You are on page 1of 3

Department of Education

Region III
Schools division Office of Olongapo City
District I-C
OLONGAPO CITY ELEMENTARY SCHOOL

Pagpapakitang-turo sa Araling Panlipunan II

A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ang pang-unawa sa kwento ng pinagmulan ng sariling


komunidad batay sa konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy at pagpapahalaga
sa kulturang nabuo ng komunidad.

B. Pamantayan sa Pagganap

Naipagmamalaki ang kultura ng sariling komunidad.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Nauunawaan kung paano nakikibahagi ang paaralan o mag-aaral sa pagdaraos


ng mga padiriwang pansibiko.

I. LAYUNIN

1. Natutukoy ang mga pagdiriwang na pansibiko sa komunidad.


2. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng mga pagdiriwang na pansibiko.
3. Nailalarawan ang mga gawain o paraan ng pagdiriwang na pansibiko sa
komunidad.

II. NILALAMAN

A. Paksa: Mga Pagdiriwang na Pansibiko sa Aking Komunidad

B. Sanggunian:

Araling Panlipunan 2
Teacher’s Guide, pahina 36-37
Kagamitan ng Mag-aaral pahina 110-112

C. Kagamitan: Power Point Presentation, mga larawan

D. Pagpapahalaga: Napapahalagahan ng mga mamamayan ng Olongapo


ang mga pagdiriwang pansibiko sa pamamagitan ng pakikibahagi sa
pagdiriwang o selebrasyon nito.
III. PAMAMARAAN

A. Balik-aral:

Magbibigay ang guro ng mga piraso ng larawan na kailangang buuin ng


bawat pangkat ng mga mag-aaral.

B. Paghahabi ng layunin sa aralin:

Magpakita ng mga larawan ng pagdiriwang pasibiko . Hayaang kilalanin at


bigkasin ng mga bata ang pagdiriwang na pansibiko na nasa larawan.Itala
ang kanilang mga sagot.

C. Pagtatalakay ng bagong konsepto o paglalahad ng bagong kasanayan:

Talakayin kung paano nakikibahagi ang mga mag-aaral sa mga


pagdiriwang na pansibiko sa sariling komunidad.

D. Paglinang sa kabihasnan:

Hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat. Papiliin ang bawat


pangkat ng isang pagdiriwang na pansibiko. Ipa-piping- palabas ito at
hayaang hulaan ng mga bata kung anong pagdiriwang ito.

E. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay:

Pumalakpak kung ang pangungusap ay nagsasaad ng pakikiisa sa


pagdiriwang at huwag pumalakpak kung hindi.

1. Pag-aalay ng bulaklak sa monumento ng bayani kapag araw ng


kaayaan.
2. Huwag sumali sa programa ng paaralan kapag araw ng
kagitingan.
3. Alagaan at panatilihing malinis ang mga parke kung saan
matatagpuan ang mga monument ng mga bayani.

F. Paglalahat ng aralin.

Ang mga pagdiriwang ay nagbubuklod sa mga tao sa ating komunidad


tungo sa pagkakaisa at pag-unlad.
G. Pagtataya ng aralin:

Isulat ang TAMA kung nagpapakita ng pagkakaisa ang pangungusap at


MALI kung hindi.
_____1. Sasali ako sa patimpalak sa paggawa ng slogan tungkol sa Araw
ng Kalayaan.
_____2. Hindi ako sasama sa parade kapag Rizal Day.
_____3. Bilang boy/girl scout, dadalo ako sa pag-aalay ng bulaklak sa
Rizal Triangle tuwing ika-12 ng Hunyo.
_____4. Sasama ako sa tatay ko sa pagpo-protesta tuwing Mayo 1 o araw
ng mga manggagawa.
_____5. Gagamit ako ng malalakas na paputok tuwing bagong taon.

H. Takdang Aralin:

Magdikit sa kwaderno ng isang larawan ng pagdiriwang pansibiko sa iyong


komunidad na nasalihan o nadaluhan mo.

You might also like