You are on page 1of 1

GAWAIN 1 – LIT 107 Dulaang Filipino

Pangalan: Alexis Jane B. Dugho BSED FILIPINO 3A


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. (10 puntos bawat bilang)

1. Paano sumasalamin sa kultura ng mga Pilipino ang mga uri ng dulang


pantanghalang nakilala sa bansa? (3-5 na pangungusap)

Malaki ang naging papel ng mga dulang pangtanghalang sa ating bansa, at


bilang isang mag-aaral at mamamayang Pilipino napakahalaga ng mga dula
sapagkat sumasalamin ito sa ating kultura, kinagisnan at pananaw ng bawat
inidibwal at mamamayang Pilipino sa ating bansa. Ang mga uri ng dulang
pantanghalang kilala ay melodrama, komedya, trahedya, parsa, at sarsuwela ito rin
ay nagpapakita ng elemento ng mga tradisyon na sumisimbulo sa kultura ng
bansang pilipinas. Sa pangkahalatan ang dulang pangtanghalang ay nagbibigay
pagkakakilanlan sa ating mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpapahayag ng ating
emosyon at karanasan sa dulang pangtanghalan.

2. Bilang isang Pilipino, paano mo mapapanatili ang mga dulang pantanghalan


sa ating kultura? (3-5 na pangungusap).

Bilang isang Pilipino, na pinapahalagahan ang ating kultura at tradisyon sa ating


bansa lalong lalo na panitikan at sa larangan ng sining kagaya ng mga dula ay
mapapanatili natin ang mga dulang pangtanghalan sa ating kultura sa pamamagitan
ng pagtangkilik ng sariling atin. Sa pamamagitan ng panonood, kagaya ng mga
dulang pangtanghalan ay mapapanatili natin ang kultura na ating kinagisnan sa
ating bansa. Ang pagpapahalaga at pagtangkilik ng sariling ating sining ay nararapat
upang mas makilala at hindi mawala ang mga kulturang kagaya ng mga dula. Sa
makabagong panahon at sa henerasyon ngayon, hindi natin makakaila na mas
tinatangkilik na ng ibang Pilipino ang kultura ng ibang bansa at mas tinatangkilik ito
kaysa sa sariling ating kultura.

You might also like