You are on page 1of 2

SEMI- DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA EPP IV

I. Layunin:

a. naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng halamang


ornamental bilang isang gawaing pagkakakitaan;

b. nakapagsasagawa ng survey upang matukoy ang pagkukunan ng mga halaman at iba


pang kailangan sa halamang ornamental; at

c. Naisasagawa ang pagtatanim, pag-aani, at pagsasapamilihan ng halamang ornamental


sa masistemang pamamaraan.

II. Paksang- Aralin

Paksa: Pagtatanim ng Halamang Ornamental. Pagtutukoy ng Pagkukunan ng mga Halaman at


iba pang Kailangan sa Halamang Ornamental

Sanggunian: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4, Patnubay ng guro

Materyales: Papel, Laptop, Powerpoint presentation, Manila Paper

III. Pamaraan

A. Pang araw-araw na gawain

1. Panalangin

2. Pagbati

3. Pagpuna sa kapaligiran

4. Pagtatala ng lumiban sa klase

5. Balik-aral

- Anong halaman ang pinaka-angkop isama sa mga halamang ornamental sa pagtatanim?

B. Panimulang Gawain

1. Pagganyak

- Magpakita ng mga larawan ng halamanan na nailandscape na naiplano na at hindi pa.

Anu-ano ang mga halamang ornamental ang itatanim dito?

2. Paglalahad ng Aralin

- Saan tayo makakakuha ng mga halamang itatanim dito?

3. Pagtatalakay ng Aralin

- Itala ang mga lugar kung saan maaaring makakuha ng mga halamang ornamental?

Pangkatin ang klase sa 3

-Pumili ng lider
-Pag-usapan ng bawat pangkat ang nabuong survey o pagtatanong

-Isulat ang mga lugar at kung anong mga halaman ang maaaring makukuha natin.

Iba-iba ang mga katangian ng mga halamang ornamental. May namumulaklak, hindi
namumulaklak, malaki, malalpad ang dahon, at mayroon mababa lamang. Ang iba ay mabilis
tumubo, may mabagal, may nabubuhay sa tubig , at sa lupa.

4. Paglalapat (aplikasyon)

- Ano ang maidudulot ng mga halamang ito sa atin at sa ating paligid?

-Bakit kailangan nating malaman ang mga lugar kung saan tayo maaaring makakuha o
makakita ng mga halamang ornamental na ating itanim sa ating paligid?

5. Paglalahat

- Paano nating mapagkakakitaan ang mga halaman sa ating paligid?

IV. Pagtataya ( Assessment)

Panuto: Itala ang mga lugar kung saan tayo maaaring makakukuha ng mga halamang
ornamental na maaaring itanim sa ating paligid at pamayanan?

1.

2.

3.

4.

5.

V. Takdang- Aralin

Madala ng mga larawan ng mga halamang ornamental. Dalhin sa klase bukas.

Prepared by: JAMIEKA JAIZEL V. BUZMION

Substitute Teacher

Checked by : REMELIE V. CEDRO

Principal I

You might also like