You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
Malitam Elementary School
Malitam, Batangas City

GRADES 1 TO Paaralan Malitam Elementary School Baitang/Antas 4


12 Guro John Carlo G. Dinglasan Asignatura Araling
DAILY Panlipunan
LESSON PLAN
Petsa/Oras March 22, 2023, 3:10-3:50 PM Markahan Ikatlo

Week 5 - Day 4

I. Layunin
A.Pamantayang Pangnilalaman ( Content Standards)
Ang mag-aaral ay… naipamamalas ang pang-unawa sa bahaging ginagampanan ng pamahalaan
sa lipunan, mga pinuno at iba pang naglilingkod sa pagkakaisa, kaayusan at kaunlaran ng bansa
B.Pamantayan sa Pagganap (Performance Standards)
Ang mag-aaral ay… nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok at pakikiisa sa mga proyekto at
gawain ng pamahalaan at mga pinuno nito tungo sa kabutihan ng lahat (common good)
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Learning Competencies)
Nasusuri ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa pangkalusugan, pang-
edukasyon, pangkapayapaan, pang-ekonomiya, pang-impraistruktura.
D.MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO:Pagtatapos ng 30 minutong aralin, ang mga mag-aaral
ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang mga programang pang-ekonomiya ng pamahalaan
tulad ng pagpapaunlad ng agrikultura, kagubatan, yamang tubig at yamang
mineral ng bansa.
2. Natatalakay ang ibat-ibang paraan para mapalago ang ekonomiya ngating
bansa.
3. Napapahalagahan ang ekonomiya ng ating bansa.
II. NILALAMAN
A.ARALIN: Programang Pang-agrikultura ng bansa
B.SANGGUNIAN: ADM module in AP 4, Learner’s Material.
C.KAGAMITAN: PowerPoint presentation, Laptop, TV
D.PAGPAPAHALAGA: Napapahalagahan ang programang pang-ekonomiya
ng ating bansa.
III. PAMAMARAAN:
1. PANIMULANG GAWAIN:
A.BALIK-ARAL:

Panuto: Iguhit sa patlang ang ☺ kung ang pangungusap ay nagsasabi ng tamang


programang pang ekonomiya ng pamahalaan. Iguhit ang malungkot na mukha kung hindi.
____ 1. Tangkilikin ang sariling produkto bilang suporta at inspirasyon sa mangangalakal na
mga Pilipino.
____ 2. Ang pagpupuslit ng mga kalakal o produkto papasok at papalabas ng bansa o
smuggling ay hindi nakatutulong sa ekonomiya ng bansa.
____3. Ang mga programang inilunsad ng pamahalaan ay nakatutulong sa pagbibigay
siguridad at maaakit ang mamumuhunan. 1
____ 4. Walong oras lamang ang trabaho ng mangagawa bawat araw at walang bayad ang
itinakdang holiday.
____ 5. Ang kalidad ng isang produkto ay nagpapakita ng kahusayan sa paggawa.

B. PAGGANYAK:
Ipakita ang mga larawan.

Ano ang makikita ninyo sa larawan?


Ano ang kanilang ginagawa? Alam nyo ba ito?
Makatutulong ba ang kanilang ginagawa?
Ngayong araw mga bata, pag-aaralan natin ang ibat ibang paraan ng pagpapa-unlad
ng agrikultura.
2.PANLINANG NA GAWAIN

A. PAGLALAHAD: Halika’t talakayin at linangin natin ang paksang ito.


Pagpapaunlad ng Agrikultura Upang umunlad ang sector na ito, binibigyan ng
pamahalaan ng suporta ang mga magsasaka gaya ng pagtuturo at pagsasanay sa kanila
hinggil sa makabagong mga paraan sa pagsaaka. - Ang paggamit sa pananim ng organic
fertilizer at mga pesticide na walang halong kemikal. Ito’y upang mapanatiling mataba ang
lupa para sa susunod na pagtatanim. Layunin ng pamahalaan na mapalaki ang ani ng mga
sakahan nang sa gayon mapalaki din ang kita ng mga magsasaka.
RCEF- Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) naglalayong mapataas ang
antas ng kasanayan sa pagsasaka at pamumuhay ng ating magsasaka. Kasama rin dito ang
SEED programa nakakabenepisyo nito ang magsasaka ng palay. Urban Agriculture- isang
programang naglalayong matugunan ang siguridad ng pagkain sa bansa sa pamamagitan
ng pamamahagi ng buto at binhi upang may mapagkunan ng sapat, masustansiya at
masaganang pagkain.
KADIWA NI ANI AT KITA - Inilapit sa mga mamimili ang mga produkto ng mga
magsasaka. Dalawang proyekto ang napaloob sa programa ang KADIWA NI ANI AT KITA
Outlet nan aka-base sa mga opesina ng Kagawaran ng Agrikultura at ang On-wheels na
pumupunta sa iba’t-ibang mga lugar dala ang mga produktong gulay, isda, karne, prutas,
atbp.Sa pamamagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ay
personal na pinupuntahan ang mga magsasaka upang hakutin ang kanilang mga
produkto.Kabilang sa mga proyekto.
Financial Subsidy for Rice Farmers- isang social amelioration program na
nagkakahalaga ng P5,000 para sa mga magsasakang may isang ektarya pababa at
2
nakalista sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture.
B.PAGTALAKAY:
Ipabasa sa mga bata ang sumusunod.
Batas Republika Blg. 6657 o ang Comprehensive Agrarian Reform (CARP) Layunin
ng program na mabigyan ang magsaaka ng sarili nilang lupain sasakahin at sisinupin.
Nakatuon ito sa progresibong pamamalakad sa lupa sa pamamagitan ng pamamahagi ng
lupa at pagbibigay tulong-paglilingkod sa mga benepisyaryo upang mapabilis ang antas ng
kaunlaran sa pook rural.
Pagpapaunlad sa Kagubatan
Dalawa ang mahalagang tugon ang binubuo ng pamahalaan para sa
panganagalaga ng kagubatan. Reforestation o muling pagtatanim sa mga lugar na pinutulan
ng mga puno. Itinayo ng pamahalaan ang Pambansang Punlaan upang mataniman ang
mga bahagi ng nakalbong kagubatan.
Presidential Decree 705 o Selective Logging ang pagpili lamang sa kung anong puno
ang aaaring putulin at kung ano ang dapat iwanan.
Ilan sa mga programa ng Department of Environment and Natural Resources ay
Bantay-Gubat, Piso para sa Pasig, Save La Mesa Dam, No to Palawan Mining,
BantayKalikasan, Luntiang Kapaligiran. Ang Bantay-Gubat ay binabantayan ang mga
gubatan upang maiwasan ang pagputol ng mga puno. May mga hakbang din ang
kagawaran na mabawasan ang polusyon sa estero,paggawa ng gabay sa buwanang water
quality monitoring, pagbibigay ng technical assistance, information at education para sa
komunidad at ang pag monitor sa mga industriyal at komersyal na mga pagawaan sa paligid
na maaaring nagtatapon ng dumi sa tubig. Katuwang ng DENR ang Pollution Control
Association of the Philippines Inc. (PCAP) upang linisin ang maruming tubig sa Estero de
Marala sa direktang dumadaloy sa Manila Bay.
Ang Enhanced National Greening Program ay programa para sa reforestation sa
ilalim ng Executive Order (EO) 193 na inilabas noong 2015. Layunin nito ang mataniman
ang natitirang 7.1 milyon ektaryang lupa ng bans ana nanatiling “degraded” at
nangangailangan ng rehabilitasyon, simula 2016 hanggang 2028. School in Garden Project
o SIGA program ay ang pagtuturo sa mga kabataan ng magtanim ng medium-sized
flowering tree sa mga bakuran ng paaralan atkomunidad.
Pagpapaunlad ng Yamang Tubig
Nais ng pamahalaan na matugunan ang pangunahing pangangailangan ng tao lalo
sa pangingisda.Isa sa mga programng pinagkaloob ay ang pangangalaga at pagpapalaki ng
mga fingerling at pagpapautang ng puhunan sa negosyo sa pamamagitan ng kooperatiba ng
local na pamahalaan. Bureau of Fisheries ang Aquatic Resources (BFAR) namamahala sa
pagpapaunlad, pangangalagaan at nagsasaliksik ukol sa yamang dagat. Bantay Dagat
3
Program ito ay kampanya laban sa illegal na pangingisda. Nasa ilalim nito ang EcoGrow
Project at Coastal Environmental program ito ay ang paglilinis at pangangalaga sa katubigan
kaugnay na naaapektuhan ng polusyon. Layunin nito ang maayos na sistema ng pagtatapon
ng mga dumi ng pagawaang malapit sa ilog o dagat. Fishery Sector Program naglalayong
mapalitan ang imbak na mga isda sa pamamagitan ng paglalagay ng artificial reefs-
seafarming o pagpaparami ng isda sa mga baybayin.
Pagpapaunlad ng Yamang Mineral
Ang kabundukan ng Pilipinas ay sagana sa iba’t-ibang uri ng mineral. Ngunit ang
paglinang dito ay hindi ganap na naisasagawa dahil sa kakulangan ng kagamitan, puhunan,
at kaalaman sa makabagong teknolohiya. Binigyan ng permiso ang ilang korporasyon pag-
aari ng dayuhan na mamuhunan sa paglinang ng mga mineral sa bansa. Kapalit ng permiso
nito, ay ang tulong teknikal mula sa mga dayuhan magkaroon ng malawakang eksplorasyon
sa mga yamang mineral at pagpapaunlad at paggamit ng ilang kapakinabangan sa bansa
tulad ng langis. Adopt a Tree, Adopt a Mining Forest Movement nagsasagawa ng
reforestation ng mga pinaminahan sa tulong din mismo ng mga kompanya minahan
Pinatutupad ng DENR ang pag-iingat sa pagmimina, quarrying o pagtitibag, pagsunod sa
mga batas pangkapaligiran, at paggamit ng teknolohiya upang maiwasan ang mga sakuna,
pagkasira ng lupa, at polusyon.
C. PAGLALAHAT
Tandaan
• Biniyayaan ang Pilipinas ng mayamang kapaligiran. Dahil dito, tungkulin natin na gamitin
nang matalino at maayos ang mga likas na yaman ng bansa. Dapat pangalagaan at isulong
ng estado ang karapatan ng sambayanan sa kanaisnais na ekolohiya na tugma sa
Kalikasan. Ang kalikasan ay nauubos din. Hindi ito kasangkapan na maaari nating gamitin
ayon sa ating kagustuhan.
D.PAGLALAPAT
GAWAIN 1: Panuto: Piliin sa talaan sa loob ng kahon ang ahensiya o programang
tinutukoy sa sumusunod na pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
_____ Ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga sa kapaligiran at likas na yaman
ng bansa.
________ Isang kawani ng pamahalaan na siyang namamahala nangangalaga at
nagsasaliksik ukol sa isda at mga yamang dagat.
_________Ito’y isang programang naglalayong pababalikin ang dating anyo ng
kagubatan sa pamamagitan ng pagtatanim ng 1.5 bilyong puno ss mga nakalbong
kagubatan.
_________ Isang programang nagsasagawa ng reforestation sa mga nasirang lugar ng
mga minahan.
__________Ito ay programang naghihikayat sa mamamayan na magtanim ng mga gulay
sa bakuran upang magkaroon ng sapat at masustansiyang pagkain sa hapagkainan,
mabawasan ang kahirapan lalo na sa panahon ng pandemya.
A. Adopt a Tree, adopt a Mining Forest Movement
B. Department of Environment and Natural Resources
4
C. Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
D. Enhanced National Greening Program E. Gulayan sa Kabahayan
IV. PAGTATAYA
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang patlang kong sangayon ka sa paliwanag at ekis (×) kung
hindi.
_____1. Ang malawakang eksplorasyon ng mga korporasyon ng mga dayuhan sa yamang
mineral ng bansa ay 100% ang maibigay ng kapakinabangan sa Pilipinas.
____2. Eco Grow Project at Coastal Environmental program ay nakatutulong sa pagaayos
ng polusyon sa ilog at dagat.
____3. May komprehensibong programa ang pamahalaan labans pagtotroso, sunod at
peste sa punongkahoy, kaingin at rehabilitasyon ng mga watershed.
____4. Ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka sa ilalim ng programa ng CARP ay
malaking tulong sa kinabukasa ng kanilang pamilya.
____ 5. Ang Kadiwa ni Ani at kita Outlet ay inilapit sa mga mamimili ang produkto ng mga
magsasaka.
Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80 % sa pagtataya.________________
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation_____________.
C. Iba pang gawain:

You might also like