Professional Documents
Culture Documents
Kalakaran/Pagbabago sa Wika
ni Aurora E. Batnag, Ph.D.
Ipindot mo, Ihinto ko.
Anong ginagawa mo rito? Sagot: Dito kaya ako nakatira.
Masaya ako, kasi kikitain ko na bukas ang matagal ko nang ka-chat
Ipinatawag siya ni Senate Finance Committee Chair Juan Ponce Enrile.
Noon kasi, although kilala na siya, hindi raw siya tinitilian. So nagsikap siya para mas
sumikat pa.
Matatalino ang mga students ko ngayon.
Ang mga pangungusap na nakita nyo sa taas ay ilan lamang sa mga pahayag na karaniwang
naririnig ngayon. Kung ikaw gramaryan, isasama mo na ba sa iyong paglalarawan ng wikang
Filipino ang mga pangungusap na ito?
May mga nagsasabing may nabubuo nang mga pagbabago sa gramatika, na hindi pa
naitatala sa mga aklat ng gramatika, o hindi pa napag-uukulan ng pagsusuri. Tinawag itong
emerging gramar ng ilan, na maaaring tumbasan sa Filipino ng “sumisibol na gramatika.” May
nagtanong: hindi ba sumusupling? Mas malaki ang supling kaysa sibol. Kung baga sa tao, ang
sibol ay nasa sinapupunan pa, pinalalaki pa bago ilabas. Samantala, ang supling ay naianak na.
Ang sumisibol na gramatika ay nasa sinapupunan pa, bago pa lamang nabubuo. Kaya nga may
sub-title ang papel na ito: ilang Obserbasyon sa mga kalakaran/mga pagbabago sa wika.
Ilang Obserbasyon sa mga bagong kalakaran/pagbabago sa wika
Pumasok na kaya ang ponemang F at V kahit lamang sa mga pantanging ngalan? Batay
sa pakikinig sa mga balita at usapan sa radyo at telebisyon, at sa pakikinig sa mga usapan ng mga
tao sa paligid, lumalabas na ang mga Pilipino ay hindi conscious sa pagbigkas ng nasabing mga
Kontrobersiya
Ayon sa Balarila ng Wikang Pambansa (1939) ni Lope K. Santos, ang salitang siya ay
isahang panghalip panao sa pangatlong panauhan. Katumbas ito ng Ingles na he,she. Ito ang
gamit ng siya na alam ng lahat, maging guro o estudyante ng wikang Filipino.
Ngunit sa isang seminar sa isang prestihiyosong Unibersidad sa Maynila, isang propesora
ng Filipino ang ang paulit-ulit at konsistent na gumamit ng panghalip na siya para tukuyin, hindi
kontento. Kung kasiya ang isang bagay, ito’y kasukat o sapat batay sa pamantayan ng siya. Ang
siyanga ay katumbas ng “Oo nga, tlaga.” ang huli, siya nawa, ay “amen, mangyari sana.”
Tlagang palasak na ngayon ang ang siya sa pagtukoy sa mga bagay na hindi tao. Bata’t matanda,
propesyonal o manggagawa, ginagamit ito.
“Tawag ako nang tawag sa iyo kanina pa, ring lang siya ng ring pero walang sumasagot.”
“Tinakpan ko na nga siya pero nabungkal parin ng pusa.”
Isang kilalang awtoridad sa gramatika ang nagsabing mismong siya ay gumagamit ng
salitang siya para tukuyin hindi lamang mga tao kundi pati mga bagay. Talagang uso na.
Marahil, ito ay dahil ginagawang malinaw o explicit ang pagtukoy sa isang bagay na implicit o
nauunawaan.
Sadyang patuloy ang na nagbabago ang isang wikang buhay. Ang mali ngayon ay
maaaring maging katanggap-tanggap bukas. Kaya walang dapat ikatakot ang mga bantay ng
wika. Kailangang maging bukas ang isip natin sa pagbabago.
Sabi ni Lope K. Santos, ang “bibig ng bayan” ang may panghuling pasiya,
Nakakahiya o nakahihiya?
Matagal nang pinagtatalunan kung alin ang dapat ulitin – ang salitang ugat ba o ang panlapi?
Nilutas ang problema noong 1987 sa tuntunin sa bagong alpabeto at tuntunin sa pagbabaybay na
ipinalabas ng noo’y Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (KWF) sa pamamagitan ng noo’y
DECS, nilutas ang problema sa pamamagitan ng pagtanggap sa dalawang anyo: kapawa tama
ang nakakahiya at ang nakahihiya. Ngunit hindi ipinaliwanag kung bakit kapwa tama ang
dalawang anyo.
Ayon sa tuntunin sa mga aklat sa gramatika, sa pagbabanghay ng pandiwa, inuulit ang
unang pantig ng salitang ugat. Upang ipakitang mali ang tuntunin, ibinibigay na halimbawa ang
nagpaplantsa. Ang unang pantig ay plan, kung gayon, magiging nagplanplantsa – na wala
namang gumagamit. Iniwasto ito sa kalaunan: ang inuulit ay unang katinig at unang patinig ng
salitang ugat.
Balikan natin ang nakakahiya/nakahihiya
Salitang ugat : hiya
Word base : kahiya
Panlapi : ma-
Sa ganitong pagsusuri, ano ang inuulit? Di ba hindi ang salitang ugat kundi ang unang
katinig at unang patinig (ung K at unang P) ng base (tinatawag ding word stem), hindi salitang
ugat.
Itinuro noon sa mga lumang aklat ng balarila na ang mga panlapi ay ma-, mag-,
maka-,maki-, makapag-, at iba pa. sa makabagong pananaw hinahati-hati ang mga ito: ma-+ ka-+
pag-+ at ang pinakahuling pantig lamang ang itinuturing na panalaping makadiwa.
Gayon man, malawakan nang ginagamit lalo na sa pasulat na komunikasyon ang pag-
uulit ng unang K at unang P ng salitang ugat. Ganito ang obserbasyon sa mga salitang
kinakabitan ng ma-+ka-+:
Kapwa ginagamit ang dalawang anyo:
Nakakahiya nakahihiya
Nakakalungkot``nakalulungkot
Nakakadismaya nakadidismaya
Kalakaran/Pagbabago sa Wika
Nakakatanda nakatatanda
Ngunit dahil sa siguro bihira at di gamitin, iisa lamang ang anyo ang naobserbahan;
nakasusulasok(walang nakakasulasok at nakaririmarim (walang nakakarimarim)
Kapag naman may pa-, ganito ang naobserbahan
Naipapadala naipadadala
Naipapaliwanag naipaliliwanag
Naipapahayag naipahahayag
May dalawang anyo, kung gayon, kapag may pa- sa word base. Sa kaso ng
“ipinapalagay” at “ipinalalagay.” masasabing may pagkakaiba sa kahulugan ang dalawang salita:
ipinapalagay (opinyon); ipinalalagay (dalhin sa isang lugar ang isang bagay. Ngunit sa
nakararaming tagagamit, walang distinksyon and dalawa. Ganito naman tlaga ang sa isang
maodernisadong wika – nagiging mas malawak ang kahulugang saklaw ng iisang salita.
Kongklusyon:
Ang anyo ng salita na unang K at unang P ng salitang ugat ang inuulit ay karaniwang
nakikita sa pasulat na anyo, lalo na sa mga teksbuk at iba pang porml na sulatin. Samantala, sa
pagsasalita mas gamitin ang anyo ng salita na ang inuulit ay ang unang pantig ng word base.
Masasabing talagang may divided usage sa pag-uulit ng mga panlapi at salita ugat. Kung ang ang
kabataan ang tatanungin, mas pabor silang ulitin ang ka-
Kakakain ko pa lamang nang dumating siya.
Kakabili ko ng damit para sa parti na di na pala matutuloy.
Kakakitakits lang namin kanina.
Ito na ba ay aspektong kakatapos?