You are on page 1of 23

HEALTH 5

LAYUNIN
Follows school
policies and national laws
related to the sale and
use of tobacco and
alcohol.
H5SU-IIIij-13
.
Pagsunod sa mga Batas
at Alituntunin sa
Pagbebenta at
Paggamit ng Tabako
Hulaan :
“LULONG”
Sa isang malayong barangay, may isang lugar na
tinatawag na "Baryong Bukid." Sa Baryong Bukid, may
grupo ng mga batang nagtitipon-tipon sa ilalim ng puno
tuwing hapon. Sila'y mga batang lulong sa masamang
bisyo: naninigarilyo at umiinom ng alak.
Ang pinuno ng grupo ay si Juanito. Siya ang
pinakamatanda sa kanilang lahat at palaging may dalang
sigarilyo at alak. Tuwing magkakatipon sila, palaging
masaya at magulong ang kanilang mga gawain. Sa
kanilang mga pagtitipon, walang palya ang pag-inom at
pag-yoyosi. Hindi nila alintana ang mga banta sa
kalusugan o ang panganib na dala ng kanilang bisyo.
Isang araw, dumating si Lito, isang dating kaibigan na
matagal nang hindi nakikisama sa kanila. Dahil wala siyang
mapaglibangan at nalulungkot sa kanyang buhay, sumali siya
sa grupo ni Juanito. Sa simula, tuwang-tuwa si Lito sa pagiging
kasama nila. Hindi nagtagal, nadala rin siya sa bisyo ng
paninigarilyo at pag-iinom.
Sa tuwing mag-iinuman sila, laging may paligsahan kung
sino ang pinakamatibay sa pag-inom. Sa isang pagkakataon,
natalo si Lito sa paligsahan at hindi siya makatanggi sa mga
inumin ng mga kasama. Napansin niya na habang tumatagal,
lalong lumalakas ang tama ng alak sa kanya. Sa kanyang
kalasingan, naglakas-loob siyang sabihin sa kanila na hindi na
niya kayang ituloy ang kanilang gawain. Ngunit tinawanan
lamang siya ng mga kasama at pinagpatuloy ang kanilang
inuman.
Nang sumunod na araw, nagising si Lito sa kanyang
kama na may matinding sakit sa kanyang ulo. Napagtanto
niya na hindi na niya kayang ipagpatuloy ang ganitong
buhay. Dahan-dahang nagbago si Lito. Itinigil niya ang
paninigarilyo at pag-iinom. Hinanap niya ang ibang mga
paraan upang maging masaya at makatulong sa kanyang
komunidad.
Nakita ni Juanito ang pagbabago sa kanyang
kaibigan. Napagtanto niya na hindi maganda ang kanilang
ginagawa at may mas mabuting paraan upang maging
masaya. Sa tulong ni Lito, naging inspirasyon ang
kanilang grupo upang tuluyang iwan ang kanilang mga
masasamang bisyo.
Sa paglipas ng panahon, ang dating "Baryong
Bukid" na kilala sa mga lulong sa bisyo ay naging lugar ng
pag-asa at inspirasyon para sa iba. Naging huwaran sila
ng pagbabago at pagpapakatatag ng kanilang mga sarili
laban sa mga hamon ng buhay. Dahil sa determinasyon at
tamang pagpapasya, nabago nila ang kanilang mga buhay
at nakamtan ang tunay na kaligayahan sa pamamagitan ng
pagtulong sa isa't isa.
Pangkatang Gawain
Pangkat 1 - Ano ang Batas Republika 9211?
Pangkat 2 - Ano ang nakasaad sa Batas Republika 9211, Seksiyon 6?
Pangkat 3 - Ano-anong pampublikong lugar ang ipinagbabawal ng Batas
Republika 9211 ang paninigarilyo?
Pangkat 4 – Dula-dulaan: Sitwasyon - Nakita mo ang iyong kaklase na
naninigarilyo sa likod na bahagi ng CR ng paaralan.
Ano ang gagawin mo?
Pangkat 5 - Dula-dulaan: Sitwasyon – Nakita mo ang isang lalaki na
nagtitinda ng sigarilyo malapit sa gate ng inyong paaralan. Ano ang
gagawin nyo?
Pangkat 6 – Gumawa ng slogan /e-slogan kung paano makaka-iwas sa
masamang bisyo ng paninigarilyo. Gumamit ng cp or tablet sa pagawa.
Isend eto sa messenger account ng guro.
RUBRI
CS

Pangkatang Gawain Dula-dulaan Slogan / E-slogan

PANUNTUNAN PUNTOS PANUNTUNAN PUNTOS PANUNTUNAN PUNTOS

Nilalaman 10 Nilalaman 8 Nilalaman 10

Kooperasyon 3 Pagkilos/ 5 Rima 3


Pag-arte
Kalinisan 2 Kalinisan 2
Kalinisan 2
Kabuuang 15 Kabuuang 15
Puntos Kabuuang 15 Puntos
Puntos
Batas Republika 9211, mas kilala bilang "Tobacco Regulation
Act of 2003", ay isang mahalagang batas sa Pilipinas na naglalayong regulahin
ang produksyon, pagbebenta, distribusyon, at konsumo ng tabako at tabako
produkto. Layunin ng batas na mapangalagaan ang kalusugan ng publiko mula sa
masamang epekto ng paninigarilyo at iba pang tabako produkto sa pamamagitan
ng pagpapalakas ng mga regulasyon at patakarang pangkalusugan.
Sa ilalim ng Batas Republika 9211, ipinagbabawal ang
paninigarilyo sa mga pampublikong lugar tulad ng mga ospital, paaralan, at mga
government office. Binibigyan din ng batas ng kapangyarihan ang gobyerno na
maglagay ng mga graphic health warning sa mga kaha ng sigarilyo upang
maipakita ang mga peligro ng paninigarilyo sa kalusugan. Bukod dito,
ipinagbabawal din ang pagbebenta ng sigarilyo sa mga menor de edad, at may
mga parusa para sa mga naglabag sa mga probisyon ng batas.
Sa pamamagitan ng Batas Republika 9211, naglalayon ang
Pilipinas na protektahan ang kalusugan ng publiko at mapigilan ang paglaganap ng
masamang epekto ng paninigarilyo at iba pang tabako produkto sa lipunan. Ito ay
isa sa mga mahalagang hakbang sa pagtugon sa suliranin ng kagandahang
panlahat at sa pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan.
Presentasyon ng
mga Output
Paglalapat
Paglalahat
Pagtataya
Basahin nang maayos ang bawat pangungusap. Isulat sa inyong sagutang
papel ang salitang TAMA kung ito ay nagsasaad ng wastong paglalarawan ng mga
kaukulang patakaran o batas sa pagbenta at MALI naman kung hindi.
1. Maaring magbenta ang mga may ari ng tindahan ng tabacco sa mga batang menor
de edad.
2. Ang pagbebenta ng tobacco malapit sa mga paaralan ay mahigpit na ipinagbabawal
ng batas.
3. Ang RA 9211 ay siyang batas na ginawa ng mga lulong sa paggamit ng tobacco
para sila maproteksyonan at patuloy na makagammit nito.
4. Kinakailangan na ang naninigarilyo ay hindi nasa mga pampublikong lugar kagaya
ng paaralan, simbahan o parke.
5. Kontrolado ng pamahaalan ang pagbebenta at paggamit ng tobacco sa
pamamagitan ng batas na kanilang ipinapatupad ang Tobacco Regulation Act of 2003.
6. Ang paninigarilyo ay nakapagpapalakas ng immune system para makaiwas
sa sakit.
7. Nararapat na ang mga guro at magulang ay magtulungan para mabantayan
ang kabataan sa kanilang mga ginagawa para hindi sila maimpluwensyahan sa
paggamit ng tobacco.
8. May mga patakaran rin ang paaralan tungkol sa paninigarilyo na mahigpit na
ipinapatupad para mapangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-
aaral.
9. Bilang isang mag-aaral, pwede mo ring hikayatin ang iyong kapwa mag-aaral
na hindi manigarilyo para hindi masira ang kanilang pangangatawan.
10. Maari din ang mga kabataan makipag-ugnayan sa kanilang barangay lalo na
sa mga kinatawan nila para imungkahi ang paggawa ng sariling patakaran na
makatutulong sa pagkontrol ng paggamit at pagbenta ng tobacco sa kanilang
lugar.
TAKDA
Mangalap ng
mahalang
impormasyon tungkol
sa Presidential Decree
No. 1619.
HIKAYATIN ANG BAWAT BATA NA
MAPALAYO SA MGA BISYONG
MAKASISIRA NG KANILANG
KINABUKASAN.
CREDITS: This presentation template was created by
Slidesgo, including icons by Flaticon, and infographics
& images by Freepik.

You might also like