You are on page 1of 19

“Budget of the Philippines 2020”

Proposed By:
Louisse Buergo Franz Macapagal
Aefreil Baylon Hiroshi Toshima

1
Introduksyon:

Ang ating bansa ay humaharap sa iba't ibang klase ng suliranin. Mga isyu tungkol sa

kapayapaan at kaayusan ng bansa, isyung turismo, problema sa mga pinagkukuhaang

yaman, kakulangan sa edukasyon, kaligtasan ng bansa, at marami pang iba. Ang mga

suliraning ito ay lubusang matututukan dahil sa mga kagawarang nakaatas dito. Ang

mga kagawarang ito ay binigyang responsibilidad upang hanapan ng solusyon ang mga

problemang ito at mapanatili ang maayos na kalagayan ng bansa.

Sa pagsasaayos ng proyektong ito, pinagtuunan namin ng pansin ang mga pangunahing

kagawaran na nangangailangan ng mas malaking pondo upang magpasagawa ng mga

proyektong ikauunlad ng bansa. Mga kagawaran kagaya ng Department of Health,

Department of Education, Department of Labor and Employment at iba pa.

Mas mapapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bansa kung patuloy nating

sinusuportahan ang mga proyektong isinasagawa ng mga kagawarang ito dahil ang mga

proyektong ito ang nagsisilbing tulong ng bansa sa mga tao upang mapanatili hindi lang

ang kasaganahan ng bansa, pati na rin ang disiplina sa bawat tao na nakatira rito.

2
Mainam rin ang pagkakaroon ng maayos na relasyon sa ibang bansa dahil maraming

mabubukas na mga oportunidad para sa mga pilipino. Katulad na lamang ng

pakikipagkalakalan ng iba't ibang produkto at ang pagkakaroon ng oportunidad na

makapagtrabaho ang mga pilipino sa ibang bansa upang makakuha ng mas mataas na

sahod pangtustos sa kani kanilang pamilya. Maaari rin tayong tulungan ng mga bansang

ito upang malutas ang mga problema sa bansa.

3
Budget
Kagawaran ng Ugnayang Kagawaran ng Kalusugan,
Panlabas, 23,347,000,000 31,437,000,000
Kagawaran ng Turismo,
24,564,000,000
Kagawaran ng Edukasyon,
31,437,000,000
Kagawaran ng Teknolohiyang
Pang-impormasyon at
Komunikasyon,
24,787,000,000

Kagawaran ng Tanggulang
Pambansa, 29,807,000,000
Kagawaran ng Pagawaing
Bayan at Lansangan,
25,287,000,000

Kagawaran ng Kagalingan at
Pagpapaunlad Panlipunan,
Kagawaran ng Agham at
29,417,000,000
Teknolohiya, 25,787,000,000

Kagawaran ng Katarungan, 0

Kagawaran ng Repormang Kagawaran ng Paggawa at


Pansakahan, 26,312,000,000 Empleyo, 28,387,000,000

Kagawaran ng Kalakalan at Kagawaran ng Kapaligiran at


Industriya, 27,292,000,000 Likas na Kayamanan,
Kagawaran ng Pagsasaka, 27,317,000,000
27,297,000,000

Kagawaran ng Kalusugan Kagawaran ng Edukasyon


Kagawaran ng Tanggulang Pambansa Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan
Kagawaran ng Katarungan Kagawaran ng Paggawa at Empleyo
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan Kagawaran ng Pagsasaka
Kagawaran ng Kalakalan at Industriya Kagawaran ng Repormang Pansakahan
Kagawaran ng Agham at Teknolohiya Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-impormasyon at Komunikasyon Kagawaran ng Turismo
Kagawaran ng Ugnayang Panlabas

4
1. Kagawaran ng Kalusugan

o Budget- P 31,437,000,000

o Ang Department of Health (DoH) ay responsable sa pagpanatili ng magandang

kalagayan ng mamamayang pilipino. Tungkulin nitong tutukan ang kalagayan ng

mamamayan sa Pilipinas at magpatupad ng programa at mga proyektong may

kinalaman sa kalusugan ng tao, katulad ng "Universal Health Care Act", na

sinisiguradong makakalapit ang mga mamamayang pilipino sa magandang

kalidad at abot-kayang mga kagamitan sa may sakit.

5
2. Kagawaran ng Edukasyon

o Budget- P 31,437,000,000

o Ang Department of Education (DepEd) ay responsable sa pagpapanatili ng

mataas na kalidad na edukasyon para sa mga kabataan upang sila ay mas

makapag-aral ng mabuti. Nagsasagawa ang DepEd ng iba't ibang mga

proyektong may kinalaman sa edukasyon katulad na lamang ng "Sagip Eskuwela

Program". Ang pokus nito ay magbigay ng tulong sa mga pangangailangan ng

mga apektadong mag-aaral at tauhan ng kagawaran ng edukasyon. Kasama na

rin dito ang konstruksyon ng DepEd Temporary Learning Shelters upang

mapadali ang pagpapatuloy ng mga klase sa mga apektadong estudyante ng

DepEd.

6
3. Kagawaran ng Tanggulang Pambansa

o Budget- P 29,807,000,000

o Ang Department of National Defense (DND) ang namamahala sa pagtatanggol sa

ating bansa maging sa panloob o panlabas man na panganib. Pinapanatili nila

ang kapayapaan at seguridad ng bansa. Nais namin ito paglaanan ng pera upang

mapanatag ang bansa kung sakaling mayroong mangyaring krimen o giyera.

7
4. Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan

o Budget- P 29,417,000,000

o Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay responsable sa

pagpapanatili ng karapatan ng mga pilipino. Tungkulin nito na maprotektahan

ang mamamayang pilipino at mas mapalago ang koneksyon sa iba. Nagsasagawa

sila ng mga proyektong may kinalaman sa pagpapanatili ng magandang

gobyerno, katulad ng "Kalahi-CIDSS", upang mabawasan ang taghirap na

dinaranas at paggamit ng pagtatatag ng komunikasyon sa isa't isa at pagbibigay

ng positibong pananaw sa gobyerno. Ito’y dapat paglaanan ng pera dahil sa

pamamagitan nito, maayos ang magiging takbo ng gobyerno at maganda ang

magiging epekto nito sa bansa.

8
5. Kagawaran ng Katarungan

o Budget- P 28,807,000, 000

o Ang Department of Justice (DoJ) ang kumikilos para ipagtanggol ang bayan at ang

mga mamamayan dito. Tungkulin rin nilang magpatupad ng mga batas sa bansa

upang mapanatili ang kaayusan ng lipunan sa pamamagitan ng pantay at

makataong pagbibigay ng hustisya. Ang Victim-Witness Assistance Program ay

isang proyektong nais naming paglaanan ng pera. May itatakdang tao sa

tanggapan ng district attorney upang tumulong at sumuporta sayo sa korte. Sa

pamamagitan ng paglalaan ng pera dito, maipagtatanggol at maipaglalaban natin

ang nararapat at mabibigyan parusa ang tunay na may sala

9
6. Kagawaran ng Paggawa at Empleyo

o Budget- P 28,387,000,000

o Ang Department of Labor and Employment (DoLE) ang responsable sa

pagsasagawa ng mga programa at serbisyo na makakatulong sa mga empleyo.

Ito rin ang nagsisilbing ugnayan ng pamahalaan sa sektor ng paggawa at

empleyo. Sila ay nagsasagawa ng mga programa katulad ng "Kabuhayan

Program". Nagbibigay lamang sila ng kabuhayan sa mga kwalipikadong

benepisyaryo kaya makakatulong ito sa mga indibidwal na nais magsimula ng

maliit na negosyo. Maraming maliit na negosyo ang maaring umunlad at

makakatulong ito sa mga naghahanap ng trabaho.

10
7. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan

o Budget- P 27,317,000,000

o Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay naatasan sa

pagkontrol at sa pagpapanatili ng maayos na paggamit sa likas na yaman. Sila rin

ay nagsasagawa ng mga proyekto kagaya ng "Waste-To-Energy". Ang proyektong

ito ang sagot sa lumalalang problema ng basura sa ating bansa. Polusyon ang

dulot ng basura at maraming sakit ang dulot ng basura kaya dapat huwag natin

ito lalong palaganapin.

11
8. Kagawaran ng Agrikultura

o Budget- P 27,297,000,000

o Ang Department of Agriculture (DA) ay may tungkuling payabungin ang kita ng

mga manggagawa sa mga rural na sektor. Naatasan rin silang magpalago at

makapaglaan ng sapat na pagkain sa mamamayang Pilipino. Sila rin ang naatasan

na panatilihan na mababa ang kahirapan sa mga rural na sektor. Ang mga

proyektong may kinalaman sa pagpapanatili ng sapat na yamang pagkain,

katulad ng "8 Paradigms to level up agriculture", para matulungan ang mga

magsasaka upang mas mataba ang kanilang lupa at magbunga ng mas maraming

pagkain na makakasustento sa mga tao. Ang pagkakaroon ng matatabang lupa

ang magdudulot ng kasaganahan at para na rin masustentuhan ng bansa ang

lumalaganap na populasyon nito.

12
9. Kagawaran ng Kalakalan at Industriya

o Budget- P 27,292,000,000

o Ang Department of Trade and Industry (DTI) ay may layuning palawigin ang

kalakalan at industriya ng Pilipinas. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng

paggawa ng mga hanapbuhay upang magtaas ang kinikita ng mga Pilipino. Ang

"Negosyo Center Program" ay malaking tulong sa mga maliliit na negosyo dahil

ito'y nagpapagaan at nagpapaunlad ng isang negosyo.

13
10. Kagawaran ng Repormang Pansakahan

o Budget- P 26,312,000,000

o Ang Department of Agrarian Reforms (DAR) ay responsable sa lahat ng mga

programang nauukol sa reporma sa lupa lalong lalo na sa mga repormang

pansakahan. Kabilang sa kanilang mga programang ipinatupad ay ang

"Comprehensive Agrarian Reform Program". Malaking tulong ang paglalaan ng

pera dito lalo na sa mga magsasaka.

14
11. Kagawaran ng Agham at Teknolohiya

o Budget- P 25,787,000,000

o Ang Department of Science and Technology (DoST) Ay may responsibilidad na

magpatupad ng mga patakaran at magsagawa ng mga proyektong sa larangan ng

agham at teknolohiya. Isa sa mga proyekto nila ay tungkol sa pagsusuri ng lapnis.

Ang paper mulberry o "lapnis" ay maraming tulong sa tao dahil maari itong

maging uling, suka, at papel. Maari tayong makilala sa larangan ng siyensa sa

pamamagitan ng pagsuporta sa kanilang mga proyekto

15
12. Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan

o Budget- P 25,287,000,000

o Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay naatasan sa

pagpapanatili ng kaligtasan sa lahat ng proyekto tungkol sa gawaing pambayan.

Responsibilidad rin nilang panatilihing maayos ang daan at mga patubig sa buong

Pilipinas. Mas magiging ligtas ang mga mamamayan ng bansa kung tayo ay

magbibigay ng sapat na pondo. Kailangan nila ito dahil sila ang namamahala sa

ating mga dinaraanan sa araw-araw.

16
13. Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-impormasyon at Komunikasyon

o Budget - P24,787,000,000

o Ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ay

responsable sa pagpapaunlad at pagtataguyod sa mabilis, ligtas, mahusay, at

maaasahang serbisyo ng komunikasyon. Kabilang sa tungkulin nila ang

pangagasiwa sa mga plano, polisiya, at pagpapabuti ng public access sa

impormasyon at sistema ng komunikasyon.

17
14. Kagawaran ng Turismo

o Budget- P 24,564,000,000

o Ang Department of Tourism (DoT) ang nangangasiwa sa industriyang panturismo

at nag pagpapakilala sa Pilipinas bilang isang kaaya-ayang destinasyon. Isa sa

kanilang proyekto ay ang "Bring Home a Friend". Sa proyektong ito,

inaanyayahan ng ating kababayan sa ibang bansa ang dayuhan nilang kaibigan na

bumisita sa bansa. Sa pamamagitan nito, mapapaangat lalo ang turismo sa

bansa.

18
15. Kagawaran ng Ugnayang Panlabas

o Budget- P 23,347,000,000

o Ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay may tungkulin na pabutihin ang

relasyon ng Pilipinas sa iba't ibang bansa. Pinangangalagaan ng kagawarang ito

ang mga kapakanan ngpilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang mga

proyektong nais naming paglaanan ay ang "Passport on Wheels". Ang

proyektong ito ay talaga namang makakatulong lalo na sa mga ofw dahil layunin

nitong maiwasan ang problema sa pagkuha ng passport appointment.

Konklusyon:

Ang paghahati ng budget ay nararapat upang maiwasan ang korupsiyon. Ito’y para sa

ating mamamayan kaya kailangan itong ipamahagi ng pantay at nararapat sa bawat

kagawaran. Mas importanteng unahin ang mga pangunahing kagawaran dahil ito ay may

malaking epekto hindi lang sa tao kundi pati na rin sa ating bansa.

19

You might also like