You are on page 1of 2

SEMI- DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA EPP IV

I. Layunin:

a. naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng halamang


ornamental bilang isang gawaing pagkakakitaan;

b. nakapagsasagawa ng survey upang matukoy ang wastong paraan ng pagtatanim at


pagpapatubo ng mga halamang ornamental; at

c. nakagagawa ng disenyo ng halamang ornamental sa tulong ng basic sketching at


teknolohiya.

II. Paksang- Aralin

Paksa: Pagtatanim ng Halamang Ornamental. Pagtukoy sa Disenyo o Plano ng Pagtatanim ng


Pinagsamang Halamang Ornamental

Sanggunian: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4, Patnubay ng guro

Materyales: Papel, Laptop, Powerpoint presentation, Manila Paper

III. Pamaraan

A. Pang araw-araw na gawain

1. Panalangin

2. Pagbati

3. Pagpuna sa kapaligiran

4. Pagtatala ng lumiban sa klase

5. Balik-aral

- Ano ang dalawang uri ng pagtatanim o pagpapatubo ng mga halamang ornamental.

B. Panimulang Gawain

1. Pagganyak

- Mag-outline ng tanawin sa pagpapaganda ng tahanan at pamayanan.

2. Paglalahad ng Aralin

- Ipaliwanag ang ibat-ibang disenyo ng pagtatanim ng mga halamang ornamental sa


tahanan at pamayanan. Magbigay ng mga ideya upang ang mga bata ay makapag-outline ng
tanawin sa pagpapaganda ng tahanan at pamayanan.

3. Pagtatalakay ng Aralin

- Pangkatin ang klase sa 3

-Pumili ng lider
-Pag-usapan ng bawat pangkat ang paggawa ng disenyo sa tulong ng basic sketching at
teknolohiya.

-Iulat sa klase ang tinalakay na paksa.

4. Paglalapat (aplikasyon)

- Sa ginawang sketch nila, ikumpara ang mga ginawang disenyo ng mga bata. Hayaang sila ang
pumili ng pinakanagustuhan nilang desinyo.

5. Paglalahat

- Ano ang dapat ihanda para mapaganda ang disenyo ng pagtatanim ng mga halamang
ornamental?

IV. Pagtataya ( Assessment)

Panuto: I-rate ang disenyo na ginawa ng bawat pangkat.

Paggamit ng Rubric

Pamantayan Bahagdan

1.Nilalaman 45 %

2. Kaanyuhan 20 %

3. Balance and 35 %

Harmony ________

100 %

V. Takdang- Aralin

Alamin ang wastong paraan ng pagpapatubo / pagtatanim ng mga halamang ornamental.

Prepared by: JAMIEKA JAIZEL V. BUZMION

Substitute Teacher

Checked by : REMELIE V. CEDRO

Principal I

You might also like