Professional Documents
Culture Documents
Ang baybáyin ang sinaunang alpabeto ng mga Filipino bago pa dumating ang mga Espanyol
at maituro ang alpabetong Romano. Mula ito sa salitâng “baybáy” ng mga Tagalog na
nangangahulugan ng lupaing nása gilid ng dagat at ng “pagbaybáy” na nangangahulugan
ng ispeling. Ang ibig sabihin ng “Baybayin” ay isang coastline sa dagat o alpabeto, galing ito
sa salitang ugat na “baybay” o “to trace.”
Hindi alpabeto ang Baybayin , pero kagaya ng ibang iskrip sa timog-silangang asya, Abugida
ang Baybayin (“Tagalog” n.d.). Ang ibig sabihin nito ay mayroong isang katinig at isang
patinig sa bawat isang titik sa iskrip. Halimbawa, ginawa ang ”ka” ng , hindi lang k o a.
Bawat isang titik ay may A sa patinig, pero pwedeng baguhin ang patinig sa pagdadagdag ng
isang tanda na tinatawag na ”kudlit” (Morrow 2010). Pwedeng idagdag ang kudlit sa itaas o
sa ibaba ng isang titik. Mayroong dalawang patinig sa bawat isang posisyon sa kudlit. Sa
itaas ng titik, inilalagay ang “e o i” ( pwedeng ke o ki), at saka sa baba ng titik nakalagay
ang “o o u” ( pwedeng ko o ku) (Morrow 2010). Mayroon ding patinig na nag-iisa, nilalagay
ang mga ito sa harapan ng salita o pantig. Sinusulat ang Baybayin sa kaliwa hanggang
kanan, at saka sa tuktok hanggang sa ilalim. Walang puwang o bantas ang baybayin, maliban
nalang sa dalawang linya ( || ), kunf saan pwedeng gamitin ang kuwit, tuldok, at paghinto para
ihambing ang dalawang salita na pwedeng kapareho ng ibang mga salita (Morrow 2010).
Ang baybayin ay nása anyong pantigan na may tatlong patinig (a,e-i,o-u) at umaabot sa 14
katinig. Makikita ang mga halimbawa ng baybayin sa Doctrina Cristiana (1593), ang
pinakaunang aklat na nalathala sa Filipinas na isinulat ng mga misyonerong Espanyol.
Minsan ding tinawag na alibáta ni Paul Rodriguez Verzosa ang sinaunang alpabeto dahil sa
kaniyang saliksik na ito ay hango sa alpabetong Arabe na alif ,ba, ta. Tinanggal lámang niya
ang “f” kayâ naging alibata. Gayunman, walang nakitang patunay sa kasaysayan na may
kaugnayan ang baybayin sa alpabetong Arabe. Kahit ang mga wika ng mga bansa sa Timog-
Silangang Asia ay hindi nagpapakita ng katang ian o pagkakaayos ng mga titik na katulad
ng wikang Arabe kayâ simula noon ay hindi na ipinagagamitang salitâng “alibata” upang
tukuyin ang sinaunang alpabeto ng Filipinas.
Taliwas sa akala ng marami, ang lipunang nadatnan ng mga Espanyol noon ay higit na maunlad
kaysa sa ilang kalat na tribong mangmang at manpandigma. Ang nadatnan nila ay isang
kabihasnang buo na at ibang iba sa kanilang lipunan. Isang palatandaan ng anumang
Ang sigwang binanggit sa tula ni Rizal ay humampas sa Filipinas noong ika-16 na dantaon dala
ng imperyalismo ng Espanya at ang kaniyang tinurang alfabeto naman ay isang paraan ng
pagsulat na ang tawag ngayon ay baybayin.
kabihasnan ang kakayahan sa pagsulat at pagbasa. Ayon sa maraming ulat ng mga Espanyol
noon, matagal-tagal na ring marunong sumulat ang mga Tagalog. Malamang na ginamit na nila
ang baybayin nang mahigit sa nakaraang isang daang taon. Noon ay kasisimula pa lamang ng
paglaganap ng baybayin sa kapuluan. Bukod dito, ang pagkakatuklas sa Laguna noong 1987 ng
isang kasulatang inukit sa tanso ay nagpatunay na may ilang tao na sa Filipinas na gumamit ng
isang lalong mahusay na paraan ng pagsulat mula pa noong taong 900 A.D.
May ilan ring ag ebidensya na nagpapatunay na ginagamit ang iskriptong ito sa pagsusulat sa
Pilipinas. Ang pinakalumang ebidensya ng pagsusulat sa Pilipinas ay isang inskripsyon na
hinanap sa isang yungib sa probinsyang Laguna sa Pilipinas (Morrow 2006). Pinetsa ang
Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laaguna noong 900 CE (Morrow 2006). Ang mga ito ay
nagmula pa sa iskriptong Kavi at lumang wika noon ng Malay Napakainteresante nito dahil
ipinapakita nito na ang mga sinaunang Pilipino ay hindi talaga isolated. Importante rin ito dahil
ipinapakita nito ang posibilidad ng linggwistika sa pagitan ng mga katutubong Pilipino at iba
pang mga indibidwal mula sa Timog-silangang Asya.
Nagsusulat ang mga katutubong Pilipino at nag-uukit ng mga titik sa kawayan gamit ang isang
kutsilyo o iba pang matalim na bagay (Morrow 2010). Hindi sial gumagamit ng pluma o tinta
hanggang dumating ang mga kastila, kung saan dahan-dahang nawala ang mga sinaunang
panunulat ng mga Pilipino dahil nahirapan silang panatilihin simula ng masakop sila ng mga
Kastila. Bukod doon, nabubulok rin ang mga organik na materyal tulad ng kawayan.
Kaylangan natin pag aralan ang baybayin dahil sa history ng wika natin at para matutunan natin ang
ibang wika