You are on page 1of 6

PANG-ARAW- Paaralan Southern Luzon State University Baitang Apat

ARAW NA Guro Mary Rose F. Natividad Asignatura Edukasyong


TALA SA Pangtahanan at
PAGTUTURO Pangkabuhayan
(EPP)
Petsa October 3, 2023 Markahan Unang Markahan
0ras Linggo

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng Aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan
na;

a. Maipaliwanag ang mga kasanayan at kaalaman sa


pagtatanim ng halamang omamental.

b. Makapag-ulat ng mga pakinabang sa pagtatanim ng


halamang ornamental.

c. Magamit ang kahalagahan ng pagtatanim ng


halamang ornamental para sa pamilya at sa pamayanan.

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at


kasanayan sa pagtatanim ng halamang ornamental bilang
isang gawaing pagkakakitaan
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ang pagtatanim, pag-aani, at
pagsasapamilihan ng halamang ornamental sa
masistemang pamamaraan
C. Pinakamahalagang Kasanayan Naipakikita ang wastong pamamaraan sa
sa Pagkatuto (MELC) pagpapatubo/pagtatanim ng halamang ornamental
(Kung mayroon, isulat ang (EPP4AG-0d-6)
pinakamahalagang kasanayan
sa pagkatuto o MELC)
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan.)
II. NILALAMAN
Pagtatanim ng Halamang Ornamental
Cartolina at mga larawan
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk SDO QC EPP- Unang Markahan Modyul 1: pp. 1-9
d. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang PowerPoint Presentation and White Board Marker
Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
A . Panimula
MOTIBASYON: 4 pics 1 word!

Hahatiin ng guro ang mga mag aaral sa apat na grupo at


bibigyan ng tig-iisang illustration board at chalk. Bawat
grupo ay pipili ng kani-kanilang lider na magtataas ng
kanilang sagot. Pagkatapos ay magpapakita ng larawan
ang guro at ang unang grupo na makapag taas ng sagot
ay syang magkakapuntos.

S U N F L O W E R

M A L U N G G A Y

G U M A M E L A
R O S A S

G U L A Y

B. Pagpapaunlad PAKSA: " Pagtatanim ng Halamang Ornamental"

Pagkatapos ng motibasyon, ang guro ay masusi ng tatalakayin


ang panibagong paksa.

SURIIN NATIN

Ang paghahalaman ay isang sining ng pag-aayos at pagtatanim


ng mga halaman tulad ng ornamental, gulay, punongkahoy,
punong namumunga, halamang gamot. Ang ibat ibang uri ng
halaman ay gaya ng baging (vines), palumpon(shrubs), herbs,
bulb, sucker, runner at rhizomes.

Ang mga halaman o punong ornamental ay itinatanim upang


magbigay ng ganda sa mga tahanan, paaralan, parke at sa
pamayanan lalo na kung ang mga ito ay mayayabong,
makukulay at maayos ang pagkakatanim.

Ang pagtatanim ng ibat ibang uri ng halamang ornamental ay


inaangkop sa lugar, uri ng lupa, sukat na maaaring taniman sa
tahanan o pamayanan. Dapat din malaman ang paraan ng
pag- aalaga ng pananim upang lalo pang gumanda ang
kanilang paglaki.

May mga makabagong pamamaraan na ngayon sa pagtatanim


ng mga halamang ornamental sa pamamagitan ng pagsasaliksik
gamit ang internet ng mga kaalaman at kasanayan. Sa
pagsasaliksik gaya ng survey aymalalaman natin ang mga
impormasyon sa pagpapatubo ng halaman.
May halamang ornamental na lumalaki ng mataas at may
mababa lang. May mga halaman na madaling alagaan at
mayroon ding mahirap alagaan. May nabubuhay naman sa
tubig at mayroon ding nangangailangan ng sikat ng araw. Ang
iba naman ay nabubuhay sa hindi gaanong nasisikatan ng araw.
May mga halamang ornamental na nabubuhay sa tubig gaya
ng corn plant, at water lily. Ang santan at bougainvillea naman
ay nangangailangan ng sikat ng araw at ang orchids at tulips ay
hindi gaanong pinasisikatan sa araw.

Iba't ibang Uri ng Halaman

1. Punong Ornamental- malalaking puno na maaaring


mapaganda ang paligid gaya ng Fire Tree, Ilang ilang, Adelfa.

2. Herbs- mga halamang Cosmos, Zinnia at snake plant ay may


malambot na tangkay.

3. Shrubs- halamang may matigas na sanga na maaaring


pantanim at may kakayanan ding mamulaklak gaya ng
Gumamela, Santan, Rosal.

4. Halamang Baging (Vines)- halamang gumagapang gaya ng


Cadena de Amor, Bougainvillea, Yellow Bell, Niyug-niyogan.

5. Sucker - halamang nagsasanga gaya ng saging Peace Lily,


Birds of Paradise, Abaca.

6. Bulb - mga halamang may lamang ugat gaya ng sibuyas.

7. Rhizome- lamang-ugat na gumagapang.


May iba't ibang uri ng halamang ornamental, may
namumulaklak at hindi namumulaklak.

Halamang namumulaklak- ay mga halamang ornamental na


tinatawag ding Angiosperma o Magnoliophyta. Ito ay
nangingibabaw sa mga halamang panlupa sa kasalukuyan.
Kasama ng mga gymnosperm, binubuo nila ang mga halamang
may buto. Kaiba sila mula sa mga gymnosperm dahil ang mga
angiosperma ay nagkakaroon ng bulaklak. Ang mga halimbawa
ng mga ito ay llang-ilang, Sunflower, Gumamela, Cosmos,
Vietnam Rose, Zinnia at iba pa.

Halamang hindi namumulaklak- ito naman ang mga halamang


ornamental na nagpapaganda sa tahanan, paaralan, parke at
sa pamayanan. Kabilang dito ay ang mga sumusunod: Palmera,
Corn plant, Chinese bamboo, Japanese bamboo, Song of India,
Fortune plant.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Panuto: Tukuyin ang mga uri ng mga iba't-ibang halamang
ornamental. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Herbs Puno Shrubs Sucker Vines

1. Birds of Paradise 6. Ilang-ilang


2. Cadena de Amor 7. Santan
3. Cosmos 8. Sunflower
4. Fire Tree 9. Yellow Bell
5. Gumamela 10. Zinnia

C. Pakikipagpalihan Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Itanim Mo Ako!

Hahatiin ng guro ang mga mag aaral sa tatlong grupo


at bibigyan ang bawat grupo ng isang uri ng buto ng
halamang ornamental na itatanim nila sa bakuran sa
labas ng silid-aralan. Pagkatapos nila magtanim ay
pupunta sila sa unahan ng klase at ibabahagi ang
karanasan at kung ano ang kahalagahan ng
pagtatanim ng halamang ornamental.

D. Paglalapat
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa papel.
1. Ang ay mga halamang nagpapaganda sa
bakuran.
A. agrikultura C. oriental
B. kalikasan D. ornamental

2. Ang mga pananim na Ornamental ay nagpapaganda


sa at kung minsan ay ibinibenta sa pamilihan.
A. bakuran C. kanluran
B. hilaga D. silangan

3. Ang pagtatanim ay isang pagkakakitaang gawain at isa


rin itong .
A. kagamitan C. sanglaan
B. libangan D. tulugan
4. Ang wastong sa paghahalaman ay mahalaga
upang mapaganda at maparami ang ating mga
inaalagaang tanim.
A. aklatan C. kaalaman
B. halaga D. pamilihan

5. Sa makabagong pamamaraan ng pagtatanim ay


kailangan magsaliksik sa .
A. bahay C. lansangan
B. internet D. palengke
V. PAGNINILAY Punan ang patlang.
(Pagninilay sa mga Uri ng
Formative Assessment na Ginamit
Nauunawaan ko na _________________________________.
sa Araling Ito) Nabatid ko na _________________________________.

Inihanda ni:
MARY ROSE F. NATIVIDAD

Sinuri ni:
CHRISTIAN B. ALMIREZ
Guro

You might also like