You are on page 1of 10

Ang Kagawaran ng Pagsasaka (Ingles: Department of Agriculture o DA) ay ang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pagpapayabong ng kita

ng mga magsasaka ganun na din ang pagpapababa ng insedente ng kahirapan sa mga sektor na rural ayon na rin sa nakasaad sa Katamtamang Terminong Plano ng Pamahalaan ng Pilipinas.

Ang Kagawaran ng Paggawa at Empleyo ng Pilipinas (Ingles:

Department of Labor and Employment o DOLE) ay isang


departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable na gumawa ng mga polisya, magsagawa ng mga program at serbisyo, at maging ugnayan ng pamahalaan sa paggawa at empleyo.

Ang Kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas (Ingles: Department of

Education o DepEd) ay ang departamentong tagapagpatupad ng


Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pamamahala at pagpapanatiling mataas ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Ito ang pangunahing tagaisip ng mga polisiyang pang-edukasyon at responsable sa sistemang pang-elementarya at pang-sekondarya dito sa Pilipinas.

Ang Kagawaran ng Turismo (Ingles: Department of Tourism), ang kagawarang tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas na may tungkulin ukol sa alintuntunin ng industriyang panturismo sa Pilipinas at ang pagpapakilala sa Pilipinas bilang isang destinasyon.

Ang Kagawaran ng Katarungan (Ingles: Department of Justice o DOJ), ay isang departamentong tagapagpatupad Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pagpatupad ng mga batas ng Pilipinas. Sa kasalukuyan ito ay pinamumunuan ni Leila De Lima simula pa noong taong 2010. Ang misyon nito ay makapagtatag at mapanatili ang pantay at maayos na lipunan sa pamamagitan ng epektibo, mabilis at makataong pagbibigay ng hustisya.

Ang Kagawaran ng Enerhiya ng Pilipinas ay nasasaklaw ng RA 7638 upang maghanda, bumuo, makipagugnayan, pangasiwaan, at kontrolin lahat ng proyekto, plano at aktibidad, ng pamahalaan na may kinalaman sa pagpapalawak ng kaalaman, pag-pepresyo, pamamahagi, at pangangalaga sa enerhiya.

Ang Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala ng Pilipinas (Ingles: Department of Budget and Management o DBM) ay isang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa maayos at akmang paggamit ng mga yaman ng pamahalaan para sa pag-unlad ng bansa at maging instrumento para maabot ang mga hangad na sosyo-ekonomiko at politikal na pagunlad.

Ang Kagawaran ng Pananalapi ng Pilipinas (Ingles: Department of Finance o DoF) ay isang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na may tungkulin na magplano at mangasiwa ng mga polisiyang piskal, mamahala ng mga pinagkukunan ng salapi ng pamahalaan, magpasunod sa pangangalap ng buwis at kita sa bawat lokal na pamahalaan at pagaaral, pagsang-ayon at pamamahala sa mga utang ng pampublikong sektor, at pamamahala ng mga korporasyon na pagmamay-ari o hinahawakan ng pamahalaan.

Ang Kagawaran ng Agham at Teknolohiya ng Pilipinas (Ingles: Department of Science and Technology o DOST) ay isang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na may tungkulin sa koordinasyon ng mga proyektong may kaugnayan sa agham at teknolohiya sa Pilipinas, at may tungkulin ding magsagawa ng mga patakaran at mga proyekto sa mga larangan ng agham at teknolohiya bilang pagtataguyod ng kaunlaranang pambansa.

You might also like