You are on page 1of 25

AP 3 Q2 Modyul 1

Scriptwriter: Alma R. Santiago

Disclaimer: All music and graphics played


Are recognized by this program as within
International Intellectual property law. And are
intended for educational purposes only, without
any means of commercial use. EOS
Isang maaliwalas at covid-free na araw mga grade 3! Kumusta ang inyong
pananatili sa loob ng inyong mga tahanan? Kumusta rin ang inyong
gawaing pang-modyuls? Kumusta ang mga kasapi ng inyong pamilya?
Ako si Teacher A ang maliit na medyo makulit pero mabait na may hush
tag na..happy lang!..na laging handang maghatid ng kaalaman sa inyong
pang-araw-araw na paglalakbay sa inyong mga modyuls sa AP 3
modyul 1 dito sa SMILE TV ng DepEd Dipolog City Division Rehiyon
Nueve, Tangway ng Zamboanga, ang inyong kaagapay sa pag sulong ng
Edukasyong de kalidad.EOS
Hindi man tayo pisikal na nagkikita, bunsod ng pananalasa ng Covid-19,
subalit sasamahan ko pa rin kayo sa inyong pag-aaral gamit ang inyong
mga modyuls at dito na rin sa pantelebisyon paaralan ng SMILE TV ng
Dipolog City Division Rehiyon 9, Tangway ng Zamboanga, ang inyong
kaagapay at kasama sa pagsulong ng de kalidad na
edukasyon.Inaasahan ko ang inyong buong pakikiisa, pakikilahok at
pakikibahagi upang maipaabot ko sa inyo ang kalinangan na nararapat sa
inyong paglalakbay sa ikatlong baitang. Isang matamis na smile naman
dyan Grade 3 learners! Wow!!! ang sarap ng nadarama ko ngayon na
kayo’y nakikita kong nakasmile at eksayted nang simulan ang bagong
aralin sa araw na ito. EOS
Ngunit bago ang lahat ay nais ko munang itanong kung kayo ba ay
kumain na? Nakatulog ba kayo ng mahimbing? Maganda ba ang inyong
araw? Nagawa nyo na ba ang inyong araw-araw na mga responsibilidad
sa inyong bahay? Sana naman ay pawang oo ang inyong mga kasagutan
kasi wish ko talaga na laging kayo ay nasa mabuting kalagayan at
masaya palagi.Isang birtwal na thumbs up naman dyan mga bata! Wow!
batid kong handa na kayong lakbayin ang ating aralin sa SMILE TV ng
DepED,Dipolog City Division ang inyong kaagapay sa pagsulong ng de
kalidad na edukasyon.Sa mga mag-aaral na naka tele-klasrum ngayon,
please huwag kayong maglilipat ng tsanel ha? At tanging SMILE TV lang
ang tutukan.EOS
Samahan ninyo akong muli sa 30-minutong talakayan sa AP 3 modyul 1.
Sabay nating lakbayin at matututuhan ang
Kapaligiran at Ikinabubuhay ng mga Lalawigan ng Kinabibilangang
Rehiyon.
Grade 3 learners,bago natin sisimulan ang talakayan na kasama syempre
ako at ang inyong mga magulang. Sa mga kapamilya, mga nanay, tatay
ate at kuya, paalala lang po huwag nyo pong hayaang mag-isa ang ating
mga Grade 3 learners ha sa kanilang araw-araw na paglalakbay ng
kanilang mga modyuls tungo sa karunungan nang sa ganun po ay
kampante nilang tatahakin ang hamon ng aralin sa araw na ito.EOS
Layunin natin sa araw na ito ang :
Naipaliliwanag ang kaugnayan ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay ng
mamamayan sa lalawigan ng kinabibilangang rehiyon at sa mga lalawigan
ng ibang rehiyon. (MELC-AP3EAP- IVa-1)
• nakapag-uugnay ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay ng
kinabibilangang lalawigan o lungsod; at
• nakapaglalarawan ng uri ng ikinabubuhay ng kinabibilangang lalawigan
o lungsod ayon sa kapaligiran.(MELC-AP3EAP- IVa-1)
Mga batang milenyals handa na ba kayo? At upang gaganahan tayong
simulan ang aralin ay aawitan muna kayo ni teacher A.EOS
Sa Ating Kapaligiran
( Lagkaw Tune )
Sa ating kapaligiran at ikinabubuhay
Nakapaglalarawan ng lalawigan o lunsod
Nakapaglalarawan ng uri ng ikinabubuhay
kinabibilangang lalawigan o lungsod ayon sa kapaligiran
Kilalang-kilala nyo na ba ang lalawigan o rehiyon na iyong kinabibilangan?
Kaya nyo bang ilarawan ang mga uri ng ikinabubuhay ng kinabibilangang
lalawigan o lunsod? Tara samahan niyo ako sa mahigit- kumulang
tatlumpung talakayan sa ere.EOS
Malaki ang kaugnayan ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay ng mga tao
sa lalawigan ng kinabibilangan rehiyon.
Gamit ang inyong mga modyuls ay tunguhin ang bahaging
Balikan na nasa pahina 2 at sabay nating basahin at sundin ang panuto.
Panuto: Ipamalas ang pagpapahalaga sa pagkakatulad at pagkakaibaiba
ng mga kultura gamit ang sining na nagpapakilala sa lalawigan at rehiyon.
Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
Sa puntong ito ay kailangan niyong maghanda ng papel, lapis at hawak-
hawak na modyuls.EOS
1. Ano ang idinadaos sa Lungsod ng Zamboanga na nagbibigay pugay sa
patron?
A. Zamboanga Hermosa Festival
B. Megayon Festival
C. Sibug-Sibug Festival
D. Pagsalabok Festival
Sagot: A. Zamboanga Hermosa Festival
2. Saan nag-umpisa ang Kinabayo Festival?
A. Lungsod ng Dipolog B. Lungsod ng Pagadian
C. Lungsod ng Dapitan D. Lungsod ng Zamboanga
Sagot: C. Lungsod ng DapitanEOS
3. Ano ang ipinakita ng mga taga-Dipolog sa Pagsalabok Festival?
A. Pagsama-sama ng mga Muslim, lumad at ibang tao na may kultura sa
pamamagitan ng sayaw
B. Pagpapakita ng misteryo at makukulay na sayaw-drama noong
panahon ng Espanyol.
C. Pagpapakita ng sayaw bilang daan ng pagpapasalamat sa
magandang ani ng lugar.
D. Makulay ang pasasalamat ng magandang ani at pagkakaisa ng
pangkat etniko.
Sagot: A. Pagsama-sama ng mga Muslim, lumad at ibang tao na may kultura
sa pamamagitan ng sayawEOS
4. Alin ang HINDI nagpapakita ng pagmamalaki at
pagpapahalaga sa kultura ng lalawigan?
A. Gumawa ng tula o awit tungkol sa lalawigang tinitirahan.
B. Gumawa ng patalastas ukol sa produktong imported
C. Ipakita sa isang dula-dulaan ang pagdiriwang sa lalawigan.
D. Magpakita ng larong Pinoy na laging nilalaro sa lalawigan.
Sagot: B. Gumawa ng patalastas ukol sa produktong
importedEOS
5. Sino sa kanila ang nagpapahalaga sa kultura ng lalawigan?
A. Si Ana ay sumali sa patimpalak na pag-awit gamit ang katutubong
wika.
B. Si Luis ay nakasuot ng amerikana.
C. Laging sinusuot ni Fe ang sapatos na mula ibang bansa.
D. Mahilig manood ng Korean teleserye si Noel.
Sagot: A. Si Ana ay sumali sa patimpalak na pag-awit gamit ang
katutubong wika.EOS
Kapaligiran at Ikinabubuhay ng mga Lalawigan ng Kinabibilangang
Rehiyon ating tuklasin..ngayon na as in..now na!
Tunguhin ang bahaging tuklasin ng inyong mga modyuls nasa pahina
3.
Saan kumukuha ng ikinabubuhay ang mga tao sa inyong lugar?
Ano ang kaugnayan ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay sa inyong
lalawigan?
Ating alamin kung ano ang hanapbuhay ng mga tao
sa iba’t ibang kapaligiran. EOS
Ang Kapaligiran ng mga lalawigan sa Zamboanga Peninsula
Ang Zamboanga Peninsula ay binubuo ng tatlong lalawigan. May mga
kapatagan at bahaging mabundok ang mga lungsod sa rehiyon.
Bulubudukin ang hilagang bahagi ng tangway samantalang malawak na
kapatagan naman ang timog hanggang kanlurang bahagi nito. Ang buong
Zamboanga Peninsula ay maburol, mabundok, at mayroon ding bahaging
patag. Mahahaba rin ang dalampasigan dahil napapaligiran ito ng dagat.
Dahil sa pisikal na katangian ng mga probinsya, pagtatanim, gawaing
pang-agrikultura, pangangalaga ngmga hayop, at pangingisda. Marami
ring mga turista ang pumupunta rito na nakatutulong sa hanapbuhay ng
mga tao rito ang kapaligiran ng Zamboanga Del Norte.EOS
Isa ring industriya rito ang turismo dahil na rin sa maraming magagandang
dalampasigan. Ang lungsod ng Zamboanga na kilalang Sardines Capital
of the Philippines ay sagana sa iba’t ibang uri ng industriya gaya ng: mga
pagawaan ng sardinas at hilaw na materyales mula sa halamang-dagat;
ang pabrika ng copra processing at cassava; pagawaang ng mga
muwebles; dekorasyong gawa sa kahoy, kawayan, rattan/oway,plastic at
bakal;mga gawaing-kamay mula sa ceramics; kabibe, bao, ng niyog, at
iba pang indigenous materials; paghahabi; at ang pagmimina ng ginto,
copper, at molybdenum. Ang lungsod ng Pagadian ay sentro ng
komersiyo, industriya; at edukasyon. Marami rin itong mga pagawaan at
gusali. EOS
Gawaing pang-agrikultura pa rin ang isa sa pangunahing kabuhayan ng
lungsod dahil na rin sa katangiang pisikal na mabundok at maburol.Nasa
gawing hilaga ito ng ng lalawigang ito ang Zamboanga del Norte, sa
silangan ang Zamboanga del Sur, at sa gawing timog- kanluran kung
saan naroroon ang lungsod ng Zamboanga ay ang Golpo ng Sibugay.
May bahagi ng lalawigan na may malawak na kapatagan, ngunit ang iba
naman ay maburol at mabundok. Mayaman sa mineral ang lalawigan
tulad ng uling at ginto. Marami ring yamang tubig dito dahil sa iba’t iba
anyong tubig sa kapaligiran. Pangunahing hanapbuhay ng mga tao rito
ang pangingisda, pagtatanim at pagmimina.EOS
Grade 3 learners,atin ngayong sasagutin ang mga katanungan .
1.Anong uri na kapaligiran ang lalawigan ng Zamboanga del Norte?
Sagot: Ang uri ng kapaligiran ng Zamboanga del Norte ay…ano nga ba
mga bata? Magaling! Ito ay..bulubundukin at malawak ang..malawak
ang..very good! Malawak ang dagat.
2.Paano iniuugnay ng mga tao sa lalawigan ng Zamboanga del Sur
ang kanilang pamumuhay sa kanilang kapaligiran?
Sagot: Iniuugnay ng mga tao sa lalawigan ng Zamboanga del Sur ang
kanilang pamumuhay sa kanilang kapaligiran ay nasa agrikultura pa rin,
ang isa sa pangunahing kabuhayan ng lungsod dahil na rin sa katangiang
pisikal na mabundok at maburol.EOS
3.Ano ang kaugnayan ng kapaligiran sa pangunahing pamumuhay ng
mga tao bilang mga mangingisda sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay
Sagot: Ang kaugnayan ng kapaligiran sa pangunahing pamumuhay ng
mga tao bilang mga mangingisda sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay
ay dahil marami ring yamang-tubig ang lalawigang ito.

Ngayon naman ay sabay nating susuriin ang paksang ating sabay na


inunawa at pinag-aralan kani-kanina lang.
Sa bahaging SURIIN at PAGYAMANIN na nasa pahina 5, ay narito
ang inyong dapat gawin.
Panuto: Iugnay ang kapaligiran sa uri ng pamumuhay ng
kinabibilangang lalawigan o lungsod. Suriin ito sa pamamagitan ng
pagpuno ng tamang sagot sa talahanayan. Gawin ninyo ito sa loob ng
inyong mga tahanan sa tulong ng inyong mga kapamilya.
Gawain A.Panuto: Ilarawan ang uri ng ikinabubuhay ng kinabibilangang
lalawigan o lungsod ayon sa kapaligiran.Isulat sa patlang ang sagot.
___1.Mabundok at maburol ang malaking bahagi ng lalawigang ito.
___2.Ito ang ikatlo sa pinakamaliit na lalawigan sa buong Rehiyon IX.
___3. Ang Bundok Dabiak ay nasa lalawigan ng...
___4. Mayaman sa mineral tulad ng uling at ginto, ang lalawigang ito.
___5. Lalawigang sagana sa iba’t ibang uri ng industriya.EOS
Gawain B.
Ilarawan ang uri ng ikinabubuhay ng kinabibilangang lalawigan o
lungsod ayon sa kapaligiran. Hanapin sa kahon ang sagot.
Mga batang may laban ng ikatlong baitang, gawin ninyo ang bahaging
ito sa inyo pa ring mga tahanan at huwag makalimot na humingi ng
tulong sa inyong mga kapamilya o di kaya’y mag text o mag pm sa
inyong guro nang magabayan kayo sa gawaing ito sa inyong bahay.
Kasama ng pagsauli ng inyong mga modyuls ay huwag niyo ring
kaligtaang isama ang inyong mga kasagutan sa mga gawaing ito.EOS
Ngayon naman ay tumungo tayo sa… Gawain: Gawa Mo, Paliwanag
Mo!sa pahina 6 ng inyong mga modyuls.
Panuto: Ipahayag ang kaugnayan ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay
ng kinabibilangang lalawigan o lungsod
1. Paano mo maiuugnay ang iyong kapaligiran sa uri ng pamumuhay
sa kinabibilangang lalawigan?
Sagot: Sa tingin ko ay ganito rin siguro ang inyong mga
kasagutan… Maiuugnay ko ang aking kapaligiran sa uri ng
pamumuhay sa kinabibilangang lalawigan sa pamamagitan ng likas
na yaman na mayroon ito.EOS
2.Ilarawan ang uri ng ikabubuhay ng kinabibilangang lalawigan o lungsod
ayon sa kapaligiran.
Ang uri ng ikinabubuhay ng kinabibilangang lalawigan o lunsod ayon sa
kapaligiran ay nakadepende sa kung anong likas na yaman mayroon ang
lalawigan o lunsod nito.
Grade 3 learners,,binabati ko kayo sapagkat nalagpasan ninyo ng buong
husay at galing ang aralin natin ngayon sa araw na ito. Upang lubos kong
malaman kung kayo ay may bitbit na dunong ay bibgyan ko kayo ng
maikling pagsubok na magtataya ng inyong napulot sa aralin natin.
Tunguhin ang bahagingTayahin na nasa pahina 7 at sabay nating basahin
at gawin ang panuto.EOS
Panuto: Ipaliwanag at ilarawan ang kaugnayan ng kapaligiran sa uri ng
pamumuhay ng mamamayan sa kinabibilangang lalawigan o lunsod at
rehiyon.
Hanapin ang sagot sa Hanay B mula sa mga pahayag sa Hanay A
____1. Si Mang Noli ay isang magsasaka. ( E kapatagan)
____2. Sumama si Kuya kay Tatay sa pangingisda.( B. malapit sa dagat)
____3. Sa minahan umaasa ang pamilya ni Mang Ben.
(C.sagana sa mineral )
____4. Nagtataka ang apo ko nang makita ang ibang disenyo ng tricycle
na sinasakyan namin. ( C. sagana sa mineral )
____5. Abala sa paglilinis ang mga tao sa tabing-dagat, dahil darating
ang mga turista ( D. maputing baybayin)EOS
B.
a. maburol at mabundok
b. malapit sa dagat
c. sagana sa mineral
d. maputing baybayin
e. kapatagan
f. kagubatan
Para sa karagdagang gawain tunguhin ang pahina 7.
Karagdagang Gawain Panuto: Iguhit ang kapaligiran at ang uri ng
pamumuhay na nakaugnay sa lalawigan na tinitirahan mo.EOS
Itutuloy natin ang ating talakayan sa susunod na araw. Magbabalik ang
SMILE TV ng DepED Dipolog City Division bukas. Muli ito ang inyong
Teacher Broadcaster si Teacher A na may hushtag na…HAPPY LANG!
na MAY MAKabansang PAALALA na nagsasabing: Igalang ang
pambansang sagisag ng bansa, huminto sa tuwing inaawit ang Lupang
hinirang bilang pagpapakita ng paggalang sa pambansang
pagkakakilanlan. Paalam.EOS

You might also like