You are on page 1of 3

Paksa:

 “Ang mga Epekto ng Mobile Legends sa Akademikong Pagganap ng mga Magaaral.”


Rasyunal:
 Sa panahon ngayon nagkakaroon na ng iba't-ibang bersyon ang online games, may PvE, FPS, RTS,
MMO, at MOBA na kung saan ang mobile legends ay nabibilang. Ang Mobile Legends ay isa sa mga
tanyag na online video game sa Pilipinas, na may 500m+ downloads sa play store. Ito ay isang 5v5
MOBA or Multiplayer online battle arena game na ginawa at pinaunlad ng Moonton company. Ilalaban
ka at iyong team sa ibang team players gamit ng pinili mong hero sa loob nang isang battle ground or
arena.

Lahat ng uri ng tao, bata man o matanda, babae man o lalaki, ay nawiwili at naadik na sa paglalaro
nang naturang online game (Mobile Legends) lalong lalo na ang mga kabataan at MGA MAG-AARAL.
May mga taong ginagawa itong libangan at pampalipas oras, ngunit kabalikat din nito masasamang
epekto ng paglalaro ng Mobile Legends. Halimbawa na lamang nito ay ang pagkalulong sa paglalaro o
adiksyon at pagtalikod sa ibang mahahalagang responsibilidad gaya na lang ng pag-aaral. Ang
pagkatuto ng mga bagong masasamang salita, at malalaswang paguugali. Ang pagpapabaya sa sarili at
kalusugan, ang pagkadepress at pagkaagresibo, at ang pagkawalan ng tamang "sleeping pattern".
Isama na rin dito ang cyber bullying, na kung saan ay aawayin at kukutyain ang ibang player dahil sa
kanilang pagkakamali at pagkakaroon ng limitadong kaalaman tungkol sa laro. Sa kabilang dako, ay
may mabuting naidulot naman ang paglalaro nang mobile legends. Halimbawa nito ay ang paglalaro
upang matanggal ang stress na nararamdaman, ang pagkakaroon ng bonding time kasama ang iyong
kaibigan o kapamilya. Meron ding nagpapatunay na ang paglalaro ng Mobile Legends ay nakakaahon
sa kahirapan. Gaya ni OhmyVeenus na kung noong una ay nagsisiksikan lang sila sa isang apartment at
ngayon ay nakapagpatayo na siga ng bahay. Ito ay nagbunga dahil sa kanyang mga pagkapanalo sa
mga kompetesyon sa Mobile Legends, at si ChooxTv naman na isang tanyag na streamer sa Pilipinas,
ang mga kita niya sa pagiistream ay nakatulong sa kanya upang umunlad ang kanyang buhat at
makatulong sa kanyang pamilya at gayun din sa ibang tao.

Layunin:
 Ang pag-aaral na ito ay nag-aalok ng isang paraan para sa mga Senior High School na mag-aaral upang
makipagusapbat makatanggap ng impormasyon upang malaman nila ang tungkol sa mga epekto ng
Mobile Legends sa kanilang akademikong pagganap.

 Ang pagtukoy sa mga kasalukuyang epekto ng masyadong paglalaro nang Mobile Legends sa paguugali
at sa akademikong pagganap ng mga magaaral.

 Maipaalam sa lahat ng tao/magaaral na naglalaro ng Mobile Legends ang mga mabubuti at


masasamang epekto nito sa atin.

Metodolohiya:
 Tatalakayin sa seksyong ito ang mga istratehiya na gagamitin upang maisakatuparan ang mga layunin.
Ang isang survey ay ginagamit upang makuha ang impormasyon. Dito, makakakuha ang mga
mananaliksik ng malalalim na detalye tungkol sa mobile legends at kung paano ito
nakakaimpluwensya sa kanilang pag-aaral, kabilang ang mga personal na karanasan, kaalaman, at
kaisipan. Ang mga mag-aaral sa senior high school ay kapanayamin ng mga mananaliksik.
Ang data ay makakalap mula lima hanggang walong estudyanteng tumugon batay sa kanilang unang
karanasan. Mula sa puntong ito, ang impormasyong nakalap ay idodokumento at susuriin upang
bigyang-kahulugan at maisakatuparan ang mga layunin.

Questionnaire at surveys:

Katanungan ng Pananaliksik:
1. Ano ang mga epekto ng paglalaro ng Mobile Legends sa oras ng pag-aaral ng mga mag-aaral?
2. Ano ang mga epekto ng paglalaro ng Mobile Legends sa pagganap ng mga mag-aaral sa kanilang mga
pagsusulit?
3. Ano ang mga paraan upang maibsan ang mga negatibong epekto ng Mobile Legends sa pag-aaral ng mga
mag-aaral?

Survery:
1. Ilan oras sa isang araw ang ginugugol mo sa paglalaro ng Mobile Legends?
2. Nakakapag-aral ka pa ba ng maayos pagkatapos mong maglaro ng Mobile Legends?
3. Nababawasan ba ng Mobile Legends ang oras mo sa paggawa ng assignments o pagsusulit?
4. Mayroon ka na bang naranasan na nabawasan ang iyong marka sa asignatura dahil sa paglalaro ng Mobile
Legends?
5. Ano ang mga paraan na ginagawa mo upang maibsan ang oras na ginugugol mo sa paglalaro ng Mobile
Legends at makapag-aral ng maayos?
6. Ano sa tingin mo ang solusyon para mapunta ang interest sa pag aaral?

Inaasahang bunga at resulta:


 Makikita sa parteng ito ng aming konseptong papel ang mga inaasahang resulta o bunga ng
kinalabasan ng aming pananaliksik tungkol sa ang mga epekto ng mobile legends sa akademikong
pagganap ng mga mag-aaral.

 Isa mga makikinabang sa aming pananaliksik ang mga estudyanteng may gaming addiction, pati na rin
ang ibang mga taong naadik sa paglalaro ng Mobile Legends.

 Sa inaasahang bunga o resulta ng aming pananaliksik ay nalaman namin ay maaaring magkaroon ng


ilang mga posibleng epekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral na naglalaro ng Mobile Legends.

 Una, ang labis na paglalaro ng Mobile Legends ay maaaring magdulot ng pagkakaroon ng problema sa
pagtulog. Ito ay maaaring humantong sa kakulangan ng pagtulog, na maaaring magdulot ng
pagkapagod at pagkabagot sa klase. Ang labis na pagkakaroon ng stress, na maaaring dulot ng mga
labanan sa Mobile Legends, ay maaaring magdulot din ng pagkakaroon ng epekto sa pag-aaral dahil
ito ay maaaring magdulot ng labis na pagkabahala at pagkabagot.
 Gayunpaman, maaari rin itong magdulot ng mga positibong epekto sa pag-aaral. Ang Mobile Legends
ay maaaring magdulot ng pagkakaroon ng pagkakaisa sa pagitan ng mga mag-aaral, na maaaring
magdulot ng mga makabuluhang ugnayan sa pagitan ng mga mag-aaral. Ang labanan sa Mobile
Legends ay maaari rin magdulot ng pag-unlad sa mga kasanayan sa pagtanggap ng mga kritikal na
desisyon sa mga sitwasyong may kinalaman sa paglalaro, na maaaring magamit sa mga sitwasyon sa
buhay.

You might also like