You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION V
Division of Camarines Sur
Baao District
AGDANGAN ELEMENTARY SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 3
Pangalan:__________________________________________ Grade III - _________ Iskor: _________

I. Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI naman kung
hindi.
________ 1. Ang Rehiyon V – Bicol ay nasa timog-silangan ng Luzon.
________ 2. Ang salitang “Bicol” ay hango sa salitang “biko” na ang ibig sabihin ay “tiko o biko-biko”.
________ 3. Ang sentro ng komersiyo at pangrelihiyong gawain sa rehiyon ay ang lungsod ng Naga.
________ 4. Ang lungsod ng Tabaco ay ang kabisera ng lalawigan ng Albay kung saan matatagpuan ang
opisinang pangrelihiyonal.
________ 5. Sa Camarines Sur makikita ang daungan ng mga barkong papuntang Visayas at Mindanao.
________ 6. Ang lalawigan ng Masbate ay tinatawag na Rodeo Capital of the Philippines.
________ 7. Sa Camarines Norte makikita ang pinakaunang monumento ni Rizal sa Rehiyon ng Bicol.
________ 8. Bicol-Naga ang pangunahing wika sa Rehiyong Bicol.
________ 9. Ang Sorsogon ay kilala bilang Eco-Adventure Paradise dahil sa katangi-tangi nitong
magagandang tanawin.
________ 10. Mayroong Pitong (7) lalawigan ang Rehiyong Bicol.

II. Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
______ 11. Ito ay kilala ng lahat na Bicolano lalo na sa mga kasalan. Pagtugtog nito, sasayaw ang mga ninong
o ninang, mga magulang , at ang bagong kasal.
A. Lapay Bantigue C. Pagdayao Festival
B. Pantomina D. Peňafrancia Festival

______ 12. Ito ay isang uri ng sayaw na ipinapakita ang paglipad ng ibon na makikita sa Masbate. Ang
pagdiriwang na ito ay pasasalamat sa kanilang Patrona na si Santa Felomina.
A. Lapay Bantigue C. Pagdayao Festival
B. Pantomina D. Peňafrancia Festival

______ 13. Ipinagdiriwang sa Naga City tuwing buwan ng Setyembre bilang pag-alaala at pagpupugay sa
milagrosong Birhen ng Peňafrancia.
A. Lapay Bantigue C. Pagdayao Festival
B. Pantomina D. Peňafrancia Festival
______ 14. Ito ay masasaksihan sa lungsod ng Masbate tuwing buwan ng Hunyo. Ito ay ginagawa bilang
pagbibigay-pugay sa kanilang patron, ang San Antonio de Padua.
A. Lapay Bantigue C. Pagdayao Festival
B. Pantomina D. Peňafrancia Festival

______ 15. Siya ang naging unang gobernador sa Camarines Norte.


A. Fr. Alfonso Jimenez C. Gobernador Francisco Sande
B. Juan de Salcedo D. Dr. Miguel R. Lukban

______ 16. Siya ang unang misyonaryo sa pulo ng Masbate, Burias, Leyte, at Samar.
A. Fr. Alfonso Jimenez C. Gobernador Francisco Sande
B. Juan de Salcedo D. Dr. Miguel R. Lukban

______ 17. Siya ang nag-utos na tawaging Camarines ang mga tirahan ng Espanyol.
A. Fr. Alfonso Jimenez C. Gobernador Francisco Sande
B. Juan de Salcedo D. Dr. Miguel R. Lukban

______ 18. Binuo niya ang Albay bilang isang lalawigan na may dalawang bahagi; Camarines at Ibalon noong
1573.
A. Fr. Alfonso Jimenez C. Gobernador Francisco Sande
B. Juan de Salcedo D. Dr. Miguel R. Lukban

III. Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga tanong. Piliin sa loob ng kahon at isulat lamang
ang titik ng sagot sa patlang.
A. Albay
B. Camarines Norte
C. Camarines Sur
D. Catanduanes
E. Masbate
F. Sorsogon
______ 19. Galing sa pangalan ng isang matigas na uri ng kahoy na kung tawagin ay “samdong” o “tando” na
makukuha kahit saang bahagi ng pulo.
______ 20. Ang Kristiyanismo sa Kabicolan ay nagsimula dito noong 1569.
______ 21. Tanyag ang lalawigang ito sa pagmimina ng ginto, paggawa ng magagandang uri ng alahas, mga
gamit sa bahay, matamis na pinya, at niyog.
______ 22. Ito ang pinakamalaki, pinakamalawak at pinakamaraming populasyon sa anim na lalawigan ng
Bicol.
______ 23. Ang pangalan nito ay galing sa salitang “sosogon”, na ang kahulugan ay hanapin ang daan o
direksyon.
______ 24. Ang kasalukuyang pangalan nito ay galing sa Al Bay-bay na ang kahulugan ay papunta sa
baybaying-dagat.
______ 25. Ito ay may 15 bayan at 3 lungsod: Legazpi, Ligao at Tabaco.
______ 26. Tanyag ito sa butanding, ang pinakamalaking pating sa mundo.
______ 27. Galing ang pangalang ito sa Camaronchones o Camarines wikang kastila na ang ibig sabihin ay
“kamalig” o maliit na bahay na yari sa kawayan at nipa.
______ 28. Ipinagdiriwang dito ang Pinyasan Festival kung saan itinatampok ang kanilang masaganang ani
ng produktong pinya.
______ 29. Dito matatagpuan ang simbahan na gawa sa korales na itinayo sa pamamagitan ng sistemang
polo
- ang sapilitang paggawa noong panahon ng Espanyol.

IV. Panuto: Pagtambalin ang Hanay A (lalawigan) at Hanay B (tawag sa lugar). Isulat ang tiktik ng sagot
sa patlang.
A. B.
______ 30. Albay A. Ang Lugar ng Kasanggayahan
______ 31. Camarines Norte B. Ang Tahanan ng Bulkang Mayon
______ 32. Camarines Sur C. Ang Lugar ng Rodeo Festival
______ 33. Catanduanes D. Ang Lugar ng Pinyahan Festival

______ 34. Masbate E. Ang Lugar ng Catandungan Festival

______ 35. Sorsogon F. Ang Tahanan ng Sinarapan

V. Panuto: Magbigay ng Lima sa Pitong Lungsod (City) na matatagpuan sa Bicol.


36. _____________________
37. _____________________
38. _____________________
39. _____________________
40. _____________________

You might also like