You are on page 1of 2

Jonathan F.

Robregado Leksikograpiya
ABF 3-2 Prop. Emilinda C. Layos
Pagtatasa sa mga Presentasyon nina Tuazon, Annaliza at Basanes, Kobe

Pagtatasa sa mga Presentasyon ni Tuazon, Annaliza

Kung susuriin ang nagawang mga salita ni Tuazon, makikitana may mga salik na
dapat pang pagtuunan ng pansin. Una ay dapat ang kaniyang mga salitang binubuo ay
malinaw na mababasa ng mga tao, lalo na ng mga tao na hindi pa masyadong maalam
sa wikang Filipino. Sa ganitong paraan gumagawa siya ng mga salita na para sa lahat
at hindi lamang sa ispisipikong grupo o bilang ng tao.

Marapat na kanyang timbangin kung magiging maayos ba kung pagdudugtungin


niya ang mga slaita o hahayaan na lamang niya na ito’y maging dalawa ng sa gayon ay
hindi magmumukhang ipinilit na pagtambalin ang mga nagawa niyang terminolohiya.
Pangalwa naman, maaari siyang gumamit ng paraan ng paglalapi, ng sa gayon ay
magkaroon ng sistema ang kanyang mga binuibuong salita.

Pangatlo, dapat niyang isaalang-alang ang pagkakaroon ng malinaw na salin ng


mga kahulugan ng mga terminoplohiyang kanyang ginawagawa, lalo na at ito ay
mayroong kinalaman sa larangan ng Medisina. Makikita kasi sa ibang mga salitang
nagawa nio Tuazon na hindi masyadong kongkreto ang kahulugan. Sa huli makikita
naman na nagging konsistent siya sa paggamit ng wikang rehiyunal na Ilonggo bilang
isa sa mga basihan ng paggawa niya ng mga bagong salita.

Pagtatasa sa mga Presentasyon ni Basanes, Kobe

Sa pagsusuri naman ng ginawang mga salita ni Basanes makikita na may mga


salik na dapat bigyang pansin. Una ay, sa usapin ng pagsasalin. Mayroong isang salita
na nagging kwestiyunable, ito ay “Bulong” na kanyang salin para sa salitang
“Theraphy”. Oo, nandoon tayo sa layunin na makapagbigay ng mga bagong salita,
ngunit dapat isaalang-alang ang pinanggalingang kahulugan ng mga salitang ating
gagamitin. Maaari sana ang kanyang ginawa upang makabuo ng bagong katawagan sa
Jonathan F. Robregado Leksikograpiya
ABF 3-2 Prop. Emilinda C. Layos
Theraphy ay pagtingin sa etimolohiya nito, at mula doon ay humugot siya ng mga
maaaring maging batayan niya sa salita. Sa ganitong paraan ay nagiigng sensitibo rin
siya sa pag-intindi ng iba lalo na ang mga taong makabasa nito.

Pangalawa namang nakita kong dapat bigyang pansin ay pagiging konsistent


niya sa paggamit ng batayang rehiyunal na wika. Kung ginamit niya ang Hilagaynon ay
marapat na hanggang sa dulo ay ito na. Sa ganitong paraan ay nagkakaroon ng
sinusundadng sistema ang kanyang pag-buo ng salita. Pangatlo, dapat niyang tandaan
na sa pagbuo ng salita ay hindi lamang niya isasalin ito ng tuwiran o hihiramin ang
salita mula sa pinagbatayan niyang rehiyunal na wika. Dapat magsikap siya na hindi
hiramin ng tuluyan ang mga salita.

Pang-apat, dapat dig niyang pagtuunan ng pansin ang usapin ng bigkasan ng


mga salitang kaniyang binubuo. Marapat na maging madulsa ito sa dila at hindi
mahirapan ang mga tao, lalo na kung ang kanyang mithiin ay masaespasyo ito sa ibat-t
ibang estado ng buhay. Sa huli, makikita naman na ang ibang salitang kanyang nabuo
ay talagang nabigyan ng bagong bihis mula sa pinaggalingan nitong porma.

You might also like