You are on page 1of 5

Gawain 6

Panuto: Panoorin ang sayaw na makikita sa link na nakalagay sa baba. Aralin ito
at lapatan ng notasyon ang unang labing-anim na bilang. (2/8’s)

Ilagay ito sa hiwalay na papel at isama kapag ipapasa na nitong modyul.


Itik-itik

https://www.youtube.com/watch?v=FJIvlTR2HDI
https://www.youtube.com/watch?v=l60Aft-TOSY
Paano mapapanatili ang mga katutubong sayaw sa Pilipinas?

Sa aking palagay mapapanatili natin ang mga katutubong sayaw ng ating bansa
kung sisimulan nating tingnan ang esensiyang mayroon ito. Hindi lamang basta paggalaw
sa ritmo ng tugtog ang sayaw bagkus ito ay tulay sa mga kulturang mayroon tayo at ang
ating pagkakailanlan. Dapat magsimula sa atin, lalo na sa mga institusyong pampaaralan
ang pagpapahalaga dito bilang isang diskursong pang-akademya. Tama, na dapat
payabungin natin ang diskurso ng pagnonotasyon bilang pondssyon ng talaan ng ating
mga katutubong sayaw. Sa huli marapat na maging bahagi ito ng lente ng pagkatuto ng
isang batang Pilipino mula sa mabaang antas ng pag-aaral ng sa gayon ay sa murang
edad pa lamang ay maging bihasa at maalam na siya sa usaping ito. Sa ganitong sabi
hindi lamang natin mapapanatili ang sayaw bagkus ang kultura, buhay, at kaluluwang
mayroon ito na siyang sumasalamin sa pagkatao at pagkabansa natin.

Nakatutulong o katanggap-tanggap ba ang sistema ng pagdodokumentasyong


inilahad? Bakit?

Para sa akin, malaking tulong ang paraan ng dokumentasyon ng mga katutubong


sayaw sa Pilipinas sa pammagitan ng Pagnonotasyon. Maganda na gumamit ng mga
karampatang simbolo para sa katawan ng tao o mananayaw. Sa ganitong paraan ay
mababawasan ang kalituhan lalo na kapag pinag-aaralan ng isang mananayaw, maging
ang mga mg-aaral ang isang katutubong sayaw. Ang ganitong klase ng larangan ay dapat
na maging bahagi ng asignatura sa elementarya at high school o di kaya ay maging
asignatura sa kolehiyo, o maging kurso sa unibersidad. Sa ganitong paraan ay mas
marami ang magiging maalam sa ganitong larangan ng pagdodokumentasyon ng sayaw.
Mas madadalian tayong mga Pilipino na intindihin, mahalin at unawain ang sining ng
syaw na mayroon ang ating bansa.

You might also like