You are on page 1of 4

PANG-ARAW- Paaralan Southern Luzon State University Baitang 4

ARAW NA Guro Rhoma O. Hizola Asignatura EPP


TALA SA Petsa Oktubre 03, 2023 Markahan Unang Markahan
PAGTUTURO
0ras 8:00 am - 9:00 am Linggo Unang Linggo

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na;

A. maitukoy ang kahulugan ng halamang ornamental;


B. mapahalagahan ang mga halamang ornamental sa tahanan at
sa paaralan; at
C. makagawa ng collage na nagpapakita ng kahalagahan ng
halamang ornamental;

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa


pagtatanim ng halamang ornamental bilang isang gawaing
pagkakakitaan.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ang pagtatanim, pag-aani at pagsasapamilihan ng
halamang ornamental sa masistemang pamamaraan.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
Pagkatuto (MELC)
(Kung mayroon, isulat ang 1. Naisasagawa ang mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng
pinakamahalagang kasanayan sa halamang ornamental bilang isang pagkakakitaang gawain.
pagkatuto o MELC)
(EPP4AG-0a-1)
2. Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang
ornamental, para sa pamilya at sa pamayanan. (EPP4AG-0a-2)

D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan.)
II. NILALAMAN
Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental

III. KAGAMITAN PANTURO


A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro

b. Mga Pahina sa Kagamitang PIVOT 4A Learning Materials Lesson 1 Week 1 p. 1-8


Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk

d. Karagdagang Kagamitan mula


sa Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Cartolina
Panturo para sa mga Gawain sa Manila Paper
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan Power Point Presentation of the topic

a. Panimula
PAGPAPAKITA NG LARAWAN:

Ang guro ay magpapakita ng larawan at ang mga mag-aaral ay


titingnan at susuriin ito.
Matapos masuri ng mga mag-aaral, sasagutin nila ang mga
katanungan base sa larawan.

1. Ano ang nasa larawan?


2. Ano ang iyong naramdaman habang pinagmamasdan ang
larawan?
3. Ano sa tingin mo ang mabuting naidudulot ng halamang
ornamental?
4. Kung ikaw ay may ganitong lugar, aalagaan mo ba ito at
pananatilihing malinis?

b. Pagpapaunlad Gawain 1: Ang mga sumusunod na larawan ay halimbawa ng halamang


ornamental na makikita sa inyong mga tahanan at sa kapaligiran. Ibigay ang
angkop na uri o klase nito kung ito ay namumulaklak, dahon, puno, o
mapalumpong.

Mga Halaman Uri ng Halaman


Gumamela Namumulaklak

Ilang-ilang

San Francisco

Kalachuchi

Gawain 2: Ang mga mag-aaral ay pupunan ang graphic organizer ng mga


kabutihang dulot ng pagtatanim ng halamang ornamental sa pamilya at
lipunan.
TALAKAYAN: Gabayan ang mga mag-aaral sa labas ng silid-aralan kung
saan makakakita sila ng mga halamang ornamental. Matapos ang pagtitingin,
simulan ang talakayan sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga sumusunod:

A. Anong mga halamang ornamental ang iyong nakita?


B. Anongkabutihang dulot nito sa paaralan?

PAGLALAHAT:
1. Paano nakababawas sa polusyon ang pagtatanim ng halamang
ornamental?
2. Sa anong paraan ka makakatulong upang mapanatiling malinis at
maganda ang hangin na ating nalalanghap?

C. Pakikipagpalihan
Gawain 4: Ang mga mag-aaral ay babasahin ang mga sumusunod na
sitwasyon. Lagyan ng K Kung may kabutihang dulot ito sa
pagtatanim ng halamang ornamental at WK kung walang kabutihang
naidudulot.

1. Ang mga mag-aaral ay nagtanim ng mga halaman sa hardin nng


paaralan, ngunit hindi nila ito inalagaan.
2. Napilitang huminto sa pag-aaral si Felipe kaya naisipan niyang
magtanim ng mga halamang ornamental sa kanilang bakuran.
3. Si Carlos ay namitas ng bulaklak at ibinenta sa palengke.
4. Pinaglaruan mo at ng iyong nakababatang kapatid ang halaman ng
iyong Nanay.

Gawain 5: Magbigay ng limang(5) halimbawa ng halamang


ornamental na makikita mo sa hardin ng eskwelahan. Iguhit ito sa
iyong kwaderno.

Pangalan ng halaman Iguhit

Gawain 6: Pangkatang gawain. Sa short bond paper, gumupit ng mga


larawan at gumawa ng collage ng halamang ornamental at kung
paano ito nakatutulong sa ating kapaligiran. Maaaring gumupit sa
mga magasin at lumang libro na hindi na ginagamit sa paggawa ng
collage.

Pamantayan Antas ng Kahusayan


1 2 3 4
1. Maganda at angkop ang
pagkakagawa ng disenyo.
2. Angkop ang collage sa nilalaman ng
aralin.
3. Malinis ang pagkakagawa.
Kabuuan

D. Paglalapat
Isulat sa patlang ang Oo kung tama ang sinasabi sa pangungusap at
isulat naman ang salitang Hindi kung ito ay mali. Gawin ito sa
malinis na papel.
______1. Ang mga halaman ay dapat nating ingatan, pahalagahan, at
alagaan.
______2. Nakatutulong sa pamilya ang pagtatanim ng halaman sa
bakuran.
______3. Walang magandang naidudulot ang mga halamang
ornamental.
______4. Nakagiginhawa sa buhay ang mga halaman sa kapaligiran.
______5. Ang halamang ornamental ay nagsisilbing palamuti sa
tahanan at pamayanan.
V. PAGNINILAY Punan ang patlang.
(Pagninilay sa mga Uri ng Formative
Nauunawaan ko na _________________________________.
Assessment na Ginamit sa Araling Ito)
Nabatid ko na _________________________________.

Inihanda ni:
RHOMA O. HIZOLA
BEED IIIB

Sinuri ni:
CHRISTIAN B. ALMIREZ
Guro

You might also like