You are on page 1of 12

Panahong Pre-kolonyal – panahon bago dumating ang mga mananakop

Ang panahong ito ay maaari rin tawagin bilang:


⚫️ Panahon Bago ang Pananakop
⚫️ Panahon ng mga Katutubo

Bago pa man dumating ang mga Espanyol dito sa Pilipinas (Panahong Pre-Kolonyal),
may sarili nang kalinangan ang Pilipinas. Mayroon nang sariling pamahalaan (sa kanyang
barangay), sariling batas, pananampalataya, sining, panitikan at wika.

Ang bagay na ito ay pinatutunayan ng mga mananalaysay na Kastilang nakarating sa


ating kapuluan. Isa na sa nagpatunay sa kalinangan ng Pilipinas ay si Padre Perdro
Chirino sa kanyang Relacion de las Islas Filipinas (1604). Sinabi niyang may sariling
wika sa Pilipinas at ang mga naninirahan dito ay may sariling sistema ng pagsulat.

Ilan sa mga katutubong paraan ng pagsulat noong unang panahon bago dumating ang
mga mananakop:
1. Baybayin (Alibata)
2. Kulitan
3. Buhid
4. Old Kawi / Jawi Script
Tagbanwa
Badlit
Kirim
Kurdita
Haninu’o
Basahan

Baybayin
- Ang baybáyin ang isa at pinakasikat na sinaunang alpabeto ng mga TAGALOG
bago pa dumating ang mga Espanyol at maituro ang alpabetong Romano.
- Mula ito sa salitâng “baybáy” ng mga Tagalog na nangangahulugan ng lupaing
nása gilid ng dagat, “pagbaybáy” na nangangahulugan ng ispeling, o “to spell”
- Ang baybayin ay nása anyong pantigan na may labimpitong (17) titik: tatlong (3)
patinig (a-e-i-o-u) at umaabot sa labing-apat (14) na katinig.
- Makikita ang mga halimbawa ng baybayin sa Doctrina Cristiana (1593), ang
pinakaunang aklat na nalathala sa Filipinas na isinulat ng mga misyonerong
Espanyol.
- Sinasabing lahat ng mga katutubo Tagalog ay marunong magbasá at magsulat ng
baybayin.
- Balát ng punongkahoy at kawayan ang karaniwang gamit na sulatan ng mga
sinaunang Tagalog at iniuukit dito ang mga titik sa pamamagitan ng matulis na
bagay.
- Isang ebidensiya ng baybayin ang iniukit na sulat sa isang matandang palayok na
natagpuan ng mga arkeologo sa Calatagan, Batangas. Sa ngayon, ginagamit pa ng
mga Mangyan sa Mindoro at ng mga Tagbanwa sa Palawan ang baybayin.
Ginagamit nila ito sa pagsulat ng maiikling tula, awit, at paggawa ng liham pag-
ibig.

Paano nga ba isulat ang baybayin?


*insert video*

Alibata
- Isang likhang salita ni Paul Rodriquez Verzosa (naging punong guro sa Unibersidad ng
Maynila noong 1900, at naging Pangulo ng Linguistic Society of the Philippines noong
1913)
-Noong siya ay nasa Amerika, nakita niya ang baybayin sa isang libro at akala niya na ito
ay may kaugnayan sa Arabic script na kanyang nakita, kaya binansagan niya ang
baybayin ng salitang “alef ba ta” (ang tatlong unang titik sa Arabic script) at tinanggal
niya ang letrang “f” kaya naging, “ale ba ta”/ “ali ba ta”
- Gayunman, walang nakitang patunay sa kasaysayan na may kaugnayan ang baybayin sa
alpabetong Arabe. Kahit ang mga wika ng mga bansa sa Timog-Silangang Asia ay hindi
nagpapakita ng katangian o pagkakaayos ng mga titik na katulad ng wikang Arabe kayâ
simula noon ay hindi na ipinagagamit ang salitâng “alibata” upang tukuyin ang sinaunang
alpabeto ng Filipinas.

Kulitan
- isang sistema ng pagsulat na ginamit para sa pagsulat ng wikang Kapampangan.
- Ang Kapampangan ay ginagamit sa mga probinsya ng Pampanga, Tarlac, Bataan, at
Nueva Ecija sa Pilipinas.
- “Kulit” ang tawag sa bawat titik ng script na ito
- “Kulitan” ang tawag kapag pinagsama-sama ang mga titik
- “Pamagkulit” ang tawag sa pag-aaral ng kulitan
- Ito ay may:
labing-apat (14) na titik o karakter,
tatlong (3) patinig - A, E/I, O/U
at labing-isang katinig – ma, sa, nga, ga, la, na, ta, ka, ba, pa, da/ra
- Ang paraan ng pagsulat nito ay mula sa itaas hanggang paibaba, at mula kaliwa
patungong kanan. Ito ay batay sa kwentong bayan tungkol sa paglitaw at paglubog ng
araw.
-Ayon kay Robi Tantingco, direktor ng Center for Kapampangan Studies sa Holy Angel
University, wala pang nakapagtatala kung kailan eksaktong nagsimulang gamitin ang
kulitan, ngunit sa mga Kastila na rin mismo nanggaling na bago pa sila dumating dito, ay
mayroon nang wika o sistema ng pagsulat ang mga Pilipino.
*2:03 ng video hanggang 2:20*

Buhid
- ay isang maramihang Brahmic script ng pilipinas, kahalintulad ng Baybayin
- ito ay kasalukuyang ginagamit ng mga Mangyan para isulat ang kanilang wika,
ang Buhid.

Old Kawi / Jawi


- ay isang katutubo at tradisyon ng Indonesian scripts, tulad ng Javanese at
Balinese, ito rin ay tradisyonal na Philippine scripts tulad ng Luzon Kavi “the
ancient scripts of Laguna Copperplate Inscriptions 900A.D”

(dagdag kaalaman) Laguna Copperplate Inscriptions 900 A.D.


- pinakamatandang sulatan na natagpuan sa Pilipinas ayon sa mga
historyador
- to ay sinulat gamit ang tinatawag “Old Kawi” script, na siya rin
gamit noong unang panahon sa pulo ng Java na ngayon ay bahagi
na ng bansang Indonesia.

Tagbanwa
- ang salitang Tagbanua na maaari ring baybaying “Tagbanwa” o“Tagbanuwa”
- nagmula sa salitang “taga” at “banua” na ang ibigsabihin ay “taga-lalawigan o
taga-kabukiran ", samakatuwid, ito ay nangangahulugang mga taong taga-
lalawigan na kabaliktaran ng mga taong taga-dalampasigan o dagat
- ito ay mula sa Hilagang bahagi ng Palawan

Badlit (badlit script / Suwat Bisaya / Sulat Bisaya)


- isang sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Bisaya,
- miyembro ito ng pamilyang Brahmic at malapit na nauugnay sa iba pang
sistema ng pagsulat sa Timog Silangang Asya
- isang sistema ng pagsulat ng alpha-syllabary tulad ng karamihan sa sistema ng
pagsulat na ginamit sa Timog Silangang Asya.
- nasusulat ito mula kaliwa hanggang kanan at hindi nangangailangan ng mga
puwang sa pagitan ng mga salita, ang puwang ay ginagamit lamang pagkatapos
ng pagtatapos ng isang pangungusap o bantas, bagaman sa modernong pagsulat
ay karaniwang naglalaman ng mga puwang pagkatapos ng bawat salita upang
mapahusay ang kakayahang mabasa.
Kirim
- sistema ng pagsulat para sa mga Maranao
- matatagpuan sa Maguindanao
- tinatawag na Batang Arab (Arabic titik)
- ang nakasulat na tekstong pampanitikan ng Maranao ay kilala bilang ipadala
Kurdita
- isang sistema ng pagsulat na ginagamit para sa pagsulat ng wikang Ilocano

Haninu’o
- sistema ng pagsulat na ginamit para sa pagsulat ng wika ng mga Mangyan

Basahan
- isang sistema ng pagsulat na ginamit para sa pagsulat ng wikang Bicolano

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Ito ay binubuo ng mga simbolo,


tunog at mga bantas upang maipahayag ng isang tao ang kanyang kaisipan. Madalas
itong gamitin ng mga tao sa araw-araw sa pamamagitan ng kanilang sangkap sa
pagsasalita. Kahit ang mga bulag, pipit, bingi ay pwedeng magkaintindihan sa
pamamagitan ng wika - pasenyas para sa mga pipit-bingi, braille naman para sa mga
bulag.

Ang panitikan naman ay mga akdang produkto ng isang wika. Ito ay pwedeng naka-
ugnay sa buhay ng isang tao, at pwede rin itong patula. Subalit upang ito’y lubhang
nakaaakit sa interes ng marami, kailangan itong mahusay na isulat na may anyo, pananaw
at diwa ng may-akda.

Kaya kahit na magkaiba ang wika sa panitikan, ito ay magka-ugnay. Ang isang
mahusay na panitikan ay produkto ng mahusay na paggamit sa wikang
nakasanayan.

Panitikan ng iba’t ibang lalawigan


• Ang prekolonyal na panitikan ay isang gawaing pangkomunidad,
isang pagtitipon-tipon ng pamayanan, at isang pinagsasaluhang ritwal.

LUZON
• Ang ambáhan ay isang katutubong anyo ng pagtula ng mga Hanunoo
Mangyan at may sukat na pipituhin ang bawat taludtod.
• May tugma ang bawat dalawang magkasunod na taludtod, bagaman
walang tiyak na bilang ng taludtod ang bawat magkakatugmang
mga taludtod.
• Wala ding tiyak na bilang ng mga taludtod.
• May ambáhang tatlo lamang ang taludtod ngunit mayroon may
ambáhang umaabot sa 20 taludtod.
• Binibigkas/inaawit ang tula para sa isang okasyon.

1. Daglî
• Malimit na magpatawa ang mga ito, ngunit may nagpapahayag ng
matapang na pamumunáng pampolitka.
• Marami din ang itinuturing na pasingáw sa Tagalog dahil
nagpapahayag lamang ito ng pagsinta.
• Katumbas ito ng tinatawag na rápidá, instantanéa, o rafága sa
Espanyol.
• Ang unang natlathalang makabuluhang ay ang "Maming" sa wikang
Sebwano ni Vincente Sotto na nalathala sa Ang Suga noong 16 Hulyo 1901.
• Nagtatagalay ito ng makirot na gunita sa pag abuso ng mga fraile
noong panahon ng Espansyol.
• Dahil marami at mas malimit ilathala ang diyaryo sa Maynila ay
higit na maraming daglîng nalathala sa Tagalog at sa Espanyol.
• Dahil dito nag sanay mag sulat ng maikling kwento si Degracias A.
Rosario, itinuturing na "Ama ng Maikling Kwentong Tagalog".

2. Dalít (Katagalugan)
• Sang-ayon kay Fray Gaspar de San Agustin (1703) ang dalít ang isa
sa dalawang pinakapopular na anyo ng matulaing pahayag sa buong Katagalugan.
• Ang talingdáw sa isang tulang dramatiko at inaawit nang sagutan.
• Sa pamamagitan ng mga halimbawa ni San Agustin at ibang
dokumento ay lumitaw na may isang tiyak na anyo ang dalít.
• Isang tula ito na maaaring mabuo sa isang saknong, gaya ng tanága
at diyóna, at binubuo ng apat na taludtod na may sukat na wawaluhin ang bawat taludtod.

3. Dállot (Ilokano)
• Bahagi ng tradisyong oral ng mga Ilokano ang dállot, isang uri ng
paawit na sagutan.
• Isinasagawa ang dallot upang magkaroon ng mas masaya at
nakalilibang na sandal ang mga nag sisitipon.
• Karaniwang paksa ng dallot ang pag-ibig ng dalawang tao,
karanasan ng taong hindi nasuklian ang pag-ibig na ibinibigay sa kaniyang kasintahan o
kaya’y pag-ibig na hinding-hindi maabot.
• Isa sa mga naidokumento at napanatiling buhay na dallot ang Dallot
ti Pangasasawa (dallot ng pag-aasawa).
• May apat itong bahagi: Pauli (panliligaw), panangdarakdek ken
panang-galot (pamamanhikan), pammagbaga (paggabay).

4. Kumintáng ( Tagalog Region, Batangas)))


• Ang kumintáng ay sinasabing isang sinaunang awit at sayaw
pandigma ng mga Tagalog.
• Pagdating ng siglo 19, inilarawan na ito ng mga manlalakbay bilang
sayaw at awit ng pag-ibig.
• Sinasabing isa itong sayawing pantomina na nagtatampok ng pag
papapansin ng lalaki sa babae at pagpapanggap niyang may sakit upang makuha ang
atensyion ng babae.
• Sa siglo 20, tinawag ng Pambansang Alagad ng Sining Fracisca
Reyes-Aquino ba kumintang ang pagpapaikot ng kamay at galang-galangan.
• Tumutukoy rin ang kumintang ang isang estilo ng pagtugtog ng
gitara na sumasaliw sa pagdagguhan at kundiman.

5. Salidúmmay (Kalinga)
• Ang salidúmmay, maari ding salidomay o salidumay ng mga
Kalinga ay awiting-bayan nagpapahiwatig ng masayang pagbati sa panauhing dumalo sa
anumang okasyon.
• Maaari rin itong awitin bilang pamamaalam ng kalalakihan sa mga
dalaga matapos ang pagdiriwang o awitin para sa pakikipagsundo.

6.Tagulayláy (Katagalugan)
• Ang tagulayláy ay isang matandang awit ng kalungkutan sa
Katagalugan, karaniwang inaati nang isahan at walang saliw.
• Maaari rin itong tumukoy sa isang uri o estilo ng pag-awit na:
a. May monotonong himig na nagpapahayag ng dalamhati sa isang namatay
b. Awit ng pag-ibig na may matamis ngunit malungkot na himig.
c. Saéta o iyong himig na ginagamit sa pabasa
d. Pakatal na bokalisasyon sa pag-awit
• Taglay ang musika at diwa nito ng naging popluar na kundiman
nitong ika-19 siglo

7. Talingdáw (Tagalog)
• Si Fray Gaspar de San Agustin (1703) ang unang gumawa ng
pagsusuri sa pagtulang katutubo ng Filipinas.
• Bahagi ng ulat niya ang tanglidáw bilang isa sa dalawang
pinakapopular na anyo ng tulang Tagalog. Ang dalît ang ikalawa.
• Sabi ni San Agustin ang tanglidáw ay "dramatiko", dahil inaawit ng
isa ang saknong at sinasagot naman ng isa pa sa pamamagitan ng isang estrebilyo.
• Ang estrebilyo na binanggit ni San Agustin ay isang katawagang
Espanyol para sa inuulit-ulit na saknong o taludtod sa loob ng isang tula.
• Inuulit ni Fray Joaquin de Coria (1872) ang pagsusuri ni San Agustin
sa panulaang katutubo.
• Naidagdag ni Joaquin de Coria na sa pamamagitan ng isang awit
pansimbahan noong ika-19 siglo ay naipaliwanag niya ang estuktura ng tanglidaw na
binubuo ng isang pangunahing estrebilyo na tinatawag diumanong pabinìan— ang
katutubong katawagan natib para sa refrain.
• Sa ngayon, ang tanglidaw ay isang anyo ng tula o awit na kahawig
ng baladang Kanluranin ang estruktura na kung saan ay may pangunahing bahagi para sa
nag-iisang mambibigkas/mang-aawit at may sumasagot.

VISAYAS

⚫️⚫️AMBAHAN (1668)- isang katutubong anyo ng pagtula ng mga Hanunoo Mangyan

⚫️sukat - pipituhin ang bawat taludtod.

⚫️tugma - regular ding may tugma ang bawat dalawang magkasunod na taludtod

⚫️taludtod - walang tiyak na bilang ng taludtod ang bawat magkakatugmang mga taludtod

⚫️gamit - Binibigkas/inaawit ang tula para sa isang okasyon. Hanggang pangingibig,


pagtatrabaho, at paglalarawan ng kanilang daigdig.

⚫️deskripsyon - Hitik ito sa talinghaga

⚫️pumapaungkol sa -Tula ito hinggil sa edukasyon ng kabataan. Inihambing sa tabak ang


mga karanasang kailangang matutuhan at pagdaanan ng kabataan upang higit na maging
kapaki-pakinabang sa lipunan.

HALIMBAWA NG AMBAHAN :
Tigday na nawa naw-an
Tigdayan sa daramgan
Bag-o tigday sa kaywan
Siyan nga panmanlangan
Sa kiling sa kawayan.
Ang tabak kung bago pa
Ikiskis sa hasaan
Itaga sa kakahuyan
At sakâ ito subukan
Sa pagkayas ng kawayan.

⚫️⚫️Nabanggit ni FRAY IGNACIO FRANCICO ALCINA (1668) bilang isa sa mga


sinaunang anyo ng pagtula ng mga BISAYA.

Naging popular ngayon ang AMBAHAN dahil kay ANTOON POSTMA at sa manyang
saliksik sa buhay at kultura ng HANUNOO MANGYAN SA MINDORO.

ANTOON POSTMA - naglabas ng isang aklat na koleksiyon ng mga tulang MANGYAN


(muling nailathala 1981)

⚫️⚫️BALAK(CEBU, LEYTE, BOHOL, SAMAR)


- salitâng Sebwano at tumutukoy sa anyong tula. Maiuugnay rin ito sa mismong
kahulugan ng pagtula na isang plano o pagbabalak tungo sa paghahabi ng mga konsepto
at idea

⚫️buod : tanghaga na katumbas ng talinghaga sa mga Tagalog


Nakapalaman sa matatandang balak ang pinagsasaluhang mga karanasan at kahulugan ng
mga Sebwano

Sa bahagi ng Leyte, Samar, at Bohol, ang balak ay isang tradisyonal na pagtatalong


patula

⚫️CARLOS P. GARCIA -batikang mambabalak bago naging politiko, parte ng kanyang


popularidad ang kanyang pagiging makata
⚫️⚫️BALITAW(CEBU) - tradisyong Sebwano
- kombinasyon ng awit, sayaw, at debate ng lalaki at babae. Isang tagisan ito ng husay sa
musika at katwiran sa pamamagitan ng debate ukol sa pagibig
- nagmula pa sa sinaunang tradisyon ang balitaw, bago pa man dumating ang Espanyol sa
kapuluan
- ginaganap tuwing may kasayahan at iba pang mga pagdiriwang
- uri ng estruktura ng likhang musika ng Tagalog

☠️pagsulat : tunugang mayor at menor


menor - ritmong bolero
mayor estruktura ng mga español

☠️deskripsyon - karaniwang sinasaliwan ito ng gitara o arpa. Lalaki ang tumutugtog ng


gitara hábang idinaraos ito.

☠️mga kantang may tiyempo ng balitaw :


⚫️Arimunding-munding” nina C. Reyes at J. Benasa, at ang “Bakya Mo Neneng” nina
Levi Celerio at S. Suarez

⚫️“Dalagang Filipina” nina J. Santos at Jose Corazon de Jesus ⚫️“Larawan” ni Francisco


Buencamino ay nása pormang balitaw

⚫️sayaw - pagaalay ng lalaki ng bulaklak sa napupusuang babae

⚫️⚫️HURUBATON (HILIGAYNON)

- katutubong panitikan ng mga Hiligaynon

- binubuo ng dalawang linya at magkakatugma ang mga dulong tunog ng mga ito
- nagpapahiwatig ng aral o saysay ng salaysay

- inaawit o binibigkas ang mga hurubaton upang ipaalala ang mga kaugalian at
hálagáhang kailangang panatilihin o pangalagaan ng taumbayan

MINDANAO
⚫️⚫️BALELENG (SAMAL, SULU)

-awitin ng pag-ibig mula sa Samal, Sulu

-Mula ito sa salitâng “leleng” na nangangahulugang “sinta.”

⚫️katangian : awiting mabagal at malungkot tungkol sa isang lalaking namamaalam sa


kaniyang iniibig dahil aalis siyá ng Sitangcay papuntang Sibutu hábang nangangakong
magbabalik muli

⚫️MAX SURBAN - Nagkaroon ng sariling bersiyon ng kanta noong dekada 70

⚫️⚫️DAMAN(TAUSUG)
- isang payo o talumpating patula ng mga Tausug na karaniwang ginagamit sa panliligaw
at bilang bahagi ng ritwal ng kasal

- Habang tumutula ay maaaring lumabas ang dalaga upang makipaglitan sa kaniya ng


matatamis na salita

- naipapahayag ng manliligaw ang kaniyang damdamin sa isang magálang at


matalinghagang paraan

⚫️nilalaman : salawikain o masaalla


⚫️⚫️DARANGËN (MERANAW/MARANAO)
-salitâng Mëranaw at pangkalahatang tawag sa kanilang pag-awit.

⚫️Frank Laubach - Ang gurong nakapagtalâ at nakapaglathala ng Darangën noong 1930

-Nakuha niya ang epikong-bayan hábang nakasakay sa barko kasáma ang may 35
Mëranaw

-Hábang nagbibiyahe, kinanta ng mga kasáma niya ang Darangën maghapon. Nang
dumaong ang sinasakyang barko, naghanap si Fr. Laubach ng mga táong may
kakayahang kantahin ito

⚫️Bantugën -pangunahing tauhan ng Darangën


- Hinahangaan siyá sa tapang at lakas

- hinarap niyang mag-isa ang isang hukbong lumulusob sa kaharian hábang nakasakay sa
kaniyang mahiwagang kalasag

⚫️⚫️GINDAYA(BAGOBO, TIMOG MINDANAO)


- isang tulang inaawit sa ginem/gin-em/ginum, ang pinakadakila sa mga seremonya ng
mga Bagobo. Ang mga Bagobo ay isang pangkat-etniko sa timog Mindanao, at
naninirahan sa baybayin ng Golpo ng Davao hanggang sa Bundok Apo

- Idinadaos ang ginem tatlo o apat na buwan matapos lumantad ang konstelasyon ng
pitóng bituin

☠️ginem - seremonyal na pag-inom ng alak mula sa tubó na Sumasagisag ito sa pag-inom


ng mga bathala ng inaalay na dugo ng mga

Bagobo

⚫️⚫️aklat na A Study of Bagobo Ceremonial, Magic and Myth ni L.W. Benedict


-ang gindaya ay inaawit lámang ng mga lalaki, samantalang ang kababaihan naman ang
umaawit ng ibang uri ng imno o berso

⚫️gindaya - salitang inaawit ng dalwang koro

⚫️pag-aaral ni Pieter Jan Raats (A Structural Study of Bagobo Myths and Rites) - inaawit
din ang gindaya sa labas ng ginem, tuwing pumapaslang ng tao ang mga Bagobo

⚫️⚫️GUMAN (SUBAN-ON NG BULUBUNDUKIN NG ZAMBOANGA)


- tawag ng mga Suban-on ng bulubundukin ng Zamboanga sa kanilang epikong-bayan

- pamagat ng epikong-bayan na naitalâ ni Esterlinda Mendoza-Malagar noong 1971 at


inawit ni Pilar Talpis

⚫️Gúman ng Dumalinao - Nagsimula sa pagpapakilala ng naghaharing pamilya sa


Bundok Dliyagn, sina Datu Pombnwa, ang kaniyang asawang si Baysalaga, sina
Sampliakn at Tinayobo na bahagi rin ng kanilang kabahayan

⚫️⚫️HUMAN-HUMAN(MANSAKA)

-isinasalaysay ang mga human-human kapag may pagdiriwang at pagtitipon ng


taumbayan, gaya ng kasal, lamay sa patay, at panahon ng anihan at pagsasalo-salo ng
pagkain
☠️linda - uri ng estilo upang mas madaling matandaan ng mga nagbahahagi ng human-
human.

⚫️kimod - popular na human-human ng Mansak tungkol sa isang binatang lalaking may


kakayahan na gawin ang anumang iutos sa kaniya ng iniibig na babae

You might also like