You are on page 1of 2

INTRODUKSYON

Kilala ang pilipinas sa pagkakaroon ng mga magaganda, kakaiba at malikhaing kasanayan


sa larangan ng sayaw. Biniyayaan ang mga Pilipino ng mga magagandang talento sa pag-sayaw.
Sa kadalihanang ito, hindi maipagkakailang mahilig ang karamihan ng mga Pilipino sa panonood
ng iba’t-ibang klase ng sayaw hindi lang ang mga matatanda, maging ang mga kabataan. Sa
paglipas ng panahon, nagbabago o nadadagdagan ang mga uri ng sayaw na nakikita o
napapanood ng mga kabataan.

Ang bagong henerasyon ay nakatuon at nakalantad sa iba’t-ibang uri at kategorya ng


sayaw. Sa paglipas ng panahon, ang sayaw ay napapaunlad at ginagawang mas nakakaaliw pa
kaysa dati. Mula sa katutubong uri patungo sa modernong uri ng sayaw kung saan ang mga
kabataan ngayon lalo na ang mga mag-aaral ay tila nahuhumaling at mas binibigyang
pagpapahalaga ang modernong uri ng sayaw kaysa sa katutubong sayaw.

Tinikling, Singkil, Ragragsakan, La Jota, Moncadenia, Binasuan, Pandanggo sa ilaw,


Subli, Sakuting, Regatones at Binasuan, Ilan lamang iyan sa makukulay, sari-sari at
nakaaanyayang indak na katutubong sayaw dito sa Pilipinas. Ang katutubong sayaw ay ang pag
papahayag ng iba’t-ibang saloobin at damdamin. Gumagawa ang mga tao ng ibat-ibang
direksyon ng katawan gaya ng pagkilos ng kamay at mga paa. Sa bawat pag sayaw ng katutubog
sayaw nakikita dito ang mga ugali ng Pilipino katulad ng mahiyain, talusaling, mahinhin,
mabagal at matimpi na maaaring makita ng mga taga ibang bansa sa mga kapwa nating Pilipino
na sumasayaw nito. Pinakikita rin sa pamamagitan ng katutubong sayaw ng Pilipinas ang maalab
na damdamin, pag-ibig, kasiyahan, kabuuan ng loob at pagkakaisa.

Sa bawat galaw ng pag sayaw ng katutubong sayaw ay may kahulugan. Maaaring


pagpapasalamat sa mga biyayang dumating, pagpapasalamat sa magandang ani, o kaya’y
pasasalamat sa pabor na naibigay ng Maykapal. Sinasayaw rin nila ito para sa isang ritwal at
ito’y kanilang inaalay sa mga Santo noong unang panahon. Sa nasabing sayaw rin makikita ang
mga karakteristik ng isang Pilipina, dahil dito lumalabas ang ating pagka-Pinoy sapagkat ang
mga kilos at galaw ay Pinoy na Pinoy.

Saan nga ba nagmula ang mga katutubong sayaw? Ayon sa tagalog lang, Hiniram ng
Pilipinas sa Pransiya ang rigodon, sa Inglatera ang Ba-Engles, sa Espanya ang La Jota, Areuana,
at Pandango at sa Amerika ang Birginia. Ang mga sayaw ng ating mga di-Binyagan ay
nakakatulad ng sayaw sa Burma at Vietnam. Ang sayaw pandigma ng ating mga pagano ay
katulad ng sa Java. Ang ating mga kattutubong sayaw ay may pagkakahawig sa sayaw ng Asya
bagamang lalong malaki ang impluwensiya ng India sa nakararaming bansa sa Asya. Hindi
kataka-takang mapanood natin sa ating mga tanghalan na ang ating pandango sa ilaw,
tinikling, bakya dance, at carinosa ay isayaw sa himig ng boogie, rhumba, tanggo at mambo.
Hanggang sa kasalukuyang panahon ay hindi pa rin nawawala ang tradisyong kinagisnan
ngunit mang ilan-ilan na lamang ang nagbibigay pagpapahalaga sa katutubong sayaw dahil sa
mga nauusong makabagong sayaw o modernong sayaw na nagbibigay ng mas malaking atensyon
sa mga tao kaysa sa ating mga katutubong sayaw. Ayon nga kay Gng. Francisca R. Aquino at
Gng. Paz Cielo Belmonte, hindi tayo dapat paanod sa dagat ng modernismo. Ang kaibhan ng
ating katutubong sayaw ay dapat panatilihin sa ating sining at kalinangan.

Ang Saklaw at limitasyon sa pag-aaral ng pananaliksik na ito ay nakatuon sa kahalagahan


ng sining sa pag sasayaw partikular sa katutubong sayaw. Binibigyang pagpapahalaga sa
pananaliksik na ito ang bawat palagay at mga mungkahi ng mga respondante na makakakalap sa
surbey. Sumasaklaw ito sa mga persepsyon o tugon ng mga respondenteng mag-aaral ng Bulacan
State University, at sa pamamagitan nito ay mas lalong makakalikha ng hinuha sa kung ano ang
magiging kinabukasan ng sining ng pagsasayaw particular sa katutubong sayaw sa Bulacan State
University.

Layunin ng mananaliksik sa pag-aaral na ito na mabatid kung bakit ganoon na lamang


kainit ang naging pagtanggap at pagpapahalaga sa modernong sayaw kaysa sa katutubong sayaw.
Layunin din nito kung paano nagsimula ang impluwensya ng makabagong sayawin mula noon
hanggang sa kasalukuyan na dahilan ng pag walang pansin sa mga katutubong sayaw.

Ang mga sumusunod na katanungan ay maaaring makatulong sa mga mananaliksik kung


paano makakakalap ng mga impormasyon sa mga bagay na may kaugnayan sa nasabing riserts.
Sapat na ba ang kaalaman ng mga mag aaral ng Bulacan State University sa mga katutubong
sayaw? Anu-ano ang mga katutubong sayaw ng Pilipino na pinaka pamilyar sa mga mag-aaral ng
Bulacan State University? Anu-Ano ang mga dahilan kung bakit mas binibigyang pagpapahalaga
sa modernong sayaw kaysa sa katutubong sayaw?

ISANG PAG-AARAL UPANG MAGBIGAY DIIN SA KAHALAGAHAN

NG SINING SA PAGSASAYAW PARTIKULAR SA KATUTUBONG SAYAW

You might also like