You are on page 1of 3

Ang pag-usbong ng larong Mobile Legends (ML) sa Pilipinas

Ang Pilipinas ay isang lugar kung saan ang tao ay likas na masiyahin at

mapaglaro. Sa ating bansa napakaraming sumisikat na larong-Pinoy na tiyak ay

napakaraming magtatangkilik. May mga larong sumisikat sa loob ng ating bansa at

mayroon din sa ibang bansa na naiimpluwesiyahan at nagagamit ng ating bansa.

positibo at negatibo ang dulot nito sa ating mamayan ngunit ito naganap para sa

pagsabay ng daloy, para sa kasiyahan at sa ikaka-unlad ng ating bansa na makasabay

sa teknolohiyang pang ibang bansa hindi maiiwasan ang mga negatibong epekto tulad

ng pag-usbong ng larong Mobile Legends sa Pilipinas

Batay sa artikulo ni Manuel (1960):

“raramdaman nito na dahan-dahang nawawala sa ating mga


isip ang mga larong-Pinoy at kasalanan ito ng pag-usbong
ng mga modernong laro. Sa pag-usbong ng mga
makabagong laro, natatabunan nito ang mga larong-Pinoy
hanggang sa maging historya na lamang ang mga ito.”

Sa artikulo ni Arsenio Manuel makikita na ito ay tungkol sa takot na pagkawala ng

larong Pilipino sa buhay ng susunod na henerasyon. Gayon rin, hindi na tukoy ang

positibong kaganapan o magaganap at tangging negatibo patungkol sa modernong

laro.

Hindi na nga maiiwasan ang patuloy na pag-unlad at walang katupasang

pagbabago kung kaya’t bakit hindi nalang isabay at gawing positibo kung may

nakakalimutan maaring gamitin muli o kaya’y gawing pamalakasan at aktibidad sa loob

ng eskweluhan o sa mga baranggay kung gayon ang modernong laro at larong-Pinoy


ay parehong nagagamit sa loob ng ating bansa na walang nakakalimutan o

natatabunan.

Isa sa halimbawa ng modernong laro sa Pilipinas ay ang Mobile Legends. Ayon

sa website na eprints.umm.ac.id (w.p.), “ang Mobile Legends Game ay ginawa ng

China Bamboo Curtain aka China o China.” Ang larong mobile legends ay nalikha ng

developer ng Tsino na Moonton o Shanghai Moonton Technology Co, at ang Moonton

ay headquater sa Shanghai, China.

Ang Mobile legend ay isang MOBA (Massive Online Battle Arena) ay isang uri ng

online game na pinagsasama ang dalawang uri ng mga laro lalo na ang RTS ‘Real

Time Strategy’ at RPG ‘Role Playing Game’. Ayon din sa rappler.com (w.p.), “ang

larong Mobile Legends ay binubuo ng limang (5) miyembro na may dalawang (2)

koponan na mayroong mga base o teritoryo at may pangunahing layunin na wasakin

ang teritoryo ng kalaban.” Sa pag-uumpisa ng laro ang bawat manla laro ay kailangan

pumili ng kani-kanilang hero. Ang bawat hero na kanilang pinipili ay mayroong

natatanging katangian at kasanayan. At sa kasalukuyan mayroong 92 heroes ang

larong Mobile Legends na naipangkat sa 6 na magkakaibang tungkulin. Ang tank,

fighter, assassin, marksman, support, at mage at ang mga tungkuling ito ay kaakibat na

responsibilidad na dapat gawin bilang isang manlalaro para sa kani-kanilang mga

koponan. Kailangan ang mga manlalaro ng Mobile Legends ay i-level up ang kanilang

mga heroes sa pamamagitan ng pagtalo sa mga puwersa ng kaaway, at lalo na ang

amg computer controlled minions, turrets, at heroes. Ang paggawa nito ay kumikita sa

kanila ng in-game na pera at maari nilang gastusin samga item na mapalakas ang stats

ng kanilang heroes. Ang isang karaniwang laro ng Mobile Legends ay tumatakbo ng


average ng 10 hanggang 15 minuto.Ang pinakapopular na mobile game na first title na

makumpirma para sa mga kaganapan sa esports ng 2019 SEA Games.

Ang Mobile Legends ay naiulat na pinagsama ng higit sa 500 milyong ang mga

nagdownload at 75 milyong aktibo ang naglalaro ng Mobile Legends mula nung unang

ilunsad ang larong ito. Karamihan sa katanyagan nito aynakasentro sa paligid ng Timog

Silangang Asya na kung saan itinatag ang larong ito bilang isang pangunahing esport.

Ang Pilipinas ay pangalawa sa mga bansang mayroong napakaraming manlalaro ng

Mobile Legends at ang pinaka una ay ang bansang Indonisia.

https://www.coursehero.com/file/19514423/Konseptong-Papel/

https://www.google.com/amp/s/amp.rappler.com/technology/features/244728-mobile-

legends-what-to-know-sea-games-2019

https://youtu.be/MaYrLW0VE5A

http://eprints.umm.ac.id/38786/3/CHAPTER%20II.pdf

You might also like