Professional Documents
Culture Documents
sa Pilipinas
Leave a reply
Ang ibig sabihin ng “Baybayin” ay isang coastline sa dagat o alpabeto, galing ito sa salitang ugat na
“baybay” o “to trace.” Hindi alpabeto ang Baybayin , pero kagaya ng ibang iskrip sa timog-silangang
asya, Abugida ang Baybayin (“Tagalog” n.d.). Ang ibig sabihin nito ay mayroong isang katinig at
isang patinig sa bawat isang titik sa iskrip. Halimbawa, ginawa ang ”ka” ng , hindi lang k o a.
Bawat isang titik ay may A sa patinig, pero pwedeng baguhin ang patinig sa pagdadagdag ng isang
tanda na tinatawag na ”kudlit” (Morrow 2010). Pwedeng idagdag ang kudlit sa itaas o sa ibaba ng
isang titik. Mayroong dalawang patinig sa bawat isang posisyon sa kudlit. Sa itaas ng titik, inilalagay
ang “e o i” ( pwedeng ke o ki), at saka sa baba ng titik nakalagay ang “o o u” ( pwedeng ko o
ku) (Morrow 2010). Mayroon ding patinig na nag-iisa, nilalagay ang mga ito sa harapan ng salita o
pantig. Sinusulat ang Baybayin sa kaliwa hanggang kanan, at saka sa tuktok hanggang sa ilalim.
Walang puwang o bantas ang baybayin, maliban nalang sa dalawang linya ( || ), kunf saan
pwedeng gamitin ang kuwit, tuldok, at paghinto para ihambing ang dalawang salita na pwedeng
kapareho ng ibang mga salita (Morrow 2010).
Maraming mga teorya ang tungkol sa pinagmulan ng iskriptong Baybayin. Sinasabi ng marami na ay
Baybayin raw ay mula sa eskriptong Brahmi na nagmula pa sa sinaunang India. Gayunpaman, hindi
pa rin sigurado ang mga tao kung saan talaga ito nagmula (Morrow 2010). May ilang mga teorya
ang nagsasabing nagmula daw ang Baybayin sa Cham (Vietnam at Cambodia), iskriptong Malay, at
sinaunang Assamese sa Bengal (Morrow 2010). Ang pinakatanyag na teorya ay nagsasabi na
nagmula raw ang Baybayin sa isang iskriptong nawala sa Sulawesi na nasa silangang bahagi ng
Borneo (Morrow 2010).
Iba-iba ang mga dahilan kung papaano nabuo ang mga teoryang ito. Ang pangunahing dahilan ay
mula sa orihinal na Baybayin, kung saan walang paraan upang ipakita ang pantig na walang patinig
(Ito ay kadalasang nangyayari sa dulo ng salitang tagalog). Karaniwan itong katangian sa wikang
Burgis na mula sa Sulawesi (Morrow 2010). Ang lenggwahe ng mga katutubong Pilipino ay
pinaniniwalaang nanggaling sa Borneo (o malapit doon). Pero ang paniniwala rin ay bago lang ang
Baybayin sa mga katutubo.
May ilan ring ag ebidensya na nagpapatunay na ginagamit ang iskriptong ito sa pagsusulat sa
Pilipinas. Ang pinakalumang ebidensya ng pagsusulat sa Pilipinas ay isang inskripsyon na hinanap sa
isang yungib sa probinsyang Laguna sa Pilipinas (Morrow 2006). Pinetsa ang Inskripsyon sa Binatbat
na Tanso ng Laaguna noong 900 CE (Morrow 2006). Ang mga ito ay nagmula pa sa iskriptong Kavi
at lumang wika noon ng Malay Napakainteresante nito dahil ipinapakita nito na ang mga sinaunang
Pilipino ay hindi talaga isolated. Importante rin ito dahil ipinapakita nito ang posibilidad ng
linggwistika sa pagitan ng mga katutubong Pilipino at iba pang mga indibidwal mula sa Timog-
silangang Asya.
Nagsusulat ang mga katutubong Pilipino at nag-uukit ng mga titik sa kawayan gamit ang isang
kutsilyo o iba pang matalim na bagay (Morrow 2010). Hindi sial gumagamit ng pluma o tinta
hanggang dumating ang mga kastila, kung saan dahan-dahang nawala ang mga sinaunang
panunulat ng mga Pilipino dahil nahirapan silang panatilihin simula ng masakop sila ng mga Kastila.
Bukod doon, nabubulok rin ang mga organik na material tulad ng kawayan.
Ang pinakaunang ebidensyang nakalap tungkol sa klase ng panunulat ng mga Pilipino ay mula sa
mga Kastila. Ito ay tinatawag na “Doctrina Christiana”, at isinulat ito pagkatapos ng ika-16 na siglo
(Wolf, 2005). Katekismo ito (tungkol sa “halagang Kristyano”), at sinulat ang Doctrina gamit ang
lenggwaheng Espanyol, Tagalog sa alpabetong Latin, at Tagalog sa Baybayin (Wolf, 2005). Noong
unang panahon, ginagamit lang ang Baybayin para sa mga taong Tagalog, ngunit noong isinusulat
na ng mga Kastila ang Bibliya, isinulat na nila ito gamit ang wikang Tagalog at Espanyol upag
matutunan nila ang wika (Morrow 2010). Binago ng Kastilya ang Baybayin sa pagsasama ng bagong
kudlit na krus (na tinawag nilang “sabat”), upang patahimikin ang patinig ng isang titik; halimbawa,
bago nila dinagdag ang sabat, sinulat muna nila ang salitang Baybayin katulad ng , at
pagkatapos noon, idadagdag nila ang ᜔ (Morrow 2010).
Maraming bagay ang sinulatan ng mga sinaunang Filipino; mga dahon, palapa, saha,
banakal at balat ng iba't ibang prutas, ngunit karaniwan ang kawayan. Ang mga panulat
naman ay matutulis na patalim o sundang, o ibang maliliit na piraso ng bakal. Sa koleksyon
ni Charles R. Boxer, na kilala sa pangalang Boxer Codex, may isang lumang sulat-kamay na
ulat mula sa taong 1590. Ipinaliwanag ng di-ipinakilalang manunulat ang sinaunang
pamamaraan ng pagsulat, na ginagawa pa rin ng mga tribo sa Mindoro at Palawan
hanggang ngayon:
Kapag sumusulat sila, ito'y ginagawa sa mga tablang kawayan, (pangkaraniwan ito sa mga
naturang pulo) sa balat. Sa paggamit ng ganitong tabla, na kasinglapad ng apat na daliri,
hindi sila gumagamit ng tinta sa pagsulat, kundi mga pang-ukit upang guhitan ang rabáw
[surface] at balat ng kawayan, at sa gayon sila gumagawa ng mga titik. B6
Kapag inukit na ang mga titik sa kawayan, pinahiran nila ito ng abo upang lalong madaling
makita. Ginamit nila ang mga matulis na patpat ng kawayan kasama ng kinulayang dagta
ng halaman upang masulatan ang maseselang bagay tulad ng mga dahon. Sapagkat hindi
pangmatagalan ang mga ginawang sulatin ng mga sinaunang Filipino, hindi sila gumamit ng
lalong matitibay na sulatan tulad ng bato, luwad, o bakal. Nang dumating ang mga
Espanyol, nagsimulang gamitin ng mga Filipino ang papel, pluma at tinta.
Walang batayan ang palagay ni Versoza dahil walang ebidensiyang nagkaroon ng baybayin
kailanman sa naturang bahagi ng Filipinas at tiyak na walang kaugnayan ang baybayin sa
wikang Arabo. Bukod dito, walang alpabetong katutubo sa Timog-Silangang Asya ang
sumunod sa pagkakahanay ng mga titik sa alpabetong Arabo. At bukod din sa kaugnayan ni
Versoza sa salitang alibata, ang kawalan nito sa lahat ng lumang sulating pangkasaysayan
ay nagpatunay na ito ay isang bagong imbento lamang. Hindi ginagamit ng kasalukuyang
may-akda ang naturang salita sa pagtukoy sa anumang lumang sulat ng Filipinas.
Ang bawat katinig ay katumbas ng isang pantig na binigkas nang may patinig na a. Kung
lalagyan ng isang tuldok, maliit na guhit o iba pang tanda ang isang titik, mapapalitan ang
taglay na patinig a. Ang tawag sa maliliit na tandang ito ay mga kudlít, o diacritics sa
wikang Ingles. Isang kudlit ang inilagay sa itaas ng mga titik na katinig upang ipahiwatig
ang tunog ng mga patinig na i o e. Kapag ito'y nasa ibaba naman ng titik ang taglay na
patinig ay naging u o o.
Ang tatlong titik na patinig ay ginamit sa simula lamang ng mga salita o pantig. Tatlo
lamang ang mga patinig dahil hindi binigyang pansin ng mga sinaunang Filipino ang
kaibahan ng bigkas sa i at e, at sa u at o sa karamihan ng kanilang mga wika bago nila
hiniram ang mga salitang Kastila. Hanggang ngayon, mapagpapalit ang mga patinig na ito
sa mga salita tulad ng lalaki/lalake, babae/kababaihan, uod/ood, puno/punung-
kahoy, at oyaye/oyayi/uyayi (duyan o panghehele).
Sa ating modernong alpabeto, ang bawat titik ay isang payak na tunog o phoneme na
maaaring isang patinig (vowel) o isang katinig (consonant). Pinagsasama natin ang mga ito
upang mabuo ang mga pantig (syllables). Ang mga pantig na ito ay pinagsasama upang
mabuo ang mga salita. Subalit sa mga tinatawag na papantig na paraan ng pagsulat, tulad
ng baybayin, ang bawat titik ay katumbas ng isang buong pantig. Ang pantig ay maaaring
isang kumbinasyon ng ilang tunog o di kaya'y isang patinig lamang, ngunit karaniwang hindi
maaaring maging isang katinig lamang. Ang bilang ng mga titik na baybayin sa anumang
salita ay laging katumbas ng bilang ng mga pantig dito.
Ang mga Titik ng Baybayin
Ito ang lahat ng titik sa "alpabetong" baybayin. Maaaring may iba't ibang anyo ang bawat
titik ayon sa pagsulat ng bawat tao. (Tingnan ang Baybayin Styles.) Ang halimbawang ito ay aking
sariling pagsasama ng iba't ibang lumang istilo. Ang mga titik ay nakahanay ayon sa dating
abakada. (Tingnan ang sinaunang hanay ng mga titik sa unang sanaysay.)
Ang bawat titik na katinig (consonant letter) ay isang pantig na may kasamang patinig na a.
Halimbawa, ang titik na ay hindi isang b lamang kundi ang pantig na ba. Kung isusulat
ang salitang basa, dalawang titik lamang ang kailangan:
Ang Kudlit
Ano kaya ang dapat nating gawin kung may isusulat tayo na may ibang patinig bukod sa a?
Sa ibang mga palapantigan o syllabary, tulad ng Katakana o Hiragana ng Hapon, kailangang
matuto ng marami pang ibang titik para sa lahat ng kumbinasyon ng mga katinig at patinig.
Subalit ang baybayin ay hindi isang palapantigan lamang. Ang baybayin ay may mga
katangian ng isang palapantigan at ng isang alpabeto rin. Ang tawag sa ganitong paraan ng
pagsulat ay isang abugida. Gagamitin pa rin natin ang mga titik na katinig na nakahanay
sa itaas at lalagyan natin ang mga ito ng isang pananda, na tinatawag na kudlit, upang
mapalitan ang tunog ng nilalamang patinig na a.
Ang kahulugan ng kudlit ay gurlis o galos at ito nga ang anyo ng kudlit noong unang
panahon, noong inuukit pa ang baybayin sa kawayan. Ngayon, sumusulat na tayo sa
pamamagitan ng bolpen at papel o computer kaya may iba't ibang hugis ang panandang
kudlit. Karaniwang tuldok ito o maikling guhit, o minsan naman, ay may hugis ng
letrang v o hugis ng ulo ng palaso >. Ang hugis ng kudlit ay walang kaugnayan sa
pagbigkas ng isang titik; ang pagbigkas ay batay sa kinalalagyan ng kudlit.
Bagama't ang mga kudlit ay karaniwang ginagamit upang maipakita ang tunog ng mga
patinig (vowels), mayroon din namang tatlong bukod-tanging titik na patinig:
Madaling makita na kung may pantig na walang katinig, wala itong titik na malalagyan ng
isang kudlit. Kaya, ang dapat gamitin ay isang titik na patinig. Ang mga titik na ito ay hindi
nilalagyan ng anumang kudlit. Halimbawa:
Tatlo lamang ang mga patinig dahil hindi binigyang pansin ang kaibahan ng bigkas
sa I at E, at sa U at O sa maraming wika ng mga sinaunang Filipino bago nila hiniram ang
mga salitang Kastila. Hanggang ngayon, mapagpapalit ang mga patinig na ito sa mga salita
tulad ng lalaki/lalake, babae/kababaihan, uod/ood, puno/punung-kahoy,
at oyaye/oyayi/uyayi (duyan o panghehele). Ang baybayin ay katulad ng alphabet na Ingles
na may limang titik na patinig ngunit may iba't ibang bigkas ang bawat isa. (Tingnan ang unang
sanaysay para sa karagdagang kaalaman tungkol dito.)
Inimbento ng isang prayleng Kastila na si Francisco Lopez ang isang bagong uri ng kudlit
noong taong 1620 upang malutas ang suliranin sa pagsulat ng mga huling katinig. Hugis
krus ang kaniyang kudlit at inilagay niya ito sa ibaba ng mga titik upang bawiin ang tunog
ng patinig. Halimbawa:
Heto ang dalawang anyo ng isang awit. Sa kaliwa, ginamit ang kudlit ni Lopez (+) at
pinaghiwalay ang mga salita upang madaling basahin. Sa kanan naman, makikita ang
paraan ng pagsulat ng mga sinaunang Filipino.