You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA

SINING IV

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng 60-minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nakikilala ang iba’t ibang pagdiriwang sa mga pamayanang kultural sa bansa;
b. nakalilikha ng isang poster ng isang selebrasyon o pagdiriwang; at
c. naipagmamalaki ang pagdiriwang ng mga pamayanang kultural sa
pamamagitan ng likhang sining.

II. PAKSANG ARALIN:


PISTA NG PAMAYANANG KULTURAL
A. ELEMENTO: Kulay
B. KAGAMITAN: lapis, papel, watercolor o pang kulay, at cardboard
C. SANGGUNIAN: Kagamitan ng Mag-aaral-Arts-Ikalawang Markahan-Modyul 4

III. PAMAMARAAN:

A. PANIMULANG GAWAIN:
1. PAGGANYAK
Ipapanood ng guro sa mag aaral ang video ng "Piliin mo ang Pilipinas"

Ang guro ay magpapahula ng mga larawan at hayaan ang mga mag-aaral na ilarawan
ang mga ito.

Tanong: Saan madalas makita ang mga larawang ipinakita?


B. PANLINANG NA GAWAIN

1. PAGLALAHAD
Ilalahad ng guro ang patungkol sa paksa.

Ang mga Pilipino ay sadyang masayahin. Nakakapagbuklod tayo dahil sa mga


selebrasyon at pagdiriwang tulad ng panahon ng pagtatanim at pistang bayan. Ang
mga tao ay sama-samang nagsasaya, nagbabatian, at gumawa upang maisakatuparan
ang layunin ng kanilang pagdiriwang.

Pistang Bayan
Ang bawat lugar o bayan ay may kani-kanilang panahon ng pista. Ito ay
parangal sa santong patron ng bayan at ginagawa isang beses isang taon. Ang mahahalagang
bahagi ng pagdiriwang ay ang misa at prusisyon. Dito nagkakasama ang magkakaibigan at
magkakamag-anak. Lahat ay nagsasaya dahil sa mga palaro at masayang tugtugin ng mga
musikong umiikot sa buong bayan habang ang iba naman ay nagsasalo-salo sa masaganang
pagkain.

Halimbawa ng mga ipinagdidiriwang na Pista sa ating Bayan

PAHIYAS
Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa Lucban,
Quezon. Sa pamamagitan ng pistang ito, pinasasalamatan ng mga magsasaka ang kanilang patron
dahil sa kanilang masaganang ani. Bahagi ng selebrasyon ang pagdidisenyo ng mga bahay kung saan
ito ay napapalamutian ng kanilang sariling ani tulad ng mga prutas, gulay, bulaklak, dahon, ‘pako’ at
‘kiping’ na siyang nagdadala ng isang makulay na kabuuan.

PANAGBENGA
Ang Pistang Panagbenga o ang Baguio Flower Festival ay ang taunang Kapistahan sa Lungsod ng
Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero.Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga
bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya ito ay dinarayo taon-taon ng mga
turista.
Ang salitang panagbenga ay may kahulugang, “panahon ng pagyabang, panahon ng
pamumulaklak”. Sa selebrasyong ito makikita ang mga magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa
kalye, eksibit ng bulaklak, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pag-ayos ng bulaklak, maningning na
pagsabog ng mga paputok, at iba pa.

1. Saan ipinaparangal ng mga mamayang kultural ang pagdiriwang nilang pista?


___________________________________________
2. Anu-anong mga kulay ang kadalasan makikita ninyo sa panahon ng pista?
_________________________________________

2. GAWAING PANSINING

Hatiin ang klase sa grupong may tatlong kasapi. Atasan ang mga mag-aaral na gumuhit ng
poster patungkol sa pista. Kulayan ang poster ng krayola o watercolor. Gumamit ng masasayang kulay
gaya ng dilaw, pula, berde at iba pa upang maipakita ang masayang damdamin. Hayaang ipakita ng
mga mag-aaral ang kanilang likha sa klase at ipaliwanag ito.

3. PAGPAPALALIM SA PAGKAUNAWA
Tanong:
1. Paano nagagawa ng isang pintor na maipakita ang damdamin sakaniyang sining?
2. Ano-anong mga kulay ang nagpapahiwatig ng kasayahan nakadalasang ginagamit sa pista?

C. PANGWAKAS NA GAWAIN

1. PAGLALAHAT

Naipakita ang damdamin ng isang tao sa pamamagitan ng paggamit ng kulay. Ang mga kulay
tulad ng dilaw, kahel,pula, at iba pang kulay ay ginagamit sa mga masasayang pagdiriwang o
selebrasyon tulad ng pista.
IV. PAGTATAYA

Panuto A: Basahin at unawain ang sumusunod na mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ano-anong mga kulay ng mga palamuti sa mga pagdiriwang tulad ng Panagbenga, Pahiyas, at
Maskara upang maipakita ang masayang damdamin?
A. Pula, kahel, at dilaw C. Asul,berde,at lila B. Berde at dilaw-berde D. Itim,abo,at puti

2. Anong pakiramdam ninyo tuwing may pagdiriwang tulad ng pista?.


A. malungkot C. wala B. masaya D. magalit

3. Sa paggawa ng myural, anong pagpapahalaga ang dapat na bigyang pansin?


A.Pagsasarili sa ideyang gagawin.
B.Pagtutulungan at kooperasyon sa paggawa.
C.Pagpapagawa ng mahihirap na detalye sa mga nakatatanda.
D.Pag-uwi ng mga gawaing di natapos.

4. Sa mga pista at masasayang pagdiriwang, anong kulay ang kadalasan kulay na makikita.
A.dilaw C. berde B.asul D. lila

5. Anong pagdiriwang ang idinaraos sa sa Lungsod ng Baguio?


A.Panagbenga C. Pahiyas B.Moriones D. Maskara

🙂
☹️
Panuto B: Iguhit ang masayang mukha( ) kung wasto ang isinasaad ng pangunguasap
malungkot na mukha( ) naman kung hindi wasto.
_____1.Ang Pahiyas Festival ay isang makulay na pagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa Baguio.
______2.Ang kulay na dilaw, pula, at kahel ay kadalasang makikita sa panahon ng pagdiriwang ng
pista.
______3.Ang Panagbenga ay tinatawag ding flower festival sa Lungsod ng Baguio.
______4.Nangibabaw ang masayang pakiramdam sa pagdiriwang ng pista.
______5. Kapag gumawa ng myural, ay hindi ka tutulong sa iyong mga kasamahan.

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Maghanap ng mga larawan ng pista sa inyong barangay. Idikit ito sa isang bond paper.

INIHANDA NI:

Cathlyn Karyle F. Bañaga


BEED-3B

You might also like