You are on page 1of 2

Intro : Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan at sandigan ng bayan!

Ito ang TV Express! Mata ng bayan, boses ng katotohanan.


Myerkules, ikawalo ng Pebrero taong dalawang libo dalawanput dalawa.
Isang mapagpalang araw Pilipinas, Probinsiya ng Iloilo. Ito ang inyong
kaagapay, JOELINA MARCH Granja JASPE, ang maghahatid sa inyo ng
balitang siksik, sulit na sulit.

Para sa nagbabagang balita…

COLEGIO DE SAN JOSE NAG-MARKA NG IKA-150


TAON SA PAMAMAGITAN NG KABALKADA NG
AWIT AT SAYAW.
Buong pagmamalaking ipinagdiwang ng mga estudyante at alumni
ng Colegio de San Jose ang ika-150 anibersaryo nito sa pamamagitan ng
kabalkada ng awit at sayaw noong Nobyembre 22, 2022. Napuno ng
mga ngiti at halakhak ang isang buong araw na pagdiriwang dahil sa
mga hinandang pasabog kagaya na lamang ng mahuhusay na mga
musikero at mga mananayaw na nagbigay aliw sa mga manonood.

Masasayang mukha ang maaaninag sa bawat estudyante at alumni nang


ginanap ang isa sa pinakaimportanteng okasyon para sa lahat. Ang
espiritu ng pagkakaisa ay damang-dama habang pumapaloob lahat
upang pumalakpak at kumanta sabay ng mga awitin.

Ang pagdiriwang na ito ay angkop na pagbibigay-pugay sa makulay


na kasaysayan at tradisyon ng Colegio de San Jose. Sa loob ng
maraming taon, nagbigay ang paaralan ng kalidad na edukasyon at
binigyang-pugay ang hindi na mabilang na mga estudyante. Ang
kabalkade ng awit at sayaw ay isang masayang pagdiriwang ng kultura
ng CSJ, at isang paraan na rin upang ihanda ang lahat sa susunod pang
mga kabanata.
Outro: Iyan po ang isang minutong pagbabalita mula sa programang di
lamang naghahatid ng balitang sariwa kundi balitang tumatatak din sa
inyong puso at diwa.
Ito ang inyong kaagapay, JOELINA MARCH GRANJA JASPE, mata ng
bayan, boses ng katotohanan. TV express!
Magandang araw!

You might also like