You are on page 1of 2

1.

Magbahagi o magkuwento ng mga hindi malilimutang karanasan at pagtatanghal na iyong


nasaksihan sa naganap na programa. Ilarawan ang mga ito gamit ang pang-uri.
2. Anong bahagi ng programa ang iyong nagustuhan? Anong bahagi naman ang kinakailangan pang
pagbutihan?
3. Paano ipinakita ng Kalinangan 2023 ang pagiging mayaman ng kulturang Pilipino pagdating sa
pagsasayaw ng mga mag-aaral sa ECD at Elementarya?

Format sa pagsulat ng sanaysay:


• Pamagat
• Introduksyon (Sagot sa blg. 1)
• Katawan (Sagot sa mga blg. 2)
• Wakas (Sagot sa blg. 3)

Kalinangan Festival 2023 ng SJCS

Ang mga mag-aaral ng SJCS mula ECD, Elementary, at Highschool ay naghanda ng


iba’t-ibang sayaw upang ipakita ang mayamang kultura ng Pilipinas. Ang hindi ko
makakalimutan sa programa ay ang pagtatanghal ng Elementary Department dahil
ipinakita nila ang iba't - ibang pagdiriwang tulad ng Pahiyas Festival, Masskara Festival,
Kadayawan Festival, at Chinese Dance. Napakakulay, masaya, at kasiya-siya ang
kanilang mga pagtatanghal. Ito rin ay nagpakita ng mga kahanga-hangang talento ng
Elementary Department.

Nagustuhan ko ang pagtatanghal ng mga mag-aaral ng ika-anim na baitang dahil


tungkol ito sa naging impluwensiya na ng mga Tsino sa ating mga Pilipino. Ito ay
nagpapakita ng pinaghalong kultura at tradisyong Pilipino at Tsino na naglalarawan sa
aming mga mag-aaral. Napakakulay din mga kasuotan na kanilang ginamit kaya
naging maganda ito sa paningin ng lahat. Para sa akin, mas naging maganda sana ang
pagtatanghal ng mga mag-aaral ng Elementarya kung naging sabay-sabay ang
kanilang galaw habang sumasayaw. Maaaring ito ay dulot ng kakulangan ng mga mag-
aaral ng oras para sa pag-eensayo.

Ipinakita ng Kalinangan 2023 ang pagiging mayaman ng kulturang Pilipino pagdating sa


pagsasayaw ng mga mag-aaral sa ECD at Elementarya sa pamamagitan ng
pagpapakita ng mga iba’t- ibang festivals na ipinagdiriwang sa mga lungsod at
probinsiya sa buong Pilipinas.
Doing apostolic works make me show God how faithful and loyal I am to Him. It is
like imitating Christ’s apostles in continuing His mission after His death and
resurrection which is to live holy and spread the words of God. I must always try
my best to live an apostolic life to show my love and gratitude to God.

You might also like