You are on page 1of 8

Kultura ng Teknolohiya : Epekto ng Paglalaro ng Mobile Legends sa Akademikong

Pagganap ng mga mag-aaral sa baitang 11 ng Espiritu Santo Parochial School

Isang Panukalang Pananaliksik na Isinumite sa


Espiritu Santo Parochial School of Manila, Inc.

_______________

Bilang isa sa mga Tugon sa mga


Kahingian para sa asignaturang
Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino at Pagbasa
at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

_______________

nina
ANGELES, Francine Leanne E.
PORNEA, Allan Michael M.
RIVERA, Alyanna Pauline P.
Grade 11-St. Patrick of Ireland
Marso 2019
KABANATA 1

Ang Suliranin at Kaligiran nito

A. Introduksyon

Ang Mobile Legends ay isang Multiplayer Online Battle Arena (MOBA) ay isang laro

na ginawa at nilimbag ng Shanghai Moonton Technology. Ang paglalaro nito ay

mayroong dalawang magkasalungat na pangkat na naglalaban para maabot at wasakin

ang base ng kalaban habang pinoprotektahan nila ang kanilang base upang kontrolin ang

kanilang daanan, mayroong tatlong landas at kilala bilang top, middle at bottom na

kumokonekta sa magkabilang base. Bawat pangkat, mayroong limang manlalaro na

kumokontrol sa isang abatar, kilala bilang hero sa kanilang mga sariling kagamitan. Mga

mahihinang karakter na kompyuter ang kumokontrol ay tinatawag na minions, naka-

spawn sa base ng magkabilang grupo at pumupunta sa tatlong lane sa base ng

magkasalungat na grupo, mga kalaban at torre.

Dahil sa lumalagong makabagong teknolohiya sa kasalukuyang panahon, nabuo ang

larong ito na pinaka-nauuso o pinakatanyag na laro sa panahon ngayon na

kinahuhumalingan ng halos lahat ng tao lalong lalo na ang mga mag-aaral. Karamihan

sa mga mag-aaral sa baitang 11 ng Espiritu Santo Parochial School ay lulong na sa

paglalaro ng Mobile Legends, kung kaya’t naisipan ng mga mananaliksik na gawin itong

paksa sa pananaliksik upang matukoy kung ano ang nagdudulot ng adiksiyon ng mga

naglalaro ng Mobile Legends at ano ang mga epektong dulot nito sa kanilang pag-aaral.
Dito rin mapag-aalaman ng mga mananaliksik kung ano ang mga epektong nadudulot ng

paglalaro nito sa akademikong pagganap ng mag-aaral.

Tatlong taon ang dumaan at parami ng parami pa din ang na-aadik sa mobile game

na ito. Araw araw ay nadadagdagan ang taong naglalaro nito. Bawat araw ay may isang

naiimpluwensiyahan na subukan at alamin kung ano ang meron sa larong Mobile

Legends. Sinusuri ng pag aaral ang negatibo at positibong epekto na naidudulot ng

Mobile Legends sa mga mag aaral ng piling eskwelahan. Nakaka apekto nga ba ito sa

markang maaaring makuha ng isang estudyante? Ano ano nga ba ang masamang

naidudulot nang pag lalaro ng Mobile Legends?

Marami ang nag sasabi na ang Mobile Legends ay walang kinalaman sa pag baba

ng grado ng estudyante, ngunit marami na rin ang nakapag bigay ng pruweba na hindi

ito totoo. Maraming tao, lalo na ang mga kabataan, ang naloloko sa larong ito. Kaya hindi

malayong imbis na sa pag aaral maituon ang kanilang oras at atensyon ay naibabaling

na lamang ito sa pag lalaro. Nauubos ang oras ng isang bata kakalaro nito, hindi

napapansin ang ibang mas importanteng bagay na kailangan gawin. Kaya,

napapabayaan ang pag aaral dahil sa sobrang pagka liyo sa larong Mobile Legends at

marami pang ibang bagay na mas dapat pag tuunan ng pansin kaysa sa pag lalaro.

Ang utak ng isang tao ay madaling mabilog. Lalo na ang mga Pilipino, madali tayong

maaliw sa isang bagay kahit sa napakadaling panahon. Mabilis malihis ang atensyon

kung kaya’t mabilis din mauto. Lalo na ang mga kabataan, sa panahon ngayon ay marami
nang paraan upang ma “distract” ang isang bata. At isa na nga dito ang online games,

nang dahil sa mga larong ito ay nalilibang sila. Kung kaya’t nandito tayo upang malaman

kung ano nga ba ang mga epekto ng Mobile Legends sa isang mag aaral, upang masagot

ang mga katanungan na kung bakit nga ba nahuhumaling ang mga kabataan sa larong

ito at upang matuklasan kung paano ito masusulosyunan.

B. Tiyak na Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay upang matukoy ang epekto ng paglalaro ng Mobile

Legends sa Akademikong Pagganap ng mga mag-aaral ng baitang 11 sa Espiritu Santo

Parochial School. Ito ay naglalayong matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang mga negatibong epekto ng paglalaro ng Mobile Legends sa mga mag-

aaral ng baitang 11 sa ESPS?

2. Anu-ano ang mga positibong epekto ng paglalaro ng Mobile Legends sa mga mag-

aaral ng baitang 11 sa ESPS?

C. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang layunin ng pagsusuring ito ay upang mabigyang kaalaman ng mga mananaliksik

kung ano ang mga epektong naidudulot ng paglalaro ng Mobile Legends sa mga mag-

aaral na naka-aapekto sa kanilang pagganap sa akademiko o academic performance.

Mahalaga rin na matukoy ang dahilan ng kanilang adiksiyon sa larong ito upang malaman

kung meron ba itong positibong epekto o kung mas nakalalamang pa rin ang negatibong

epekto nito sa mga mag-aaral. Sa pananaliksik na ito ay makikita ng mga mananaliksik


kung ang pagkahumaling ba sa larong Mobile Legends ay nakatutulong sa mag-aaral o

mas nagpapalala sa kanilang pag-aaral. Kung ito ba ay nagiging libangan upang ipahinga

ang kanilang sarili sa stress na nagmumula sa paaralan o kung ang paglalaro nito ang

nagiging dahilan upang isantabi nila ang kanilang mga Gawain at nagdudulot ng pagka-

late sa klase dahil sa pagpupuyat kalalaro ng Mobile Legends. Makatutulong ang pag-

aaral na ito sa mga mag-aaral na tinatarget ng mga mananaliksik na masyadong

nahuhumaling sa larong Mobile Legends upang mabigyan din sila ng kaalaman sa kung

paano naka-aapekto ang kanilang paglalaro sa kanilang pag-aaral o sa kanilang

akademikong pagganap. Matutukoy din ng mga mananaliksik kung ang mga mag-aaral

ba ay may kontrol pa sa paggamit ng teknolohiya upang makapaglaro ng Mobile Legends,

kung sila ba ay nasosobrahan na sa paggamit at nakasasama ito sakanila o tama lang

ang kanilang paggamit na walang idinudulot na masamang epekto.

D. Daloy ng Pag-aaral

Sa unang kabanata ay tinatalakay ang pagsusuri patungkol sa mga epektong dulot

ng Mobile Legends sa Akademikong Pagganap ng mga mag-aaral ng baitang 11 sa

Espiritu Santo Parochial School. Dito rin mapag-uusapan ang mga suliraning dapat na

matunghayan ng mga mananaliksik upang makapagbigay impormasyon na rin sa mga

mag-aaral na naglalaro nito.

Sa ikalawang kabanata ay tinatalakay ang mga rebyu ng literaturang kaugnay sa

pananaliksik upang maging gabay sa pananaliksik na ito. Dito rin makikita ang mga

impormasyong makakalap ng mga mananaliksik sa mga iba’t ibang sanggunian na

ginamit upang magsilbing materyal sa pagsusuri.


Sa ikatlong kabanata ay binubuo ng pamamaraan sa pagkakalap ng mga

impormasyon at datos na kakailanganin ng mga mananaliksik patungkol sa paksang

tatalakayin. Ang kabanatang ito ay nakapaloob sa lugar na paggagawaan ng datos at

instrumentong gagamitin para sa pananaliksik.

Sa ikaapat na kabanata ay binubuo ng resulta at pagpapakahulugan sa mga

makakalap na datos at impormasyon. Ang kabanatang ito ang tatalakay sa sagot sa

katanungan ukol sa suliraning inilahad sa unang kabanata sa pamamagitan ng

pagsusurvey.

Sa ikalimang kabanata naman ay binubuo ng resulta at pagpapakahulugan sa mga

makakalap na datos ng mga mananaliksik ngunit bumabatay ito sa ikalawang suliranin

na mabibigyan din ng kasagutan sa pamamagitan din ng pagsusurvey.

Sa ika-anim na kabanata ay magpapakita ng buod, konklusyon at rekomendasyon

sa pag-aaral ng paksang tinalakay, ang “Epekto ng paglalaro ng Mobile Legends sa mga

mag-aaral ng baitang 11 sa Espiritu Santo Parochial School”. Dito magtatapos ang

pananaliksik, kung saan magkakaroon na ng mga kasagutan ang mga tanong kaugnay

sa suliranin sa unang kabanata na kailangang matuklasan, dito mapagkaka-alaman kung

anu-ano nga ba ang mga positibo at negatibong epekto ng paglalaro ng Mobile Legends

sa mga mag-aaral sa kanilang Akademikong Pagganap.


E. Depinisyon ng mga Termino

1. Mag-aaral – mga estudyanteng nag-aaral sa Espiritu Santo Parochial School na

naglalaro ng Mobile Legends

2. Mobile Legends – isang laro o kung tawagin ay Multiplayer Online Battle Arena

na kinahuhumalingan ng halos lahat ng tao espisipiko ng mga mag-aaral sa

Espiritu Santo Parochial School na dinesenyo para sa mga mobile phones.

3. Epekto – bunga o resulta ng pananaliksik

4. Negatibo – hindi maganda o hindi nakabubuting resulta

5. Positibo – tiyak o magandang resulta

6. Adiksiyon – pagkahumaling o intense desire sa isang bagay

7. Pagsusuri – proseso ng paghihimay ng isang paksa upang maging mas maliit na

bahagi

8. Teknolohiya – mga makinarya o kagamitan na ginagamit upang mapadali ang

produksyon, komunikasyon at iba pa.

You might also like