Professional Documents
Culture Documents
bbp.tabloid@gmail.com
IPAMAHAGI NA! Malaong panawagan ng mga magsasaka at manggagawang-bukid ng Bondoc Peninsula ang pamamahagi ng Hasyenda Reyes at Hasyenda Tan ng Ikatlong Distrito ng Quezon. Contributed photo
sundan sa pahina 3
Tunay na napakinabangan militarisasyon sa Timog Quezon ang CARP ng mga panginoong Pagdiriwang ng Pahiyas maylupa KASAMA-TK ginawang martsa ng
Higit sa 200,000 ektarya ng lupa ang hindi pa naipapamahagi sa Timog Katagalugan
Kinundena ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK), isang militanteng grupo ng mga magsasaka, ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng pamahalaan, at tinagurian itong reporma sa lupa na itinatag para sa mga panginoong maylupa. Naging inutil ang CARP sa pagpamahagi ng lupa sa mga magsasaka at naging epektibo lamang sa pagpapatindi ng pagsasamantala ng mga panginoong maylupa. Kung ang layunin nito ay pagpapaalipin ng mga magsasaka sa ilalim ng iilang panginoong maylupa, maituturing nating naging matagumpay ang administrasyong Aquino sa pagtaguyod nito, ani Axel Pinpin, pankalahatang kalihim ng KASAMA-TK. Ayon sa grupo, mahigit 200,000 ektarya ng lupa ang nananatili sa kamay ng mga panginoong maylupa sa Timog Katagalugan pa lamang. Sa loob ng 24 taon, hindi napalaya ng CARP
pagluluksa sa QC
ang mga magsasaka sa pyudal na relasyon nito sa mga panginoong maylupa na umiral daang taon na ang nakalipas. Sa dami ng hasyenda sa rehiyon, nagmistulang kapanahunan ng Espanyol ang Timog Katagalugan, dagdag ni Pinpin. Ilan sa mga malalaking hasyenda sa rehiyon na hindi naipasailalim s CARP ay ang Hacienda Looc sa Nasugbu, Batangas (8,650 ektarya) at Hacienda Yulo sa Calamba City (7,100 ektarya). Nagmartsa ang milisundan sa pahina 3
DIWANG PALABAN. Nakipaggitgitan sa mga anti-riot police ang grupo ng Kasama-TK sa pangunguna ng tagapagsalita nitong si Orly Marcellana at iba pang grupo ng mga marginalized sectors ng rehiyon sa harapan ng bahay ni PNoy sa Times Street Quezon City sa anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program na naipasa ilalim ng pamamahala ng kanyang namayapang ina, President Cory Aquino, 24 taon na ang nakalilipas. Photo courtesy of Mike Taboy 1
OPINYON
Kanin at Ulam
Ka Orly Marcellana at Tata Pido Gonzales
Tiyak iiyak si bunso at tatangis ang buong madla, kapag nawala sa ating hapag kainan ang kanin at ulam sa loob ng tatlong beses sa isang araw. Ang kanin ay kumakatawan sa uring magsasaka na siyang lumilikha ng pagkain ng buong bansa at ang ulam naman ay kumakatawan sa sektor ng mangingisda. Sa bawat subo sa ating pagkain, naaalala ba natin at pinahahalagahan ang lumikha ng biyayang inilalagay natin sa ating mga tiyan? Pinahahalagahan ba natin ang bawat butil na nalalaglag sa ating mga pinggan ay pinagpatuluan ng pawis at dugo ng mga magsasaka na daan taon nang nakagapos ang mga paat kamay sa tanikala ng pagkaalipin at pagsasamantala ng mga panginoong maylupa na siyang nagpapasasa sa biyayang kanilang nilikha at pinagpaguran? Ang ulam na nagmula sa biyaya ng tubig at karagatan ay napakasarap at napakalinamnam na siyang nagbibigay-bitamina sa ating mga katawan, subalit ang mga maralitang mangingisda ay matagal ng nagdarahop at walang makain, pinagkaitan ng biyaya at karapatan sa dagatpangisdaan. Karagatang buong pusong inihandog sa mga dayuhan ng mga nagdaan at kasalukuyang gobyerno. Mga kapwa namin Quezonin, mula sa isyung ito ng Balitang Bondoc Peninsula, inyong tikman ang linamnam ng aming kanin at ulam. Katuwang namin kayo kasaganaan at kahirapan. Lalasapin din ng ating mga kaaway-sa-uri ang anghang at pait ng ating inaani. Pula ang bigas, pula ang hasang na kanilang matitikman. ***** Ipinagyayabang ni Noynoy Aquino, at tutang ahenteng kasabwat nitong Akbayan na naging matagumpay diumano ang pagpapatupad ng huwad na reporma sa lupa ng pamahalaan ang CARPER, sa Bondoc Peninsula makalipas ang 24-na-taon ng Comprehenisve Agrarian Reform Program (CARP) nitong nagdaang Hunyo 10. Kapwa mapanlinlang, napakabaho mula sa basurahan ang lumalabas sa bibig ng Akbayan na nasa ilalim ng karsunsilyo ni Aquino. Sinong magsasaka ang nabigyan ng libreng lupa? Lupang hindi na maaaring bawiing muli sa kanila ng mga panginoong maylupa? Lupang hindi na babayaran sa napakataas na halaga? Nabuwag na ba at naipamahagi ang 2,000 ektaryang lupain ni Danding Cojuangco sa Mulanay, ang mahigit sa 4,500 ektaryang lupain ng pamilyang Reyes sa San Narciso, San Andres at Buenavista, ang 2,415 ektarya ni Juanito Uy sa San Narciso, ang mahigit 1,000 ektarya ni Juanito Tan sa San Francisco at ang 2,270 ektaryang rantso ni James Murray? Nabago na ba ang huklubang partihan sa kopra na 70-30, 60-40 pabor sa panginoong maylupa at nawala na ba ang pagkaltas ng 15% resikada ng mga buwayang mamimili ng kopra? Ang ating panaghoy at panawagan sa pamahalaan ay sinasagot nito ng malawakang panunupil at pandarahas sa pamamagitan ng 8-batalyong AFP-PNP-CAFGU na itinalaga sa Timog Quezon. Sinasabi ni Aquino na tatapusin nito ang insundan sa pahina 7
editoryal
Malugod na inihahandog ng patnugutan ng Balitang Bondoc Peninsula (BBP) ang bagong mukha nito ngayong Hunyo. Layunin pa rin naming patuloy na maghatid ng mahahalaga at napapanahong balita mula sa kasuluk-sulukan ng Timog Quezon at Bondoc Peninsula at iba pang panig ng lalawigan ng Quezon at Southern Tagalog maging sa loob at labas ng bansa. Sa isyung ito, ipinakikilala namin ang Kanin at Ulam, bagong pitak nina Ka Orly Marcellana at Tata Pido Gonzales, mga aktibistang pinanday ng panahon. Si Ka Orly ay tubong-Lopez at si Tata Pido ay taal na taga-Gumaca kung kaya naniniwala ang BBP na sasalaminin ng kanilang mga opinyon ang isip at bituka ng kanilang mga kababayan. Pansinin din na mayroon ngayong puwang para sa lathalaing pangkultura at panitikan. Kinikilala namin ang kahalagahan ng mga tula at kuwento na nagmula mismo sa karanasan ng mamamayan. Gayundin ay magiging regular na bahagi ang maiiksing komiks sa pahayagang ito. Nagbigay-diin ang isyung ito sa papatinding pagdagsa ng mga sundalo sa ikatlo at ikaapat na distrito ng Quezon na di-maitatatwang lumilikha ngayon ng malaking ingay sa lalawigan ang usaping ito. May pagbibigay-halaga rin ang isyung ito sa usapin ng repormang agraryo sa bansa hindi lamang dahil nagkataong ngayong Hunyo ang anibersaryo ng pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program, isang pekeng reporma sa lupa ng gobyerno. Ang usapin sa lupa ay siya
ring ugat kung bakit tambak ang militar sa lalawigan kung kaya mahalagang maunawaan ng mamamayan ng Quezon ang sanhi ng di-matapus-tapos na gyerang magsasaka sa kanayunan. Hinihikayat ng patnugutan na ipadala ninyong mga mambabasa ang inyong mga komentaryo. Magiging sukatan namin ito upang higit pang paghusayin ang paghahatid ng mga mapanuring balita at lathalain. Sa panahon ng internet at kumpetisyon ng malalaking telebisyon, radyo at dyaryo na pinapatakbo sa paraang negosyo, nananatiling makabuluhan ang minsay nilaman ng nobelang Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez. Ang pahayagang hindi marunong makibakay walang dahilang manatili. At ito ang nais ipamarali ng Balitang Bondoc Peninsula. Isang pahayagan na may kinikilingan, isang dyaryong may pinuprotektahan ang interes ng sambayanang inaapi. Naninindigan kami na ang isang pahayagan ay kinakailangang mag-ambag ng ganang kakayanin para sa pakikibaka ng mamamayan na baguhin ang sistemang umiiral. Kung gayon, walang balanseng balita kagaya rin kung paano nag-uulat ang malalaking pahayagan na kitang-kitang nakapanig sa nagsasamantalang seksyon ng bansa habang ang mamamayang api ay di-binibigyang puwang upang maipahayag ang kanyang damdamin. At ang Balitang Bondoc Peninsula ay siyang kakampi ng inaaping sektor ng lipunan.
BALITA
Tunay na napakinabangan... mula sa pahina 1
tanteng grupo, kasama ang iba pang organisasyon ng mga magsasaka sa ibat ibang bahagi ng bansa, patungong Department of Agrarian Reform sa Quezon City upang igiit sa isang negosasyon ang mabilis na pamamahagi ng lupa at idiin na itigil ang 24 taong kasinungalingan ng CARP. Naniniwala ang grupo na hindi magiging matagumpay ang CARP kahit pa pinalawig na ito ng limang taon, na matatapos sa 2014. Kung hindi naipagtagumpay ng programa ang pagpapamahagi ng 200,000 ektarya ng lupa sa loob ng 24 taon mula ng pagkakadeklara nito, paano ito matutupad sa loob ng dalawang taon? saad ni Orly Marcellana, tagapagsalita ng KASAMA-TK. Wala na kaming inaasahan sa CARP. Alam naming hindi ito para sa mga magsasaka kaya matagal na naming ipinapanawagang ibasura ito, dagdag ni Marcellana. Ipinapanawagan ng grupo ang pagpapatupad ng HB 374 o ang Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) dahil naniniwala silang, ito ang tunay na maglilingkod sa mga magsasaka.
Walang-awa diumanong binugbog ang tatlong (3) kabataan ng mga residente ng Ilaya, Brgy. Olongtao, Macalelon ng mga sundalo ng 85th Infantry Batallion ng Philippine Army sa ilalim ng pamumuno ng kanilang commanding officer na nakilala lamang na Kapitan Manalo. Ayon sa salaysay ng mga biktima na pansamantalang itinago ng BBP ang pagkakakilanlan, alauna ng madaling-araw ng Abril 2, habang naglalakad pauwi sa kanilang mga bahay ang mga kabataan, ay nakasalubong nila ang mga sundalo. Tinawag sila at bigla na lang umano silang pinagsusuntok, tinadyakan sa mukha, dibdib at ibat-ibang bahagi ng katawan. Pagkatapos silang bugbugin ay binantaan sila na huwag magsusumbong kahit na
kanino. Ilang araw pa ang lumipas bago malaman ng mga magulang ang tunay na nangyari kung kaya agad na pumunta ang mga magulang sa tanggapan ng Karapatan-Quezon at nagbigaysalaysay hinggil sa insidente. Humihingi ng hustisya ang mga magulang sa kalupitang sinapit ng kanilang mga anak kung kaya nahikayat ang mga biktima na magsampa ng kaso laban sa mga sundalong nanggulpi sa kanila. Ayon sa KarapatanQuezon, hindi na bago ang ganitong mga balita ng pang-aabuso at pananakot ng mga sundalo sa mga mamamayan ng Quezon. Nanawagan naman ang grupo na kagyat na imbestigahan ng pamunuan ng 85th IBPA ang pangyayaring ito. Simoun Fernandez
SIYASAT
Mumong dole-out
Makatutulong nga ba talaga sa lumalalang kahirapan ng mga mamamayang Pilipino ang 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development Office? Ayon sa propaganda ng gobyerno sa mga maralita sa nayon man o lungsod, ito nga umano ang sagot at sadyang tutugon sa nararanasang kahirapan ng mamamayan sa ilalim ng pamumuno ni Pres. Benigno Aquino III. Ayon pa nga sa mga datos, ito ay pautang ng Estados Unidos mula sa tinatawag nilang Millenium Challenge Fund na naglaan ng US $434 milyong dolyar. Layunin ng nasabing programa na bigyang katuparan ang kahilingan ng mga maliliit at maralitang pamilya na ibsan ang kasalukuyang lumalalang kahirapan at kagutuman sa ating bansa. Target nitong makinabang ang 2.3 milyong pinakamaralitang pamilyang Pilipino mula sa P 21.3 bilyong badyet ng DSWD sa buong bansa para sa taong 2011. Subalit ano nga ba talaga ang katangian ng nasabing programa?
sundan sa pahina 8
BALITA
Bilang pagkundena ng malawakang militarisasyon sa Timog Quezon
YOUR AD HERE!
Balitang BondocPen is accepting advertisements, announcements and contributions, feel free to contact us at bbp.tabloid@gmail.com for more details.
LATHALAIN
PANGARAP AT PAKIKITUNGGALI:
Malaking bahagi ng populasyon ng ating bansa ay binubuo ng mga kabataan. Sa kasalukuyan, mahigit 40 milyon sila na kabilang sa mga nag-aaral o kaya ay out of school youth. Dahil sa mataas na singil sa matrikula at iba pang malalaking gastusin, marami ang napipilitang magtrabaho sa murang edad pa lamang. Subalit sa kabila ng magkakaibang kalagayan, lahat sila ay nangangarap ng isang maganda at maayos na buhay. Isa sa mga nagangarap na ito si Franklin Barrera, Jr.
Si Franklin bilang isang karaniwang kabataan Katulad ng karaniwang kabataan, pangarap din ni Franklin na makapagtapos ng isang kurso at magkaroon ng isang marangal at nakabubuhay na trabaho. Lumaki siya sa lalawigan ng Quezon kung saan matindi ang tunggalian sa pagitan ng iilang panginoong maylupa at mga maralitang magsasaka. Naging saksi siya sa maraming pamilyang nagdarahop dahil sa hindi pantay na hatian sa ani o kaya naman ay barat na pasahod sa mga manggagawangbukid. Batid ni Franklin ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga manggagawa sa mga koprahan at pagawaan ng langis mula sa niyog. Ito at ang marami pang ibang mukha ng labis na pangaabuso sa mga mamamayang pinagkaitan ng karunungan ang nagtulak kay Franklin na pumasok sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Lopez, Quezon upang tuparin ang kanyang mga pangarap. Pagkamulat at pakikisangkot bilang isang aktibista Sa loob ng pamantasan, hindi naging ligtas sa kanyang paningin ang maraming kakulangan tulad ng mga upuan, libro, silid-aralan at iba pa. Kasabay nito, nariyan ang palagiang banta ng pagtataas ng matrikula at pagsulpot ng iba pang mga bayarin. Sa kasalukuyan, aabot sa P10,526 ang national average ng matrikula bawat semestre. Sa buong bansa, ang PUP ang may pinakamababang matrikula na umaabot lamang ng P12.50 bawat yunit. Habang ipinagpapatuloy ni Franklin ang pagpapakahusay sa kanyang kurso, ramdam niya ang epekto ng mga programa ng gubyerno na hindi naglalayong gawing libre ang edukasyon lalo na sa kolehiyo. Noong 2010, ipinahayag ni Pres. Noynoy Aquino sa kanyang budget message na unti-unting babawasan ng gubyerno ang pondo para sa mga pampublikong unibersidad o State Universities and Colleges (SUCs) tulad ng PUP. Ito ay upang turuan daw ang mga SUCs na umaasa sa kanilang sarili. Ngunit saan ba kukunin ng mga pampublikong pamantasan ang pondo para tiyaking de-kalidad ang edukasyong tatamasahin ng mga mag-aaral? Kadalasan, pagtatas ng matrikula o di kaya naman ay paniningil ng mga bagong bayarin sa ilalim ng miscellaneous fees ang nararanasan ng mga estudyante na dagdag pasanin sa kanilang mga magulang. Ang mga ganitong usapin sa loob ng pamantasan ang nagtulak kay Franklin na magtanong at alamin kung bakit patuloy na nahihirapan ang mga kabataan na abutin ang isang pangarap. Isang pangarap na kung tutuusin ay binibigyangkatuparan ng gubyerno. Nakasaad sa sa Artikulo XIV Seksyon 2 ng ating Konstitusyon na dapat tiyakin ng pamahalaan na ang kanyang mga mamamayan ay nakakatamasa ng libre at de-kalidad na edukasyon mula elementarya hanggang kolehiyo. Mula sa lubog na kalagayan ng mga magsasaka hanggang sa bansot na sistema ng edukasyon, nagpasya si Franklin na makialam at sumama sa dumaraming bilang ng mga kabataan na nakikisangkot sa mga ganitong usapin. Nakiisa siya sa mga pag-aaral tungkol sa kalagayan ng sistema ng edukasyon hanggang sa katangian at mga problema ng ating lipunan. Naging bahagi din siya ng mga mobilisasyon upang igiit sa gubyerno at mga ahensya nito tulad ng Commission on Higher Education ang karapatan sa edukasyon ng mga mamamayan. Sa kasalukuyan, siya ay coordinator ng KABATAAN Partylist sa ikaapat na distrito ng Quezon. Bukod sa mahal na mga gastusin sa pamantasan, tumigil siya sa pagaaral upang buong panahong makapalingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagmumulat at pagoorganisa sa iba pang mga kabataan. Mahigit isang taon na din siyang bahagi ng pagkilos ng mamamayan. Naging saksi din siya sa tumitinding militarisasyon sa kanilang lalawigan ngunit hindi ito nagpatigil sa kanya sa pagkilos at paglilingkod sa bayan. Biktima ng Oplan Bayanihan Sa unang kwarto ng taong ito, sunud-sunod ang deployment ng batabatalyong militar sa Quezon. Dahil dito, lalong dumanas ng matindi at mayat mayang harassment ang mga mamamayan lalo na ang mga magsasaka. Sa kabila ng patuloy na panawagan ng mga mamamayan na palayasin ang mga militar sa kanayunan, walong batalyon ng militar ang naka-konsentra sa MAIKLING KRONOLOHIYA HINGGIL SA PAGDUKOT KAY FRAKLIN BARRERA, JR.
Hunyo 7, 2012 Dinukot si Franklin Barrera, 19 na taong gulang, ng mga pinaghihinalaang elemento ng Armed Forces of the Philippines sa Lopez, Quezon. Nakatakas siya ng gabing iyon at sinundo ng KABATAAN PartylistQuezon sa Atimonan. Hunyo 8, 2012 Nagkaroon ng video interview sa kanya sa opisina ng KABATAAN Partylist-Quezon kung saan idinetalye niya ang torture at matinding interogasyon na dinanas niya. Hunyo 10, 2012 Umalis si Barrera bandang 6:00 ng hapon sa opisina ng KABATAAN Partylist sa Lucena. Hndi siya nagpaalam at walang nakaalam kung saan siya nagpunta. Hunyo 11, 2012 Naglabas ng pahayag si Col. Eduardo Ao ng 201st Brigade ng Philippine Army na hawak na nila si Barrera..
Rayan Brozula
22 bayan sa dulong bahagi ng lalawigan. Ayon sa pamahalaan, ito daw ay bahagi ng Oplan Bayanihan na naglalayong sugpuin ang insurhensya sa bansa. Subalit sa halip na mga rebelde ang kanilang tugisin, ang mga mamamayang walang armas ang kanilang hina-haras, dinudukot at pinapaslang. Ayon sa mga datos na nalikom ng KARAPATAN-Timog Katagalugan, hindi bababa sa 128 na ang bilang ng mga biktima ng paglabag ng karapatangpantao sa timog na bahagi ng lalawigan, kung saan mga elemento ng militar ang itinuturong nasa likod ng mga paglabag na ito. Sa kasalukuyan, inilulunsad ang isang malaking kampanya upang himukin ang marami pang mga mamamayan na isalba ang Quezon mula sa mga berdugong militar. Si Franklin ay bahagi ng kampanyang ito at masigasig na gumagampan ng mga gawain. Ngunit noong ika-7 ng Hunyo ng taong ito, dinukot siya ng mga pinaghihinilaang elemento ng Armed Forces of the
Philippines (AFP). Ayon sa kanyang testimonya sa KARAPATAN-Quezon noong ika-8 ng Hunyo, sapilitan siyang isinakay sa isang van ng mga di kilalang armadong kalalakihan at dinala sa isang bahay malapit sa kampo ng 85th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Brgy. San Isidro, bayan ng Lopez. Doon dumanas siya ng torture at matinding interogasyon. Pinakain ako ng asin. Dalawang kutsarang asin. Yung pagpukpok sa likod ko ng kanilang mga armas na gamit. Yung paghampas sa kaliwang binti ko ng M16 na baril, kwento ni Franklin. Nagawa niyang makatakas at dumiretso sa isang ospital sa bayan ng Atimonan. Doon nakipagugnayan at humingi siya ng tulong sa KARAPATAN-Quezon. Nang gabi ding iyon, sinundo siya ng KARAPATAN Quezon at dinala sa opisina ng KABATAAN Partylist sa Lucena City. Noong ika-10 ng Hunyo, umalis si Franklin nang hindi nagpapaalam. Kinabukasan, ika-11 ng Hunyo, naglasundan sa pahina 6
KULTURA/PANITIKAN
Kalbaryo ng Bukid
(Sa Amogis)
Ni November Drama
Pagpupugay
Ni Lenkurt Lopez
Sumanib ang kinulob na hamog sa lunduan Tanaw ang pagdaos sa tugatog ng lunduyan. Nahirati ang dapyo ng tabsing sa tudlingan, Hinapay ang mga ugat sa lupaing punlaan. Maruyang humaplit sa tundos tungo sa pampang, Usal ay kapirasong ulap ang masumpungan. Nagngalit ang ikid ng pagkatigang sa lilim Ng mga dahong nalagas sa nalantang bukirin. Nanuot sa lupa ang mga tilamsik ng ulan. Lumikaw ang tubig sa bumulwak na tapayan. Umaso ang napugtong hikbi ng mangingibig. Sumibol ang pagdaramdam sa banga ng lumad. *Amogis isang liblib na linang sa bayan ng San Francisco, Quezon.
Mataas na'ng sikat ng araw Matapos mangibabaw Ang palahaw ng tagumpay Abo na'ng mga tulisang Pinilit sakupin Ang lupang kinagisnan. "Pagpupugay! Sigaw ng isang magsasakang Nagpatunay Na kailangang buhay mismo ang alay Sa digmaan. Sa susunod na ihip ng hangin.... mapapayad na'ng mga abo nila't magiging pataba, Sa lupang inaalayan natin Ng laya."
Lanny Tolda
nais palabasin ng mga militar. Malinaw na ang AFP at programa nito tulad ng Oplan Bayanihan ay walang maihahatid na tunay na pagbabago. Sa halip pa nga, pagsupil sa mga tulad ni Franklin ang kanilang ginagawa. Ayon kay Leslie Olvinar ng KABATAAN Partylist-Que-
zon, Naninindigan kami na aktibista si Franklin Barrera, Jr. at hindi miyembro ng NPA. Maaaring si Franklin ay nabiktima ng mga militar subalit maraming kabataan ang nagpapatuloy at magpapatuloy ng kanyang adhikain upang matupad ang kanilang mga pangarap. #
LATHALAIN
Kanin at Ulam
mula sa pahina 2
surhensiya sa ating lalawigan sa taong 2012? Eh ano ngayon? New Peoples Army pala ang kanilang kalaban ay bakit baga sibilyan ang kanilang inaabuso at nilalapastangan ang karapatan? Dahil ayaw ba nilang ipaglaban natin ang ating karapatan sa lupa at pangisdaan? Sakali mang madurog nila ang mga NPA, akala ba nilay magtatagumpay na sila sa kanilang makahayop na pagsasamantala sa mga magsasaka, mangingisda at mamamayan? Tinitiyak ng Kanin at Ulam, maubos man ang NPA sa Quezon, hanggat ang lupa ay wala sa kamay ng mga magsasakang nagbubungkal nito at patuloy na ipinagkakait ang hustisyang panlipunan sa mamamayan tiyak na may muling babangon at hahawak ng armas para ituloy ang nasimulang laban ni Bonifacio. Kayat ang susi sa tunay na kaunlaran at kapayapaan ay ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka na siyang pinakamarami sa populasyon ng ating bayan na siyang magiging pundasyon ng pambansang industriyalisasyon at ganap na pag-unlad ng ating bayan. Ipaglaban ang tunay na reporma sa lupa at ubos-kayang labanan at palayasin ang mga salot na militar! Ipagtanggol ang mga tagumpay ng kilusang magbubukid at mangingisda sa Quezon at sa lahat ng panig ng Timog Katagalugan!
Mga tala sa paglapas sa tawhanong katungod sa katawhan: Mula noong 2011, nakapagtala na ang Karapatan-Quezon ng iba'-t ibang tipo ng paglabag sa karapatang pantao na mayroong 125-indibidwal na biktima. Ilan sa mga naisadokumento kaso ay: o o o o 1 kaso ng enforced Disappeared 4 na kaso ng Torture 15 kaso ng illegal arrest and detention 5 kaso ng Illegal Search and Seizure
Sa kasamtangan, anaa sa South Quezon ug Bondoc Peninsula ang paghatag ug prayoridad sa mga proyekto sa pag-usbaw para sa gubyerno ug pribadong kumpanya. Pipila niini kay ang bio-diesel sa Gumaca, Mirant Powerplant sa Pagbilao ug Ogdel Bechtel Coal Fire Thermal Powerplant Extension sa Atimonan, ug ang pagtukod ug dam sa Macalelon. Sa ing-aning kahimtang, dili malikayan ang pagbunggo sa interes sa mga landlord, gubyerno, ug mga pribadong development corporation ug sa katawhang nawad-an ug panginabuhian kapuli sa mga proyektong para daw sa pag-uswag, uban sa ilang mga prinsipyo ug tawhanong katungod. Tungod ni ani, dili malikayan ang paggamit ug
pwersa para pugngan ang pagsupak sa katawhan sa mga proyekto ug programa nga ginapatuman sa naunang higutan. Gikan kaniadto, karon lang nahitabo ang sama ni ani nga pagdagsa ug sundalo sa mga baryo sa South Quezon ug Bondoc Peninsula. Anaa sa 8 ka batalyon sa Philippine Army ang nakadestino sa 22 ka lungsod sa 2 ka distrito. Karon lang nahitabo nga ing-ani kadaghan nga sundalo sa usa ka partikular nga lugar sa usa ka higayon bisan pa ikumpara sa panahon sa martial law. Kini nga kahimtang kay taliwala sa counter-insurgency program nga Oplan Bayanihan sa gubyerno nga ginamanduan sa Armed Forces of the Philippines.
sundan sa pahina 8
Sina Ka Orly at Tata Pido ay kapwa Tagapagsalita ng bagong tatag na Save Bondoc Peninsula Movement. Abangan ang susunod nilang paghahain ng Kanin at Ulam na nakapatungkol sa ikatlong State of the Nation Address ng gobyernong Aquino.
katiting sa kaayusan ng lipunan," paglilinaw pa ng Kasama-TK Sa halip na humingi ng pakikipag-usap ang mga magsasaka ng Bondoc Peninsula, mas pinili nilang kalampagin ng protesta ang bahay ni Aquino na noon ay nasa byahe nito sa Europa at Amerika. Ang Bondoc Peninsula ay tinaguriang hacienda belt ng lalawigan ng Quezon kung saan di-bababa sa 16,000 ektaryang lupaing-agrikultural ang nananatiling nasa kamay ng mga landlord matapos ang mahigit 20-taon na pagpapatupad ng repormang agraryo ng gobyerno.
LATHALAIN
PAHIYAS
Mula sa http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Pista_ng_Pahiyas
Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing Mayo 15 sa Lucban, Quezon. Pagpapasalamat ito ng mga magsasaka sa kanilang patrong San Isidro Labrador. Ang selebrasyon kalimitan ay isinasagawa sa pamamagitan ng isang prusisyon ng imahe ni San Isidro at ng parada. Lahat ng mga bahay ay napapalamutian ng kanilang sariling ani tulad ng mga prutas, gulay, palay, bulaklak, dahon, 'pako' at 'kiping' na siyang nagdadala ng isang makulay na kabuuan.
Axel Pinpin
sentro ng produksyong agrikultural kung kaya dito rin matatagpuan ang pinakamalaking bilang ng mga magsasaka at mangingisda. Ang malalaking mina ng ginto at yamang mineral ay matatagpuan sa mga bayan ng Tagkawayan, Buenavista at San Andres. Ayon sa Mines and Geosciences Bureau ay may 245,000 ektaryang lupain sa Quezon ang ngayon ay may aplikasyon para sa pagmimina. Ang Bondoc Peninsula ay tinatawag din na hacienda belt dahil sa libu-libong ektaryang lupang-sakahan na pag-aari ng iilang landlord gaya ng matatagpuan sa mga bayan ng San Francisco, San Andres, San Narciso at Mulanay. Bakit marami pa rin ang naghihirap na magsasaka at mangingisda sa lalawigan? Ito ang tatalakayin sa susunod na isyu ng Balitang Bondoc Peninsula. Abangan! *May mababasa rin tungkol sa Pahiyas sa website na ito: http:// www.pahiyasfestival. com/home/
Narito pa ang dagdag na halaw mula sa naturang website: Kasaysayan ng Pista ng Pahiyas Ayon sa mga naitalang kasaysayan, ang piyesta ng San Isidro Labrador ay naunang ipinagdiriwang ng mga Katagalugan na naninirahan sa paanan ng Bundok Banahaw noong panahon ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo, taong 1500. Ang mga mamamayan sa Lucban sa panahong iyon ay nagdiriwang sa pamamagitan ng isang simpleng pag-aalay sa mga Anito para sa kanilang masaganang ani. Sa panahon ng ani, nakaugalian ng mga magsasaka na ipunin ang kanilang ani sa loob ng tuklong kung saan sila nagtitipontipon at kumakain. Matapos nito ay iinom sila ng tuba. Naniniwala ang mga katutubo na sa pamamagitan ng ganitong kasiyahan
ay magkakaroon silang muli ng masaganang ani sa susunod na taon. Pagdiriwang Lahat ng bahay ay napapalamutian mga makukulay na kiping. Ang pinaka-tradisyunal at kaakit-akit sa mga palamuti ay nagmula sa "Kiping." Yari ito sa giniling na bigas na hinugis gamit ang dahon ng "caba" na kinukulayan ng matingkad na kulay. Isang bahagi rin ng pagdiriwang ang pagbabasbas sa mga kalabaw. Ipinaparada ng mga magsasaka ang kanilang mga kalabaw patungong simbahan upang mabasbasan ng pari dahil pinaniniwalaang malalayo sila sa sakit at maging ang kanilang alagang kalabaw. Ang salitang "Pahiyas", na hango sa salitang lokal na "Payas" na ang ibig sabihin ay "palamuti" ay unang ginamit noong
1963. Ang Quezon bilang lalawigang agrikultural Ang Quezon ay isa sa pinakamayamang lalawigan sa bansa dahil sa ambag nito sa produksyong agrikultural at likas-yaman mula sa kabundukan, dagat at mineral. Mayaman ang lalawigan sa produksiyon ng niyog, palay, mais at iba pang mga pananim kung saan di-bababa sa 78% ng kabuuang populasyon ng lalawigan ay mga pamilyang magbubukid na pangunahing nakaasa sa pagsasaka. Tinatayang nasa 513,681 ektarya ang lupang-agrikultural (halos 59% ng buong saklaw na kalupaan ng probinsya) at mahigit sa isang libong kilometro ang baybaying dagat ng Quezon. Ang tinaguriang South Quezon at Bondoc Peninsula ang maituturing na
Sukad tuig 2011, nirehistro ang KARAPATANQuezon ug lain-laing klase sa paglapas tawhanong
papaunlad ng kanilang kabuhayan at pagbibigay ng hustisyang panlipunan, lalo nitong itinulak ang mga mamamayan na lubos na umasa sa gobyerno sa pamamagitan ng mumong dole-out, na sa tahasang sabi ay hindi naman nakasasapat sa mga batayang pangangailangan ng isang pamilya. Nakakabansot at hindi nakakapagpaabante ng kamalayaang umasa at magpaunlad sa sarili ang 4Ps. Malinaw na hindi nito itatawid ang bawat pamilyang Pilipino sa tunay na landas ng pagbabago ng ating bansa. Nakakapagtaas ng kilay at higit sa lahat, nakakadismaya. Contributed by Dang Cabangon