You are on page 1of 6

Department of Education

Region III
Division of Pampanga
Sasmuan District
Sasmuan Elementary School

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan II


(Ikalawang Markahan)

I. Layunin:
1.Natutukoy ang pagdiriwang sa komunidad
2.Nailalarawan ang mga gawain o paraan ng
pagdiriwang.
3.Masasabi kung paano nakikibahagi ang
pamilya o paaralan sa pagdaraos ng mga
pagdiriwang.

II. Paksang Aralin:


Aralin 2.2
Mga Pagdiriwang sa Komunidad
Sanggunian: TG – Araling Panlipunan II pah. 126-134, LM –
pah. 126
Kagamitan: Kapistahan ng Mahal na Sto. Niňo sa Sasmuan
na nakasulat sa tsart, larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano-anong mga gawain ang mga gawaing
ginagawa ng pamilya tuwing Mahal na Araw?
2. Pagganyak
1. Ipakita ang larawan ng komunidad ng Sasmuan
2. Ipasuri sa mga bata ang larawan
3. Itanong:
 Ano ang napapansin ninyo sa larawang inyong
nakikita?
 Kailan ninyo nakikita ang pagdaraos ng pagdiriwang
na ito?

B. Panlinang na Gawain
Babasahin ng guro:

Ing Kapiyestan nang Apung Niňo

Balang Eneru, pagselebran ya ing piyesta nang


Apung Niňo. Metung yang maragul at masayang
selebrasyun ning Parokya na nang Apu Lucia ning
Sasmuan. Dakal a darayung bisita a menibatan karing
aliwa-aliwang baryu ning Sasmuan at kalapit balen.

Maganap ing misang alas dos ning gatpanapun at


katuki na niti ipalwal ya ing prusisyun. Matula la ring
taung makyabae king prusisyun kabang teterak la at
gugulisak “Viva Apung Niňo”. Atin mu naming mosikus a
manigtigan ampon ati-atihan a tatambul. Karing arapan
bale da ring memaryu , lawus king lub da ing magpainum
marimlang inuman, mamye tinape ampon kendi karing
bisitang makyabe ampon mamanata kang Apung Niňo.

Potang ipalub da na ing prusisyun, sagana na la ring


mangatning akbungan, makukuleng sulu da reng
pamakbung ampong masiglang tigtig da ring mosikus.
Gagawan da iti king Parokya na Apu Lucia ning
Sasmuan balang banwa bilang kapasalamatan kang Apung
Niňo.

“Viva Apung Niňo” masaya dang gugulisak


agnan-agnan ding anggang tinagun at
mekyabe kaniting kapyestan.

2.Pagtalakay
Itanong:
 Ano ang pagdiriwang ang ginagawa sa Parokya ni
Sta Lucia ng Sasmuan, Pampanga?

3. Pangkatang Gawain
Hatiin ang klase sa tatlong pangkat

Gawain 1
Paano ipinagdiriwang ng bawat pamilya ang
okasyong ito?

Gawain 2
Paano nakikibahagi ang paaralan sa
pagdiriwang?
Gawain 3
Iguhit ang karaniwang nakikita na ginagawa ng
mga tao sa pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Sto.
Nińo.

4.Ipaulat ang ginawa ng bawat pangkat sa kanilang


tagaulat.
C. Pangwakas na Gawain
1.Paglalahat
Ano-anong mga gawain/paghahanda ang ginagawa
ng inyong pamilya tuwing kapistahan?

Bakit dapat na makibahagi ang paaralan sa


pagdiriwang na ito sa komunidad?

2. Paglalapat
Buuin ang graphic organizer para maipakita ang
gawaing isinasagawa sa komunidad at paaralan
Ang Pagdiriwang ng Pista

Ing Pamagsadya ning Pamilya Pamagsadya ning Iskwela


1. . 1.
2. 2.
3. 3.

IV. Pagtataya:
Bilugan ang titik ng tamang sagot:
1.Ano ang ipinagdiriwang ng komunidad ng Parokya ni Apu
Lucia ng Sasmuan tuwing Enero?
a. Pista ng Mahal na Sto. Nińo
b. Mahal na Araw
c. Santa Krusan
d. Pasko
2. Ano ang isinasagawang gawain pagkatapos
ng misa?
a.palatuntunan
b.prusisyon
c.sayawan
d.kainan
3.Kailan pa ipinagdiriwang ang kapistahan ng Sto Nino
maliban sa buwan ng
Marso at Abril?
a.Enero
b.Pebrero
c.Hunyo
d.Hulyo
4. Maliban sa pamilya at simbahan, alin sa mga
bumubuo nito ang nakikibahagi sa
pagdiriwang?
a.paaralan
b.sentrong pangkalusugan
c.palengke
d.barangay hall
5.Ano ang mabuting naidudulot ng pagdiriwang
na ito sa komunidad?
a. Pagsasama-sama ng mga tao
b. Pagkakaisa ng mga tao
c. Pagmamahalan ng mga tao
d. Lahat ng naabanggit sa a, b at c

V. Kasunduan:
Pumili ng isang pagdiriwang sa inyong komunidad. Itala sa
kwaderno ang mga kaugaliang ginagawa ng inyong mag-anak
sa pagdiriwang na ito.

Inihanda ni:

G. Eduardo P. Pinlac
Grade V – Teacher
Sasmuan Elem. School

You might also like