______4. inilathala na noong taong 2013, ito ay dahil para mapangalagaan ang mga kabataan sa
sinumang gustong sumira sa kanilang pagkatao.
_______5. `itinataguyod nito ang pangangalaga sa mga kabataan sa anumang banta ng pang-
aabuso gamit ang internet at ibang apps sa computer at gadgets .

A. RA 10175 o Cybercrime Law


B. RA 7610 o Special Protection of Children against Abuse,
Discrimination, and Exploitation
C. RA 9262 o Violence against Women and Children
D. RA 7877 o Anti Sexual Harassment Act of 1995
E Anti-Bullying Act of 2013
F RA 9208 o Anti Trafficking in Persons Act

Gawain 2. Ipaliwanag mo!

Panuto: Mag tala ng 3 batas na ipinatutupad sa kasalukuyan. Ipaliwanag kung ito ay


nakaayon sa likas na batas moral.

Mga Batas Paliwanag


1.

2.

3.
Gawain 3 Sanaysay
Panuto: Gumawa ng sanaysay nagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagpapatupad ng mga
batas na nakaayon sa likas na batas moral.
Rubrics
KATEGORYA 5 3 1
Introduksyon Nakapanghihikayat ang Nakalahad sa Hindi
introduksyon. Malinaw introduksyon ang nakita sa
na nakalahad ang pangunahing paksa ginawang
pangunahing paksa subalit hindi sapat ang sanaysay
gayundin ang panlahat pagpapaliwanag ukol
na pagtanaw ukol dito. dito
Diskusyon Makabuluhan ang Bawat talata ay may Hindi
bawat talata dahil sa sapat na detalye. nakita sa
husay na ginawang
pagpapaliwanang at sanaysay
pagtalakay tungkol sa
paksa.
Organisasyon Lohikal at mahusay ang Naipakita ang Hindi
pagkakasunod-sunod ng debelopment ng mga nakita sa
ng mga ideya
mga ideya; gumamit din talata subalit hindi ginawang
ng mga transisyunal na makinis ang sanaysay
pantulong tungo sa pagkakalahad.
kalinawan ng mga
ideya.

Konklusyon Nakapanghahamon ang Hindi ganap na Hindi


konklusyon at naipakita ang nakita sa
naipapakita ang pangkalahatang ginawang
pangkalahatang palagay palagay o pasya tungkol sanaysay
o paksa batay sa sa paksa batay sa mga
katibayan at mga katibayan at mga
katwirang inisa-isa sa katwirang inisa-isa sa
nahaging gitna bahaging gitna.
Paglalahat / Repleksyon
Gawain:
Panuto: Sumulat ng repleksyon na naglalahad sa iyong mga natuklasan, natutunan, at
nalituhan sa araling ito. Isulat sa ibaba ang iyong mga sagot

3 bagay na
Natuklasan ko…
nakita ko
_______________________________________________
___________________________
2 _______________________________________________
interesadong ___________________________
bagay na
natutunan ko Natutunan ko ang…
_______________________________________________
_____________________________
_______________________________________

Kailangang matuto pa ako…


_______________________________________
Panapos na Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang pinakaangkop
na sagot sa bawat bilang. Isulat ang mga sagot sa papel.

_____1. Ang pagiging makatao ay:


C. Panglalamang sa kapwa. C. Pagpanig sa tao
D. Ang pagiging matulungin sa kapwa. D. Pagsunod sa utos ng Diyos.

____2. Paano natututunan ang likas na batas moral:

C. binubulong ng anghel. C. Nababasa sa diaryo.


D. tinuturo ng magulang. D. sinisigaw ng konsensya.

____3. Ang likas na batas na moral ay:


A. nilikha ni Tomas de Aquino C. inimbento ng mga pilosopo.
B. nauunawaan ng tao. D. galing sa Diyos.

____4. Ang mga batas ng lipunan ay nilikha upang:


E. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan.
F. ingatan ang interes ng marami.
G. itaguyod ang karapatang-pantao.
H. pigilan ang masasamang tao.

____5. Ang First Do No Harm ay ang ____________________.


E. Unang hakbang para sa pag didisiplina
F. Unang hakbang para kumita ng pera
G. Unang hakbang sa pagtupad sa Mabuti
H. Unang hakbang sumikat

Panuto: Suriin ang mga pahayag. Isulat ang √ kung ang mga pahayag ay
nakaayon sa batas moral at X kung itoy labag sa batas moral.
______1. Pag patay sa mga hayop.
______2. Pagtuturo sa mga kabataan
______3. Pagnanakaw sa bangko
______4. Pamumutol ng mga puno sa bukid
______5. Pagpapatrabaho sa mga kabataan ng sapilitan
______6. Pagprotekta sa kapakanan ng mga kabataan
______7. Panghahalay sa babae
______8. Pagbibigay tulong mga mahihirap
______9. Pambubugbog sa asawa
______10. Paggamot sa mga may sakit
Susi sa Pagwawasto

Panapos na Pagtataya Paunang Pagtataya


1. B 1. X 1. B 1. X
2. D 2. √ Gawain 1 2. D 2.√
3. B 3. X 3. B 3. X
4. C 4. X 1. F 4. C 4. X
5. C 5. X 2. C 5. C 5. C
6. √ 3. D 6. √
7. X 4. E 7. X
8. √ 5. A 8. √
9. X 9. X
10. √ 10 √
Sanggunian

 Edukasyon sa Pagpapakatao 9- Modyul para sa Mag- aaral Unang Edisyon


2015, DepEd
 K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay Pangkurikulum Mayo 201 6
 https://www.slideshare.net/jomarienel/modyul-5-mga-batas-na-nakabatay-sa-
likas-na-batas-moral-52976026
 https://1bataan.com/panukalang-batas-para-sa-mga-kabataan-kababaihan-
at-may-kapansanan-isinulong/
 https://elegal.ph/republic-act-no-10627-the-anti-bullying-act/
 https://brainly.ph/question/621649
 https://brainly.ph/question/65425

You might also like