You are on page 1of 2

IKATLONG MARKAHAN IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6

Panuto: Isulat sa patlang ang titik K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan. Isulat ang O kung ito ay
isang opinyon.
_________1. Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may kulay bughaw, pula, puti, at dilaw.
_________2. Ang paboritong kulay ko ay bughaw.
_________3. Si Benigno S. Aquino III ay mas magaling na pangulo kaysa kay Gloria Macapagal-Arroyo.
_________4. Sa taong 2015, si Benigno S. Aquino III ang pangulo ng Pilipinas.
_________5. Ang sigarilyo ay may tar, nikotina, at iba’t ibang kemikal na nakasasama sa kalusugan.
_________6. Ang mga taong naninigarilyo ay masasama.
_________7. Sabado ang pinakamasayang araw para sa akin.
_________8. May pitong araw sa isang lingo.
_________9. Mas masarap manirahan sa pamayanang rural.
_________10. Mas maraming gusali sa pamayanang urban.
_________11. Kulay itim, tuwid, at mahaba ang buhok ni Julia.
_________12. Ang tuwid na buhok ay mas maganda kaysa sa buhok na kulot.
_________13. Ang gagamba ay hindi insekto.
_________14. Nakatatakot ang mga gagamba.
_________15. Mas masarap ang mga prutas kaysa gulay.
_________16. Ang mga prutas ay may iba’t ibang bitamina at mineral.
_________17. Labag sa ating batas ang magbenta ng alak sa mga bata.

Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.


_________18. Anong pang-angkop ang gagamitin kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig?
A. na B. ng C. g D. nang
_________19. Aling pangatnig ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita o kaisipang pinagpipiliian?
A. at B. pero C. subalit D. o
_________20. Aling pangungusap ang may maling gamit ng pang-angkop?
A. Kung ang iniisip mo ay magaganda at masasaya tiyak na magiging masayahin ka.
B. Kailangan ng lagi tayong may ngiti sa labi at masiglang makipag-usap.
C. Nararapat na magsalita ka nang masaya at umarte nang masaya.
D. Lumaging masigla at matatapos ang gawain mo nang hindi mo namamalayan.
_________21. Aling pangatnig ang dapat gamitin upang mabuo ang pangungusap?
Matiyaga niyang ginawa ang proyekto ____________ nasira ito ng ulan.
A. subalit B. bagaman C. samakatwid D. dahil
_________22. Anong pangatnig ang angkop na gamitin sa pangungusap upang pag-ugnayin ang dalawang
pangungusap na ito?
Nais kitang isama; hindi ka naman pinayagan.
A. kung B. subalit C. at D. habang
_________23. Ang pagiging matalino at mapanlikha ang naging dahilan _____________ makapunta ang tao sa
buwan.
A. upang B. subalit C. at D. pero
_________24. Anong pang-angkop ang gagamitin kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa n?
A. na B. ng C. g D. nang
_________25. Anong pang-angkop ang gagamitin kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa katinig?
A. na B. ng C. g D. nang
_________26. Makiisa tayong lahat _____________ umunlad ang bansa.
A. upang B. ngunit C. subalit D. kapag
_________27. Si Myra ay naglalaba ng damit __________ nagluluto ng pagkain para sa mag-anak.
A. habang B. kasi C. dahil D. kapag
Panuto: Tukuyin ang pangatnig sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

Mabigat ang trapiko kaya nahuli ako sa klase.


A. A. mabigat B. kaya C. ako
_________29. Naglilinis siya ng silid habang nakikinig sa radyo.

A. siya B. habang C. radyo


_________30. Magbabasa ako ng aklat o manonood ako ng telebisyon.
A. ng B. o C. ako
Panuto: Piliin mula sa kahon ang salitang sasapat sa bawat pangungusap. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bawat bilang.
A. ngunit
B. kahit
C. upang
D. dahil
E. at
_________31. Sa panahon ng krisis, tumataas ang presyo ng mga bilihin ________ ang bayad sa kuryente.
_________32. Hindi ako nakatulog kagabi ________ masyadong maingay ang aking kapitbahay.
_________33. Magsasanay ako tuwing hapon _________ gumaling ako sa pagtugtog ng piyano.
_________34. Mahimbing pa rin ang tulog ni Juan ___________ napakalakas ng tilaok ng mga manok sa kanyang
bakuran.
_________35. Pagod na si Carlo __________ hindi siya makatulog.

You might also like