You are on page 1of 2

ESP 6 IKATLONG MARKAHAN WEEK 3-4

PANGALAN: ______________________________________ BAITANG 6- ______________________ ISKOR ______

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Nakagagamit nang may pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang-yaman.

Nakapagpapakita ng tapat na pagsunod sa mga batas pambansa at pandaigdigan tungkol sa pangangalaga sa


kapaligiran.

EsP6PPP- IIIe–36; EsP6PPP-lllf-37

Ang kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin. Ang tao at kalikasan ay magkaugnay. Ang
kalikasan ang nagkakaloob sa tao ng kanyang pangangailangan para mabuhay. Ang tao naman ang nangangalaga sa
kalikasan upang mapanatili ito. At upang maisakatuparan ang pangangalaga sa kalikasan ang ating pamahalaan
maging ang buong mundo ay may mga ipinapatupad na batas. Kung kaya’t bilang mamamayan kailangan nating
suportahan at sundin ang mga batas na ginawa para sa mapangalagaan ang ating Inang kalikasan.

Ang batas pangkapaligiran ay tumutukoy sa mga batas tungkol sa kapaligiran. Ito ay naglalayong protektahan
ang ating kapaligiran pati ang pamumuhay nating mga tao. Halimbawa nito ay ang Republic Act No. 9003 o Ecological
Solid o Waste Management Act of 2000. Layunin nito na maibahagi sa bawat isang mamamayan ang tamang paraan
ng pangongolekta at pagbubukod-bukod ng mga basura sa bawat barangay.

Pag-aralan ang mga sumusunod na batas:

RA 9275 oPhilippine Clean Water Act. Ang batas na ito ay kumikilala sa kalinisan ng tubig para sa mamamayan.

RA 8749 o Philippine Clean Air Act of 1999. Ito ay naglalayong panatilihing malinis ang hangin sa pamamagitan ng
pagbuo ng mga pambansang programa at pagpigil sa polusyon sa hangin

-Ang DENR ay inatasan ng batas na magsagawa ng mga polisiya at programa upang epektibong makontrol
ang polusyon sa hangin sa bansa.

Republic Act 7586 o National Integrated Protected Areas System Act of 1992. Ang batas na ito ay kumikilala sa
kritikal na kahalagahan ng pangangalaga at pagpapanatili sa mga likas na biyolohikal at pisikal na pagkakaiba
iba sa kapaligiran.

Gawain sa Pagkakatuto 1: Sagutin ang mga sumunod na tanong:

1. Ano ang isa pang tawag sa Republic Act 9275?


________________________________________________________ 2. Sino ang inatasan ng batas na magsagawa ng
mga polisiya at programa tungkol sa kapaligiran?__________________ 3. Ano ang kaparusahan sa paglabag sa
Republic Act 9003?________________________________________________ 4. Bakit mahalaga ang pagsunod sa
mga batas na itinakda ng ating pamahalaan? _______________________________ 5. Paano makakatulong ang
pagtupad ng mga mamamayan sa batas sa pagkamit ng pandaigdigan pagkakaisa?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
______________

Gawain sa Pagkakatuto 2: Sa iyong sagot sagutang papel, lagyan ng tsek (✓) ang patlang kung ang pahayag ay
nagpapakita ng pagpapahalaga at pangangalaga sa kalikasan at ekis () naman kung hindi.

_____1. Paghihiwalay ng nabubulok at di-nabubulok na mga basura.


_____2. Paggamit ng mga dinamita sa pangingisda
_____3. Illegal na pagputol ng mga punongkahoy sa kagubatan.
_____4. Pagtatanim ng palay, halaman at mga puno.
_____5. Pamamasada ng jeep na sobrang maitim ang usok na ibinubuga.
Gawain sa Pagkakatuto 3: Sa tulong ng iyong mga kasamahan sa bahay, itala ang mga tuntunin, patakaran, o
ordinansa tungkol sa kapaligiran na ipinatutupad sa iyong pamayanan. Ipaliwanag ang kahalagahan nito.

Mga Tuntunin, Patakaran, Ordinansa o Batas Kahalagahan


Pambansa tungkol sa Kapaligiran sa aming Pamayanan

ESP 6 IKATLONG MARKAHAN WEEK 5

PANGALAN: ______________________________________ BAITANG 6- ______________________ ISKOR ______

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Naipagmamalaki ang anumang natapos na gawain na nakasusunod sa pamantayan at kalidad . EsP6PPP-IIIg-38

Ang kalidad sa gawain ay ang antas o quality control upang matiyak na ang gawa at produkto ay naaayon sa
mataas na kalidad.

Ang salitang “ito ang da-best” ang dapat maging pamantayan ng sinumang manggagawa. Dapat tayo ay may
hangaring makasunod sa pamantayan at mataas na de-kalidad na trabaho. Ang ating gawa, serbisyo o produkto ay
maaaring ipagmalaki kahit kanino.

Ikaw, sa iyong murang edad, ano ang pamantayan mo sa paggawa? Kailan mo masasabi na ang isang gawain,
gamit/bagay na nabili mo ay de-kalidad? Bakit kailangan nating pag-isipang mabuti ang mga bagay o kagamitan na
ating bibilhn?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sa iyong sagutang papel, isulat ang S kung sang-ayon ka sa sinasabi ng
pangungusap at DS naman kung hindi.

__1. Pwede nang ipasa ang proyekto sa guro kahit mayroon pang kulang dito.
__2. Dapat pagbutihin ang ginagawa upang maipagmalaki ito.
__3. Okey lang na maubos ang oras sa paggawa ng proyekto basta maging maganda at maayos ito.
__4. Dapat sumunod sa pamantayan ng paggawa ng proyekto basta maging maganda at maayos ito.
__5. Mas mabuting magtanong sa mas mga nakakaalam, kaysa bilisan ang paggawa, subalit wala naman itong
kalidad.

Natatanging Pagkilala

Patricia Evangelista

Si Patricia Evangelista ay sophomore sa UP ng matalo niya ang 59 na iba pang mag-aaral mula sa 37 iba’t ibang bansa
na nanalo sa 2004 kompetisyon sa Public Speaking. Ang kaniyang piyesang “Blonde and Blue Eyes” at ang kaniyang
mahusay na pagsagot sa mga katanungan ng mga hurado ang nagpanalo sa kaniya. Ang kompetisyon ay inorganisa
ng English Speaking Union (ESU) sa London.

Brillante Mendoza

Si Brillante “Dante” Mendoza ay isang tanyag na Pilipinong direktor ng indie film sa Pilipinas. Ang kanyang mga
pelikula ay tumanggap ng mga karangalan sa ibang bansa kabilang dito ang kanyang full-length na pelikulang Kinatay
(The Execution of P) kung saan si Mendoza ay nanalo ng Best Director award sa 62nd Cannes International Film
Festival. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nagkamit ng ganitong parangal.

You might also like