You are on page 1of 1

SARAH DUTERTE CARPIO

Ang Kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas (Ingles: Department of Education o DepEd) ay ang departamentong tagapagpatupad
ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pamamahala at pagpapanatiling mataas ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Ito
ang pangunahing tagaisip ng mga polisiyang pang-edukasyon at responsable sa sistemang pang elementarya at pang-
sekondarya dito sa Pilipinas.

FERDINAND R. MARCOS JR.

Ang Kagawaran ng Agrikultura[2] (Kagawaran ng Pagsasaka, Ingles: Department of Agriculture, DA) ay ang departamentong
tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pagpapayabong ng kita ng mga magsasaka ganun na din ang
pagpapababa ng insedente ng kahirapan sa mga sektor na rural ayon na rin sa nakasaad sa Katamtamang Terminong Plano ng
Pamahalaan ng Pilipinas.

Carlito Galvez Jr
Ang Kagawaran ng Tanggulang Bansa (Ingles: Department of National Defense o DND) ay ang departamentong
tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pagtatanggol mula sa mga panlabas at panloob na
panganib sa kapayapaan at seguridad sa Pilipinas. Mayoroon itong kakayanang mangasiwa sa Sandatahang Lakas ng
Pilipinas (AFP), Office of Civil Defense (OCD), Tanggapan ng Ugnayan sa mga Beterano ng
Pilipinas (PVAO), Dalubhasaan ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas (NDCP), at Arsenal ng Pamahalaan (GA).

JESUS CRISPIN C. REMULLA

Ang Kagawaran ng Katarungan (Ingles: Department of Justice o DOJ), ay isang departamentong tagapagpatupad ng
Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pagpatupad ng mga batas ng Pilipinas. ng misyon nito ay makapagtatag at
mapanatili ang pantay at maayos na lipunan sa pamamagitan ng epektibo, mabilis at makataong pagbibigay ng hustisya.

REX GATCHALIAN

Ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan[1] (Ingles: Department of Social Welfare and Development o
DSWD) ay ang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pangangalaga ng karapatan ng
bawat Pilipino sa kagaligang panlipunan at sa pagpapayabong ng Pag-unlad ng lipunan.

You might also like