You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322

Module #3

Name: Asuncion, Alwin C. Date: July 6, 2021

Course and Block: BSED-MATHEMATICS 2A

1.2. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Submit your answer in PDF File.

1. Paano nakakatulong ang awit o musika sa pagpapakita ng isang pagiging Pilipino?

Ang isang awit ay binubuo sa saliw ng ibat ibang ritmo. Ngunit ito ay ginagamit din upang
maipadama ang ating pagiging makabayan sa pamamagitan ng pagrespeto natin sa ating
Pambansang awit ang “Lupang Hinirang”. Inaawit ito ng may buong paggalang habang iniaangat ang
ating Pambansang watawat. Ito rin ay kinakanta na may 4/4 na beat at hindi ito pwedeng baguhin ng
kahit na sinumang nais umawit nito. Ang ating Pambansang awit ay kinakanta rin ng nakalagay ang
kanang kamay sa dibdib o kaya ay nakasalute. Bilang pagmamahal natin sa ating sariling bayan. Ang
sinumang hindi gumawa nito habang ito ay kinakanta ay maaaring patawan ng parusa na pagmumulta
ng 50,000 hanggang 100,000 piso o patawan ng pagkakakulong na pwedeng umabot ng taon at ito
ay nakapaloob sa Republic act no. 8491

2. Ano ang naging ambag ng awit/ musika sa ekonomiya ng Pilipinas?

Dahil likas na mahilig umawit ang mga Filipino karamihan sa ating mga kababayan ay
ginagamit itong pangkabuhayan sa ibat-ibang panig ng bansa na siyang nagbibigay ng maraming
taxes sa ating bansa. Dahil sa musika nakikilala ng ibang bansa ang talento nating mga pinoy na ang
ating bansa ay likas na matangkilik sa musika. Isa rin itong pamamaraan upang tayo ay dayuhin ng
ibat ibang musikiro ng ibat ibang bansa upang magtanghal dito sa ating bayan, Dahil dyan ay lumalaki
ang bilang ng mga turistang pumupunta sa ating at umaangat din ang turismong pangkabuhayan dito
sa ating bansa.

3. Bilang isang guro sa hinaharap paano mo paglalaganapin ang mga awiting tradisyunal o folk song?

Bilang isang guro sa hinaharap ang paglingon sa ating mga nakaraan ay isang bagay ng
pagmamahal natin sa ating kultura. Marapat lamang na ito ay ituro din natin ang ating mga
nakasanayang awitin tulad ng leron leron sinta, pamulinawen, na siyang naging pampalipas oras ng
ating mga ninuno habang sila ay nag-aararo sa bukid. Ang mayamang awitin na ito ay sumasalamin
ng mayamang kutura nating mga Filipino ang pagiging likas na matulungin at masayahin sa kabila ng
hirap ng ating mga ginagawa. Ang mga awitin ding ito ay kinilala sa ibat ibang bansa at nagkaroon ng
ibat ibang bersyon kung kayat marapat lamang na ito ay ituro natin sa kabataan sa bagong
henerasyon.

4. Pakinggan ang awitin na “Sa Ugoy ng Duyan” ni Aiza Seguerra at bigyan ito ng sariling
interpretasyon.

Ang awiting Sa Ugoy ng Duyan ay isinulat ni Lucio San Pedro na siyang nilapatan ng musika
ng yumaong national artist na si Levi Celerio. Para sa aking sariling interpretasyon walang hihigit pa
sa kalinga ng isang ina upang protektahan ang kanyang anak sa kahit na anong panganib na
Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322

nakaamba sa kanyang buhay. Ito ay sumasalamin sa kabayanihan ng ating mga Ina na kahit ultimo
kanilang buhay ay kaya nilang ibigay maipakita at maiparamdam lamang ang kanilang pagmamahal
sa kanilang mga anak.

Ang parte ng awitin na refrain “Sa aking pagtulog na labis ang himbing, ang bantay koy tala
ang tanod koy bituin. Sa piling ni nanay, langit ay buhay. Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng
duyan”. Dito ay ipinapakita lamang na handang protektahan ng ina ang kanilang mga anak sa oras ng
panganib at kaya nilang ibuwis ang kanilang buhay upang mailayo lamang sa kapahamakan ang
kaanilang anak. Ang tunay na pagmamahal ng isang ina ay walang katumbas na kahit anumang
kayamanan sa mundo kayat marapat lamang na ating pahalagahan, mahalin at parangalan. Dahil sila
ang tunay na mga bayani ng ating buhay. Ang pagmamahal ng isang ina ay higit pa sa kumukinang
na bato walang katumbas o sapat na halaga ang maaaring ihalintulad dito dahil ito ay dalisay, wagas
at totoo.

You might also like