You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
MALITAM ELEMENTARY SCHOOL
Malitam, Batangas City

Daily Lesson Plan in EPP 4


Quarter 1-Week 3
Date/Time:_________________________
I. LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan
sa pagtatanim ng halamang ornamental bilang isang gawaing pagkakakitaan
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Naisasagawa ang pagtatanim, pag-aani, at pagsasapamilihan ng
halamang ornamental sa masistemang pamamaraan
C. PINAKAMAHALAGANG KASANAYAN SA PAGKATUTO: naipakikita ang wastong pamamaraan sa
pagpapatubo/ pagtatanim ng halamang ornamental  pagpili ng itatanim  paggawa/ paghahanda ng
taniman  paghahanda ng mga itatanim o patutubuin at itatanim  pagtatanim ayon sa wastong
pamamaraan
D. Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakagagawa ng disenyo ng halamang ornamental sa tulong ng basic sketching.
2. Nalalaman ang mga halamang ornamental sa tulong ng basic sketching
3. Napapahalagahan ang pagkakaroon ng kaalaman ng basic sketching sa pagtatanim.

NILALAMAN:

A. ARALIN: Paggawa ng Disenyo ng Pagtatanim ng mga Halamang Ornamental


B. SANGGUNIAN: ADM module in EPP Module 3
C. KAGAMITAN: PowerPoint presentation, Laptop, TV

II. PAMAMARAAN:
1. PANLINANG NA GAWAIN:
A. BALIK-ARAL: Balikan at ipa-recite sa bata ang kaalamang natutunan sa nakaraang aralin tungkol sa
pagdidisenyo ng halamang ornamental. Tumawag ng isa o dalawang bata para sa nasabing gawain.
Mga Katanungan:
Ano -ano ang inyong mga natutunan sa nakaraang aralin?
. Ano ang kahalagahan ng paggawa ng disenyo sa pagtatanim ng mga halamang ornamental?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
Paano mo ito maisasagawa sa iyong sariling tahanan?
B. PANGGANYAK: Ipakita sa bata ang isang halimbawa ng disenyo o sketch ng pagpaplano ng ornamental na
halaman.

Himukin ang bat ana gumawa ng ganitong uri ng sketch na aangkop sa uri ng espasyo na mayroon sa
kanilang bahay.
2. PAGLALAHAD: Mga bagay na dapat tandan sa paggawa ng basic sketching halamang ornamental.
1. Alamin ang lawak ng espasyo ng inyong lugar upang maging maayos ang landscaping.
2. Ihanay ang mga halaman o punong ornamental sa tamang direksyon nang sa gayon ay
magkakaroon ng tamang sukat ng gagawing simpleng landscaping.
3. PAGTATALAKAY: Ang larawang ito ay nagpapakita ng ibat-ibang disenyo ng pagtatanim ng mga
halamang ornamental sa tahanan at pamayanan. Ang mga ito ang magbibigay saiyo ng ideya upang
makapag-guhit ng tanawin sa pagpapaganda ng iyong tahanan at pamayanan.
Mahalaga ang paghahanda ng guhit sa disenyo sa pagtatanim ng mga halamang ornamental. Dito
makikita ang ganda ng tanim para sa tahanan at pamayanan.

4. PAGLALAPAT:
Gawain 1 :

Gawain 2:

5. PAGLALAHAT: Sa paggawa ng outline, alamin muna ang sukat ng lugar na iyong ilalarawan upang
maging maayos ang gagawing landscaping. Ihanay ang mga halaman o punong ornamental sa
tamang direksyon nang sa gayon ay magkakaroon ng tamang sukat ng gagawing simpleng
landscaping.
III. PAGTATAYA:
A. Gamit ang ikawalong bahagi ng illustration board (1/8), gumawa ng isang krokis ng disenyo gamit
ang basic sketching para sa pagtatanim ng halamang ornamental. Magsaliksik sa computer ng mga
katangian ng bawat halaman at puno gaya ng taas o laki ng mga halaman, kulay o hugis, at kung
namumulaklak o di- namumulaklak. Ang mga kaalamang ito ay makatutulong sa paggawa ng disenyo
ng pagtatanim ng halamang ornamental
Batayan sa pagbibigay ng marka sa ginagawang krokis o simple sketch.

IV. KARAGDAGANG GAWAIN:


Pumunta sa pinakamalapit na internet café at magsaliksik tungkol ng ibat-ibang disenyo ng landscaping
ng mga halamang ornamental. I-print at ipakita sa guro.

You might also like