You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Ikatlong Markahan

Quarter : 3 Week : 2 Day : 1-5 Activity No. 1 :


Pamagat ng : Pagpapahalaga at pananagutan sa mga pinagkukunang yaman
Gawain
Kompetensi : 7. Nakagagamit nang may pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at
pinagkukunang-yaman
Layunin : Nasusuri ang mga paraan upang mapanatili ang ating likas na yaman
Pamagat ng : Pagsunod sa mga Batas Pangkapaligiran
Akda
Sanggunian :
May -akda :
Mga Larawan :
Copyright : For classroom use only
DepEd own material
Konsepto : Kapag ang lahat ay mauunawaan ang kaniyang bahagi sa pangangalaga ng kapaligiran,
magiging maganda ang ating daigdig. Magpapatuloy itong magbibigay ng ating mga pangangailangan .
Sapat ang mga yaman ng mundo para sa mga pangangailangan ng tao subalit hindi sa pagiging
makasarili ng tao.

Basahin ang Tula. Tuklasin kung anong mga kayamanan mayroon sa ating bansa.

Magandang Pilipinas
( Malayang salin sa Filipino ni Ruby G. Alcantara ng tulang “Beautiful Philippines)

Magandang Pilipinas Magandang Pilipinas


Masagana sa lahat ang iyong lupa Ang buo mong kapuluan
Ang luntian mong pastulan Masagana sa likas na yaman
Pahingahan ng masisipag na mamamayan. Lahat kailangan ng iyong mamamayan.

Magandang Pilipinas Masuwerte tayo


Dugo ng buhay ang iyong karagatan Maging bahagi ng magandang Pilipinas
Ang matamis na ragasa ng iyong mga alon May tanging Karapatan
Malumanay na nagduruyan sa isang lahing matapang. Mangalaga sa likas na yaman

Magandang Pilipinas
Namumutik sa mga bagay na buhay
ang dagat at lupa
Malalaki at maliliit na isda, malalaki .
at maliliit na hayop
Matatamis at sariwang prutas, at
mahahalagang mineral
Gawain A - Sagutin ang mga tanong.:

1. Ayon sa tulang Magandang Pilipinas ano-ano ang ilang magagandang bagay na matatagpuan sa
Pilipinas?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Bakit masuwerte tayong mga Pilipino?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Gawain B - Halimbawang nagtatrabaho ka para sa Kalihim ng Department of Environment and


Natural Resources (DENR). Alin sa sumusunod ang irerekomenda mo sa kaniya na
unahin? Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang ng iyong sagot.

_______1. Magbigay ng pahintulot sa mga kompanyang multinasyonal para sa quarrying sa mga bundok
kapalit ng buwis na ibabayad nila.
_______2. Lagyan ng restriksiyon ang illegal logging.
_______3. Huwag pahintulutan ang dayuhang mangingisda sa pangingisdaan sa ating karagatan.
_______4. Magbigay ng pahintulot sa paghuli o pagkulong sa mga endangered species.
_______5. Ipasara ang mga kompanyang industriyal na nagtatapon ng dumi sa karagatan.
_______6. Parusahan ang mga sumusuway sa batas tungkol sa pang-aabuso sa kapaligiran.
_______7. Magbigay ng pahintulot sa lahat ng loggers.
_______8. Bigyang-diin ang mga programa ng reforestation.
_______9. Hulihin ang drayber ng mga sasakyan na nagbubuga ng maitim na usok.
_______10. Suportahan ang programa ng pamahalaan sa relokasyon ng mga informal settlers na nakatira
malapit sa ilog.
Gawain C - Buuin ang pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sa mga bundok, dapat tayong_______.


a. nagtatanim ng mga puno
b. nagkakaingin, nagtatapas at nasusunog
c. nanghuhuli ng mga nanganganib na hayop

2. Upang maiwasan ang red tide, dapat______.


a. linisin ang barko
b. linising mabuti ang isda bago iluto
c. panatilihin ang kalinisan ng katubigan.

3. Maraming kampanya ng konstruksiyon ang kumukuha ng maraming bato at buhangin mula sa


bundok. Ang masamang epekto nito ay _______.
a. pagguho ng lupa
b. pagyaman ng bansa
c. pagkatuyo ng mga bukal
4. Upang mas maraming mahuli at kitain ang mga mangingisda, dapat nating pagsikapang mabuti na
____.
a. bigyan sila ng ibang trabaho
b. sabihan sila kung paano mangisda gamit ang dinamita
c. tumulong sa pangangalaga ng karagatan upang dumami ang isda.

5. Iminungkahi ng nanay mo na bumili ka ng corals para sa inyong aquarium. Narinig niya na


mayroong tindahan sa palengke na nagbebenta ng corals sa mababang presyo. Ngunit nalaman mo sa
klase na hindi dapat kinukuha sa dagat ang corals dahil dito tumitira ang kawan ng mga isda. Dapat
sabihin mo sa nanay mo na _______.

a. siya na lamang ang bumili


b. hindi dapat kunin sa dagat ang corals
c. dapat siyang bumili nang marami upang ibenta sa iba sa mas mataas na halaga
Susi sa Pagwawasto
Gawain A.
1. depende sa sagot ng mag aaral
2. depende sa sagot ng mag aaral

Gawain B.

1.
2. /
3. /
4.
5. /
6. /
7.
8. /
9. /
10. /

Gawain C.

1. A
2. C
3. A
4. C
5. B

You might also like