You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO 9
Batas… Tugon sa Dignidad
ng Tao

Ikalawang Markahan Ikaapat na Linggo Modyul 4


Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto
1.
Nahihinuha na ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral ay
tutugon sa pangangailangan ng tao at umaayon sa dignidad ng tao at sa kung
ano ang hinihingi ng tamang katwiran ay mahalaga upang makamit
ang kabutihang panlahat.

Naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral na batas batay


sa pagtugon nito sa kabutihan panlahat.

0
PAANO GAMITIN ANG MODYUL NA ITO

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit ang
modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang
layunin sa paggamit nito.
 Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.
 Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang
mga araling nalinang.
 Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
 Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
 Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang antas
ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin
MGA BAHAGI
ka pang NG
dagdag na MODYUL
pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat
ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
 Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

 Inaasahan– ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
 Unang Pagsubok –ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman
at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
 Balik-Tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman
at kasanayang nalinang na.
 Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin
 Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
 Tandaan – dito binubuo ang paglalahat ng aralin
 Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin
 Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin

1
INAASAHAN

Pagkatapos ng aralin, ay inaasahang maipapamalas mo ang mga sumusunod bilang


katunayan ng iyong pagkatuto.
1. Natutukoy ang mga batas na sang ayon sa dikta ng likas batas moral.
2. Nasusuri ang ang kahulugan ng likas batas moral.
3. Nakakasulat ng pagpahayag ng kahalagahan ng likas batas moral.
4. Nakakasulat ng mga pamamaraan ng pagtataguyod sa likas batas moral.
5. Nakagagawa ng pagtataya ng mga batas na umiiral.

UNANG PAGSUBOK

Panuto : Pliin ang titik ng pinakawastong sagot.


1. Sikolohistang bumuo ng teorya ng hirarkiya ng pangangailangan ng tao
A. Abraham Maslow B. Carl Rogers
C. Sigmund Freud D. Max Scheler

2. Salitang Latin na pinagmulan ng salitang dignidad.


A. dignitum B. dignitae C. dignitas D. dignitus

3. Literal na kahulugan ng salitang dignidad.


A. marangal B. karapat dapat C. kagalang galang D. matapat

4. Ayon kay Maslow marapat na matugunan muna ng tao ang ___________antas ng kanyang
pangangailangan upang maging ganap ang kanyang pagkatao.
A.pinakamababang B. pinakamataas C. gitnang D. magkakasunod

5. Ang batas na nakahilig sa likas batas moral ay nagtataguyod sa ____________antas ng


pagpapatibay ng dignidad ng tao.
A. una B. pangalawa C. pangatlo D. pang -apat

6. PInakamababang antas ng pangangailangan ng tao.


A. pang kaganapan B. sosyal C. pisyolohikal D. pang kaligtasan

7. Pinakamataas na antas ng pangangailangan ng tao.


A. pang kaganapan B. sosyal C. pisyolohikal D. pang kaligtasan

8. Pangalawa sa pinakamababang antas ng pangangailangan ng tao.


A. pang kaganapan B. sosyal C. pisyolohikal D. pang kaligtasan

9. Mahalaga ang pagtugma sa likas batas moral upang______________


A.maipatupad ang batas B. mapangalagaan ang bawat tao.
C.maabot ang kabutihang panlahat D. magkaroon ng kaayusan

10. Magkatuwang ang mga mamamayan at mga llider sa pamahalaan sa paniniguro na ang batas
ay humahantong sa pagtataguyod ng dignidad at pangangailangan ng tao. Ang pahayag na
ito ay___________
A. Tama B. Mali C. Opinyon D. Suhestiyon

2
BALIK TANAW

Panuto: Piliin ang titik ng pinakawastong sagot sa bawat bilang.


1. Kung ang mabuti ay tumutugon sa pagiging gabay sa pamumuhay, ang tama ay tumutugon sa
A. kaangkupan B.kaayusan C. kawastuhan D. kaparaanan

2. Ang likas batas moral ay maituturing na nagbibigay ng ____________


A.kaayusan B. instruksyon C. gabay D. pamantayan

3. Kung ang batas ay may pangmatagalang kundi man habambuhay na mabuting dulot sa mga
tao, ito ay tugma sa katangian na likas batas moral na_______.
A. obhetibo B. eternal C. subhetibo D. unibersal

4. Kung ang batas ay may mabuting epekto sa lahat o karamihan ng lahat ng tao. Ito ay tugma sa
katangian ng likas na batas moral na___________.
A. obhetibo B. eternal C. subhetibo D. unibersal

5. Kung ang batas ay batay sa katotohanan at hindi sa opinyon ng tao, ito ay tugma sa katangian
ng likas na batas moral na________________
A. obhetibo B. eternal C. subhetibo D. unibersal

MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN

Iyong natutuhan sa mga nakaraang aralin na ang isang batas ay dapat na sang-
ayon sa katangian at atas ng likas batas moral. Sa simpleng salita ay dapat na maging
makatao ang batas na iaakda at ipatutupad sa lipunan. Sa araling ito ay magkakaroon
ka ng oryentasyon na ang batas na ayon at tugma sa likas batas moral ay maniniguro
na ang dignidad at pangangailangan ng tao ay mapangangalagaan.

ARALIN 1: Mga Batas Para sa Dignidad at Pangangailangan ng Tao.


Mga Layunin
1. Natutukoy ang batas na ayon sa likas batas ay moral ay tutugon sa pagpapatibay sa
dignidad at pangngailangan ng tao.
2. Natutukoy ang kaugnayan ng likas batas moral sa dignidad at pangangailangan ng
tao.
3. Nakasusulat ng pamamaraan kung paano magagamit ang likas batas moral sa
pagtataguyod ng dignidad at pangangailangan ng tao.

3
NILALAMAN NG ARALIN

Ang batas ay nararapat na tumugma sa katangian at atas ng likas batas moral upang maging
makatao. Upang ito ay maging posible ay anumang alituntunin na ipinatutupad maging sa bahay,
paaaralan, pamayanan, at maging sa buong bansa ay dapat na magtaguyod ng dignidad at
pangangailangan ng tao.

Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na dignitas na mayroong literal na kahulugan na


karapat-dapat. Bawat indibidwal ay karapat-dapat sa kanyang dangal bilang tao; at ang antas ng
nasabing dangal ay pantay-pantay sa bawat tao at hindi maaaring ibatay sa kasarian, nasyonalidad,
kulay o lahi, paniniwala, at estado sa buhay. Ang pagiging pinakamataas na uri ng nilikha ng Diyos
at pagkakaroon ng isip at kilos loob ang mga katagian ng tao na nagbigay sa kanya ng
kuwalipikasyon upang magkaroon ng dignidad.

Ayon kay Punzalan ay mayroong tatlong antas upang maitaguyod ang dignidad ng tao; ang
unang antas-ay tumutukoy sa paggalang ng tao sa sariling dignidad; pangalawang antas-ay
patungkol sa pagggalang sa dignidad na taglay ng kapwa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
mapanagutang ugnayan sa mga tao sa paligid; at pangatlong antas-patungkol sa pagsunod sa
batas na umiiral ng isang mamamayan at paggalang sa karapatang pantao na itutugon ng mga
lider sa pamahalaan.

Ayon naman sa sikolohistang si Abraham Maslow, mayroong antas ang pangangailangan ng tao.
Binuo niya ang teorya ng hirarkiya ng pangangailangan ng tao. Sang-ayon sa paniniwalang ito,
dapat matugunan muna ang pinakamababang antas ng pangangailangan ng tao upang hangarin
niya ang susunod na antas. Halimbawa dapat munang makakain ang isang mag-aaral nang sapat
bago niya hangarin ang matuto ng kanyang leksyon.

Ang pagkakasunod-sunod ng pangangailangan ng tao mula sa pinakamababa


hanggang sa pinakamataas:

4
Pangunahing Pangangailangan (Basic Needs)
 Pisyolohikal na Pangangailangan (Psychological Needs) -ito ay patungkol sa pagkain,
tubig, pahinga, pagkakaroon ng tahanan upang magkaroon ng proteksyon sa temperatura.
 Pangangailangang Pang-seguridad (Safety Needs) -ito ay tumutukoy sa
pangangailangan ng tao na magkaroon ng proteksyon laban sa krimen at sa pagkakataong
masaktan at manganib ang buhay.

Sikolohikal na Pangangailangan (Psychological Needs)


 Pang-sosyal na Pangangailangan (Belongings and Love Needs) -ito ay patungkol sa
pagtugon sa pagiging panlipunan na nilalang ng bawat tao na nangangailangan ng
pagtangggap at pagmamahal mula sa kanyang kapwa.
 Pangangailangang Pagtitiwala sa Sarili (Esteem Needs) - tumutukoy ito sa likas na
pangangailangan ng tao na magkaroon ng tiwala sa sarili upang maging epektibo sa
ginagampamanang tungkulin (self-efficacy).

Pangangailangang Pangkatuparan sa Sarili (Self-Fulfillment Needs)


 Pangangailangang Mapatunayan ang Sarili (Self-Actualization)- patungkol ito sa ganap
na pagkilala ng tao sa kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtukoy ng kanyang kahinaan at
kalakasan na humantong upang maabot niya ang papel na gusto niyang gampanan bilang
bahagi ng lipunan.

MGA GAWAIN

Gawain 1: Mga Batas Para sa Dignidad at Pangangailangan ng Tao.


Panuto: Kumpletuhin ang tsart, magsaliksik ng mga batas na nagtataguyod sa dignidad at
pangangailangan ng tao. Isulat sa unang kolum kung anong batas ito, sa pangalawang kolum ay
ipaliwanag kung paano nito iginagalang ang dignidad ng tao, at sa pangatlong kolum ay isulat ang
pagtugon nito sa pangangailangan ng tao.

Batas na nagtataguyod Paano nito ginagalang Paano nito tinutugunan


sa dignidad at ang dignidad ng tao. ang pangangailangan ng
pangangailangan ng tao. tao.
Hal. Inatasan ng batas na ito Itinatakda nito na laging
Cybercrime law ang mga tao sa isaisip ang ikabubuti ng
paggalang sa isa’t-isa at bawat isa sa bawat post
iwasan ang anumang sa social media.
paninira sa social media .
1.

2.

3.

5
Gawain 2:
Panuto: Batay sa nabasa mo sa nilalaman ng aralin na ukol sa dignidad at pangangailangan ng
tao, paano ito iuugnay sa likas batas moral? Isulat ito sa graphic organizer sa ibaba.

Ang likas batas moral, dahil ay kaugnay ng dahil_________________


sa mga katangian at antas dignidad at _____________________
nito pangangailangan _____________________
tao _____________________

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong:


1. Anong damdamin ang umiral sa iyo habang sumasagot sa mga gawaing ito? Bakit?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2.Bigyang kahulugan ang dignidad na taglay ng tao.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Isa-isahin ang tatlong antas ng pangangalaga sa dignidad ng tao.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Bakit kahulugan ang paliwanag ni Maslow hinggil sa pangangailangan ng tao.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Patunayan na ang pagtugon ng batas sa likas batas moral ay magtataguyod sa


likas batas moral.

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

6
2. Patunayan na ang pagtugon ng batas sa likas batas moral ay tutugon sa
pangangailangan ng tao.

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

ARALIN 2: Mga Batas, Patungo sa Kabutihang Panlahat


Mga Layunin
1. Makasulat ng pag sang ayon at pagtutol sa bats batay sa pag-abot nito sa kabutihang
panlahat.
2. Maipahayag ang pagpapahalaga sa batas na nagtataguyod ng kabutihang panlahat.
3. Makapagsulat ng paglalagom ng aralin.

NILALAMAN NG ARALIN

Ang layunin ng lipunan ay makamit ang kabutihang panlahat. Ayon kay John Rawls ang
kabutihang panlahat ay ang pangkalahatang kondisyon na pantay na pinakikinabangan ng lahat.
Ang layunin ng pamahalaan at pamayanan sa pangkalahatan ay isang halimbawa ng kabutihang
panlahat na dapat na makamtan hindi ng mayorya lalo ng minorya kundi ng lahat.

Ang mga elemento ng kabutihang panlahat ay ang mga sumusunod; Paggalang sa indibidwal
na tao; katarungan at; kapayapaan. Ang mga nasabing pagpapahalaga ay maniniguro na ang
kabutihang dulot ng lipunan ay makakamtan ng lahat. Sa kabilang banda ang hadlang upang
makamit ng lipunan ang kabutihang panlahat ay pagtanggi sa paggampan ng tungkulin sa lipunan;
indibidwalismo; pakiramdam na siya ay nalamamangan ng kapwa.

Ang mga kondisyon sa pagkamit ng kabutihang panlahat ay ang mga sumusunod ang lahat ng
tao ay ang mga sumusunod;

*Dapat gabayan ng dayalogo-Tumutukoy ito sa pagkakaroon ng malayang daloy ng


komunikasyon sa isang lipunan. Nararapat may mekanismo na maipararating ng mamamayan ang
kanilang hinaing sa pamahalaan. Sa mga lider sa pamahalaan ay nararapat na maiparating sa
maayos at malinaw na pamamaraan ang mga alintuntunin na nais nilang ipatupad. Ang malusog
na daloy ng ito ng mensahe sa isa’t-isa ay magpaparating sa mensahe na kabutihan ng isa’t-isa
ang nais ng dalawang panig (mga lider at mamamayan).

* Pagmamahal at katarungan-patungkol ito sa pagpapatibay ng istraktura ng sistema ng


hustisya kung saan ang korte ay magpapasya ng batay sa kung ano ang naihaing ebidensya ng
dalawang panig at naisagawa ito nang malaya sa anumang takot at pangamba. Sa kasalukuyang
regulasyon ng Department of Interior ang Local Government (DILG) ay nararapat na magharap
muna sa bahagdan ng barangay ang anumang isasampang kaso (lalo kung sibil na kaso ang
ihaharap o iyong paghingi ng danyos) ng dalawang panig na may hinaing sa isa’t-isa.

7
* Pangangalaga sa karapatang pantao-ang kabutihang panlahat ay patungkol sa pagtamasa ng
mabuting sirkumstansya at sitwasyon na dapat ay matamasa hindi ng mayorya o nakararaming
mamamayan kundi ng lahat. Hindi ito magiging ganap kung ang karapatan lalo ng mga nasa
laylayan ng lipunan ay hindi mapapahalagahan.

*Pagpapaunlad ng kapwa tungo sa kanyang kaganapan-Patungkol ito sa pinakamataas na


antas ng pangangailangan ayon kay Maslow. Ngunit katulad ng paalala sa mga sulatin ng nasabing
pamosong sikolohista ay mag uumpisa ang pag-akyat ng hirarkiya sa pangangailangan ng tao mula
sa umpisa o sa pinakamababa (ang pangangailangang pisikal katulad ng pagkain, tubig, bahay,
malinis na hangin). Nangangahulugan ito na kung ang lipunan ay maghahangad sa kanyang mga
mamamayan na maabot ang pangangailangang pang kaganapan ay naisasagawa na nasabing
pamayanan na maibigay nang sapat ang mga pangunahing pangangailangan ng kanilang
nasasakupan.

MGA GAWAIN
Gawain 1: Basahin at unawain ang tula.

Kabutihang Panlahat at Batas


(Marishyrl M. Ogale)

Kabutihang panlahat ay sitwasyon na ninasa ng bawat isa,


Sapagkat ganansya ng mabuting pamayanan ay tunay na nasa,
Ng mga mamamayan at lider para na rin sa balana,
Lalo na ng mga nasa laylayan ng lipunan at masa,

Upang magawa ito ay kailangang tumugon sa likas batas moral,


Ang mga batas na iaakda at ipatutupad ay dapat batay kung ano ang eternal,
Ipatupad para sa lahat o unibersal,
Upang ang paglaganap ng kabutihan ay natural,

Dignidad ng tao ay dapat ding pangalagaan,


Dangal ng tao ay dapat pahalagahan,
Pagiging makatao ng batas ay dapat asahan,
Sapagkat bawat isa ay nangangailangan ng katahimikan,

Pangangailangan ng tao ay dapat na tugunan,


Anumang para sa tao ay dapat nyang maasahan,
Sapagkat ito ang papel ng lipunan,
Ang maging salamin ng kabutihan at nasa ninuman

Mga Tanong:
1. Ano ang damdaming kumintal sa isip mo pagkatapos mabasa ang tula? Bakit

2. Bakit kailangang nakabatay sa likas batas moral ang mga batas na ipatutupad?
3. Bakit kailangang isaalang-alang ang dignidad sa pagpapatupad ng batas?
4. Paano makatutugon ang batas sa pagkamit ng kabutihang panlahat?

8
GAWAIN 2: Batas: Sang Ayon o Hindi?
Panuto: Buuin ang tsart sa ibaba. Basahin ang mga batas sa unang kolum. Tayahin ang pagiging
tugma ng mga batas na ito sa kabutihang panlahat. Isipin kung tutol ka dito o sang-ayon. Isulat sa
pangalawang kolum ang dahilan kung bakit ka tutol sa nasabing batas. At kung sang-ayon ka, isulat
naman ang iyong sagot sa huling kolum. Mamili lamang kung tutol ka o sang-ayon.
Batas Bakit Ako Tutol Bakit Ako Sang-ayon
Halimbawa:

Curfew Maaaring magdulot ng


diskrimasyon sa mga
working student.
Batas laban sa paninira sa
kapwa (slander)

Batas na nagtatakda ng
tamang gulang (18 pataas
sa pagpapakasal)

Batas na nagtatakda ng
K to 12

Bayanihan Heal as One


Act

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:


1. Anong damdamin ang umiral sa iyo habang sumasagot sa mga gawaing ito? Bakit?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Ilarawan ang kaugnayan ng kabutihang panlahat sa batas.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Bakit nararapat na maitugma ang batas sa kabutihang panlahat.


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

9
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong


1. Sa iyong palagay, paano iaakma ang batas sa kabutihang panlahat?Ipaliwanag
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_____________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. Ilarawan ang lipunan na tugma ang batas sa kabutihang panlahat.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

TANDAAN

Ang batas ay dapat tugma sa kabutihang panlahat; isang sitwasyon kung saan
bawat isa (hindi nakararami lamang kundi lahat) ay makikinabang sa magandang
bunga ng isang pamayanan. Ang batas ay dapat ding nakatugon sa pangangalaga sa
dignidad at pangangailangan ng tao. Ito rin dapat angkop sa likas batas moral at aayon
sa unang atas nito; ang gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
Ito ay nangangahulugan na ang batas ay dapat maging makatao. Anumang
batas na hindi angkop sa mga nasabing katotohanan ay nararapat baguhin at huwag
ipatupad.
Sa paniniwala ni Sto. Tomas de Aquino ang batas ay nilikha upang maabot ang
kabutihang panlahat. Upang ito ay maging ganap ay mayroong pangangailangan sa
batas na iaakda at ipapatupad na tumugma sa likas batas moral. Ang batas ay
nararapat na mag atas sa tao na gumawa ng mabuti at iwasan ang kasamaan. Ang
pagiging makatao ng anumang batas ay siyang sukatan nito.

Ang isang batas kung aangkop sa kalikasan ng likas batas moral ay magtataguyod
PANGWAKAS NA
ng dignidad at PAGSUSULIT
tutugon sa pangangailangan ng tao.

Panuto: Bilugan ang titik ng pinakawastong sagot sa bawat bilang.

1. Ang dapat mamayani sa isang lipunan kung saan ang mga batas ay nakaayon sa pagkamit
ng kabutihang panlahat ay______________
A. kapayapaan B. kaunlaran C. pagkakaisa D. pagkakasundo sundo

2. Ilan ang dapat makinabang sa ganansya ng kabutihang panlahat?


A.mayorya B. minorya C. lahat D. mahihirap

10
3. Ang larawan ng batas ay babaeng nakapiring ang mata, ang dahilan nito ay_____
A. huwag tumingin ang sistema ng batas sa estado ng tao.
B. maging basehan sa paghuhusga sa korte kung ano ang ebidensya .
C. maging patas ang hukom sa dalawang panig.
D. lahat ng nabanggit.

4. Instrumento ng lipunan upang maabot ang kabutihang panlahat maliban sa isa.


A. batas B. hustisya C. luho D. edukasyon

5. Binanggit ni dating pangulong Magsaysay na ang mga mahihirap ay dapat mas


magkaroon nito.
A.batas B. hustisya C. luho D. edukasyon

6. Ang may akda ng likas batas moral:


A. tao B. pamahalaan C. Diyos D. mamamayan

7. Nagpapatupad ng batas.
A. tao B. pamahalaan C. Diyos D. mamamayan

8. Nararapat sumunod sa batas ang mga:


A. tao B. pamahalaan C. Diyos D. mamamayan

9. Dapat pagsilbihan ng batas ang mga:


A. tao B. pamahalaan C. Diyos D. mamamayan

10. Dapat angkop ang batas sa____________


A. kabutihang panlahat B. dignidad ng tao
C. likas batas moral D. lahat ng nabanggit

PAGNINILAY

Natutuhan ko na …
______________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
_________________________________________.
11
SANGGUNIAN

Department of Education. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao . Ikasiyam na


Baitang.Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City.

Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasiyam na Baitang.Modyul para sa Mag-aaral (2015).


Department of Education. Pasig City.

Ogale, G. & Ogale, M. (2017). Edukasyon sa Pagpapakatao 9. Batay sa K-12 Kurrikulum.


Student Digest Publishing House. Manila.

Punzalan, T. (2007). Kaganapan ng Pagkatao. Rex Bookstore, Manila

Management and Development Team

Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Lucita A. Gener
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Validators: Lucita A. Gener


Paulo T. Adorio

Writer/s: Geoffrey S. Ogale


Master Teacher II, Jose P. Laurel High School

12
Susi sa Pagwawasto
10. D
9. A
8. D
7. B
6. C
5. A
4. C
3. D
2. C
1. A

III. Susi sa Pagwawasto ng Panapos na Pagtataya

10. A
9. C
8. D
7. A
6. C
5. C
4. A
3. B
2. C
1. A

II. Susi sa Pagwawasto ng Paunang Pagtataya

5. A
4. D
3. B
2. C
1. A

I. Susi sa Pagwawasto ng Balik Tanaw

Rubrics sa Pag-iiskor sa mga gawain

Iskor Krayterya

5 Naisagawa nang buong husay ang


isinasaad sa panuto
4 Naisagawa nang mahusay ang isinasaad sa
panuto
3 Naisagawa ang isinasaad sa panuto

2 Hindi gaanong mahusay ang pagkakasunod


sa panuto
1 Hindi naisagawa ang isinasaad sa panuto

13

You might also like