You are on page 1of 5

I.

PANGKALAHATANG IMPORMASYON
Paaralan: Mataas na Paaralang Ramon Magsaysay
Asignatura Filipino-Pagbasa Baitang: 8
sa Catch-
up Fiday Guro Ronnel C. Adani

CATCH-UP Petsa: Marso 8, 2024 Markahan: Ikatlo


FRIDAYS Oras: 7:00 – 9:20 Sa ilalim ng Knowledge
Banghay Aralin Panunahing (Frustration Level)
Paksa:
II. BALANGKAS NG SESYON
Pamagat ng Paninigarilyo sa Publiko, Ipinagbabawal na!
Tekstong
Babasahin:

Mga Tiyak na Pagkatapos ng sesyon na ito, ang mga mag-aaral ay:


Kasanayang
Pampagkatuto: a. Naibibigay ang opinyon o katuwiran tungkol sa paksa ng teksto:
b. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa binasang balita;
c. Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng idea sa pagsulat
ng balita; at
Naipahahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katuwiran.

Susi sa mga
Konsepto a. Ang responsableng paglalahad ng opinyon ay may kaakibat na patunay o
ebidensya tungkol sa paksa.
b. Ang batas o panukalang pinatutupad sa isang bansa ay nagdudulot ng
kabutihan sa nakararami.
c. Ang paninigarilyo ay nagdudulot ng sakit sa katawan ng taong gumagamit
at nasa paligid nito.

Integrasyon: a. Health Education


b. Science (Chemistry)
c. Socio-Emotional Learning (SEL)
III. ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO
Bahagi Oras Mga Gawain at Hakbangin
Karawinang Daloy 5 minuto 1. Panalangin
sa Silid-aralan 2. Checking ng attendance
Bago Bumasa 25 minuto 1. Lagyan ng markang “X” ang kahon na sa iyong palagay ay
nagpapahayag ng opinyon at lagyan naman ng markang “ü”
ang kahon na nagpapahayag ng katotohanan.

7 milyong tao ang


namamatay taon-taon
dahil sa paninigarilyo.
Ang paminsan-
minsang
paninigarilyo ay
posibleng hindi
nakasasama sa
Maaaring makatulong kalusugan.
ang paninigarilyo upang
maibsan ang stress na
nararamdaman ng isang
tao.

Ang mga taong hindi


naninigarilyo ay
nagkakaroon ng
kanser sa baga dahil
sa usok mula sa
Ang sigarilyo ay sigarilyo.
naglalaman ng 4600 na
kemikal at 69 sa mga ito
ay pwedeng maging
dahilan ng pagkakaroon
kanser.

Mahahalagang Tanong:
a. Ano-ano ang masasamang naidudulot ng paninigarilyo?
b. Bakit mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga
pampublikong lugar?
c. Paano mo mahihikayat ang iyong kakilala na tumigil o
huminto sa paninigarilyo?

2. Paghawan sa Sagabal: Bigyang-kahulugan ang mga salitang


may kaugnayan sa babasahing teksto:
a. second-hand smoke
b. WHO
c. nikotina
d. Executive Order
e. lung diseases
Habang 80 minuto Pagbasa ng Teksto
Bumabasa 1. Ginabayang Pagbasa: Ipapabasa nang tahimik ang teksto at
pagkatapos ng bawat talata ay sasagutin nang pasalita ng mga
mag-aaral ang tanong na kasunod.
Paninigarilyo sa Publiko, Ipinagbabawal
na!

Tagumpay ng mga Pilipino ang nilagdaang kautusan ni


Pangulong Duterte na Executive Order No. 26 na nagbabawal sa
paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa buong bansa.
Anong executive order ang nilagdaan ni Pangulong Duterte?
Ano ang bagong kautusan tungkol sa paninigarilyo?

Ayon sa isinagawang sarbey ng Philippine Legislators’ Committee


on Population and Development (PLCPD), siyam sa sampung
Pilipino ang sang-ayon na ipagbawal ang paninigarilyo sa mga
pampublikong lugar.
Ilang porsyente ng mga Pilipino ang sang-ayon na ipagbawal
ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar?

Nakatutuwang isipin na nagkaroon ng isang kautusan sa ating


bansa upang maprotektahan ang mga Pilipinong hindi
naninigarilyo laban sa mga sakit na dulot ng usok nito.
Isinasaad sa kautusan na may nakatalagang lugar lamang o
designated areas kung saan maaaring manigarilyo ang isang
tao. Kaiba ito sa nakaugalian ng marami na kung saan-saan na
lamang naninigarilyo.
Saan na lamang maaaring manigarilyo ang isang tao?

Malaking tulong din ang kautusang ito para sa magulang ng 16


na milyong kabataang Pilipino na may edad 15 pataas na
naninigarilyo dahil ipinagbabawal na rin para sa mga menor de
edad ang paninigarilyo at pagbebenta sa kanila.
Ilang milyong kabataang Pilipino ang naninigarilyo?
Makahihinga na rin nang maluwag ang mga taong hindi
naninigarilyo dahil hindi na pakalat-kalat ang mga naninigarilyo
sa paligid. Ayon sa World Health Organization (WHO), mahigit
600,000 na second-hand smoke sa buong mundo ang
namamatay taon-taon. Sila ang mga taong hindi naninigarilyo
ngunit nakalalanghap ng usok na ibinubuga ng mga taong
naninigarilyo.
Sino ang itinutukoy na second-hand smoke?

Tunay na nakatatakot ang epekto ng sigarilyo para sa mga


gumagamit nito at mga nakalalanghap ng usok nito. Ayon sa
Kagawaran ng Kalusugan, ang mga sakit na nakukuha sa
paninigarilyo ay hypertension, heart attack, stroke, cancer, lung
diseases, at chronic obstruction pulmonary disease (COPD).
Ano-anong sakit ang maaaring makuha mula sa paninigarilyo at
usok nito?

Sana ay magsilbing matibay na panangga ng mga Pilipino laban


sa sakit na naidudulot ng paninigarilyo ang nilagdaang
kautusan ni Pangulong Duterte.

2. Mga Gawain
a. Ibigay ang iyong opinyon at pangatuwiran ang sumusunod:
- Sang-ayon ka ba na ipinagbawal ang paninigarilyo sa
pampublikong lugar?
- Paano makaaapekto sa kalusugan ng mga Pilipino ang
nilagdaang executive order?
- Sa iyong palagay, naging matagumpay ba ang kampanya ng
gobyerno laban sa paninigarilyo?

b. Magsagawa ng maikling balik-aral tungkol sa iba’t ibang


estratehiya sa pangangalap ng datos o impormasyon.
Pagkatapos, ihanay sa bawat kolum ang mga datos batay sa
estratehiyang ginamit sa binasang balita.
Sarbey Panayam Pananaliksik Tuwiran/ Di-
Tuwirang
Sipi

c. Improvised Human Lung Model. Gumawa ng modelong baga


ng isang tao at ipakita sa harap ng klase kung paano
gumagana ang mekanismo ng baga. Gayundin, ipakita ang
epekto ng paninigarilyo sa baga ng tao gamit ang binuong
modelong baga. Sundin ang paraan sa pagbuo ng modelong
baga mula sa https://www.instructables.com/Make-a-
Human-Lung-Model/
d. Mga Kemikal sa Sigarilyo/Vape. Magsaliksik tungkol sa iba’t
ibang kemikal na malalanghap o mahihigop mula sa
paggamit ng sigrailyo o vape. Pagkatapos ay tukuyin ang
negatibong maidudulot nito sa katawan ng tao.
Kemikal Katangian Masamang Dulot
sa Katawan

e. Saliksik-Aklatan. Magtungo sa silid-aklatan at magsaliksik


ng mga impormasyon tungkol sa sumusunod na paksa:
- Pag-inom ng Alak
- Pagkain ng Matatamis
- Pagpupuyat
- Labis na Pagkain

Pagkatapos makahanap ng mga datos, bumuo ng talataan na


nagtatampok sa iyong opinyon o pananaw tungkol sa mga
nasaliksik na datos.
Pangatuwiranan ang iyong nabuong opinyon o pananaw.
Pagkatapos 30 minuto 1. Repleksyon: Pangako ng Katapatan
Bumasa Sa isang buong papel, ilapat at iguhit ang iyong kamay.
Pagkatapos, gupitin ang papel base sa iginuhit na kamay.
Bumuo ng 3 pangako na nagpapahayag ng iyong katapatan sa
pag-iwas sa mga bagay na nakasasama o nakapagdudulot ng
sakit sa tao. Basahin sa harap ng klase ang iyong pangako at
ipaskil sa bulletin board pagkatapos.

2. Sintesis sa Pagkatuto
Ibigay ang iyong pananaw at pangatuwiranan ang isa sa
sumusunod na pahayag:
a. “Ano mang labis ay nakasasama.”
b. “Ang katawan ng tao ay templo ng Panginoon.”
c. “Ang batas ay sandigan ng maayos at payapang lipunan.”

Inihanda ni: Sinuri ni:

RONNEL C. ADANI CATALINA C. MANONGSONG


Dalubguro I – Filipino Puno ng Kagawaran – Filipino

Binigyang-pansin:

ROBERT P. VELASQUEZ
Punongguro

Nabatid:

EDWIN REMO MABILIN, Ph.D.


Superbisor sa Programang Edukasyon

You might also like