You are on page 1of 47

Serbisyong

Panlipunan
01
Serbisyong
Pangkalusugan
Isang mahalagang pokus ng mga programang
pampamahalaan ay ang usapin ng kalusugan,
sapagkat maraming isyu ang kinahaharap ng
larangang ito.
Ang Kagawaran ng Kalusugan o
Department of Health (DOH) ay
ang pangunahing sangay ng
pamahalaan na nagpapatupad ng
mga programang pangkalusugan sa
bansa.
Ito rin ang nagbibigay daan sa mga
naturang serbisyo sa pamamagitan
ng pagbubuo at pagpapatibay ng
mga batas pangkalusugan at
pagsasaayos at pagpapabuti ng
mga pampribado o pampublikong
institusyong pangkalusugan.
Ang Kagawaran ng Kalusugan ay
binubuo ng 17 sentral na
tanggapan, 16 na centers for
health development na nakatalaga
sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, 70
ospital, at limang kalakip na
kawanihan.
Layunin ng Kagawaran ng
Kalusugan na siguraduhing may

lalo na ang
mahihirap. Layunin din ng
kagawaran na isulong ang
kagalingan sa kalusugan.
Mga Antas o Lebel ng Serbisyong
Pangkalusugan
Ang paghahatid ng mga serbisyong
pangkalusugan ay nagaganap sa
iba’t ibang antas sa pampublikong
sektor:
1. Mga Sentrong Pangkalusugan o
Health Centers
Nagbibigay ang mga ito ng
pangangalagang pang-iwas sa sakit
(preventive care) at simpleng
lunas sa mga karaniwang sakit.
2. Mga Pampamahalaang Ospital o Government Hospitals
Nagkakaloob ang mga ito ng espesyalisadong
pangangalagang pampasyente at Diagnostic, Radiology,
Laboratory, at maging preventive and curative health.
3. Mga Panlalawigan Ospital o Provincial Hospitals
Nagkakaloob ang mga ito ng mga serbisyong emergency,
pag-oopera, pagpapaanak, serbisyong dental, serbisyong
pan-dayagnostiko, at mga serbisyo para sa general health
Sa kasalukuyan, may mahigit sa 60 programang
pangkalusugan ang Kagawaran ng
Kalusugan. Ang mga programang ito ay sumasaklaw sa
iba’t ibang populasyon, isyung
pangkalusugan, at pangangailangan.
Ito ay isang lehitimong botika na
pinamamahalaan ng isang kooperatiba, Non-
Governmental Organization (NGO), o lokal na
pamahalaan sa barangay. Kaakibat nito ang
Barangay Health Center sa pagbibigay ng
murang gamot sa mga mamamayan.
Ang newborn screening ay isang
programa na naglalayong suriin ang
mga sanggol para sa anumang genetic,
metabolic, o infectious na kondisyon.
Ang programang ito ay isinabatas sa
pamamagitan ng Republic Act 9288 o
Newborn Screening Act of 2004.
Ang pambansang programang ito laban
sa dengue ay sinimulan ng DOH noong
1998. Naglayon itong paunlarin ang
kalusugan ng mga Pilipino sa
pamamagitan ng pag-aalis ng dengue
sa bansa.
Pagbabakuna kontra sakit gaya ng COVID
Pagsugpo ng TB
Paglulunsad ng Mental health day
Paglulunsad ng Buwan ng Nutrition
Ang sangay ng edukasyon ay
nararapat ding paunlarin ng
pamahalaan. Sa mga nakaraang
taon, naging isang hamon para sa
Pilipinas na pantayan ang
pamantayan o standard ng
edukasyon ng mga karatig bansa
nito sa Timog-Silangang Asya.
Ang Kagawaran ng Edukasyon o
Department of Education (DepEd)
ay ang ahensiya ng pamahalaan na
siyang nangangalaga at
namamahala sa sistema ng
edukasyon sa Pilipinas. Sila ang
namumuno sa Primarya at
Sekondaryang antas ng edukasyon.
Ang CHED (Commission on Higher
Education) naman ang namamahala
sa mga kolehiyo at mataas na
Pamantasan sa bansa.
Layunin ng DepEd na makapagbigay
ng may kalidad na edukasyon para
sa lahat at magtayo ng saligan para
sa panghabambuhay na pagkatuto
at serbisyo para sa kapakanan
ng lahat.
Programang K to 12
Programang K to 12
Ang Programang K to 12 ay ang
pangunahing programang
isinusulong ng Kagawaran ng
Edukasyon sa kasalukuyan.
Layunin nitong madagdagan ng
dalawang taon ang basic
education, na siyang
magsisilbing Senior High School.
Layunin ng K-12

● Pagtataguyod sa
kagalingan sa edukasyon
sa pamamagitan ng Early
Childhood Education at
Pre-school Programs
Layunin ng K-12

● Pagbabago at
pagpapaganda ng
kurikulum
Layunin ng K-12

● Pagsasanay sa paggamit
ng wikang Filipino at Ingles
Layunin ng K-12

● Pagpapatatag ng
kakayahang pangkolehiyo,
teknikal, at bokasyunal
Layunin ng K-12

● Pagbibigay kakayahan sa
mga pang-araw-araw na
gawain at pamumuhay
Mahahalagang Programa ng
Kagawaran ng Edukasyon
1. Pagtataguyod ng Information and
Communication Technology (ICT) -
Itinatag ito upang maging dynamic
life-long learners at maging
produktibo, responsable, at may
pagpapahalaga ang mga
mamamayan.
2. Pagsasakatuparan ng Edukasyon
para sa Lahat o Education for All
(EFA) Ang Philippine Education for All
2015 Plan ay nilikha upang mapabuti
ang sistema ng ating edukasyon.
Itinatag ito upang mabigyang ng
pagkakataon ang lahat ano man ang
edad, kasarian o pagkakakilanlan na
makapag aral.
3. Pagtataguyod ng Cyber Education
Project
Ang Cyber Education Project ay
nagkakaloob ng edukasyon sa lahat
ng sulok ng bansa sa pamamagitan ng
teknolohiyang satellite na nag-
uugnay sa lahat ng opisina ng DepEd
at mga pampublikong paaralan.
3. Pagtataguyod ng Cyber Education
Project
Ang Cyber Education Project ay
nagkakaloob ng edukasyon sa lahat
ng sulok ng bansa sa pamamagitan ng
teknolohiyang satellite na nag-
uugnay sa lahat ng opisina ng DepEd
at mga pampublikong paaralan.
Iba pang programang pang edukasyon
Pagsusulong ng Distance learning
Pagpapatayo ng pampublikong
paaralan
Pagbibigay ng suporta sa mga guro

You might also like