You are on page 1of 10

“EPEKTO NG LARONG MOBILE LEGEND SA BAITANG 12 NA ESTUDYANTE NG

DANTE LUIB OSANO MAPUTI NATIONAL HIGH SCHOOL”

MGA MANANALIKSIK:
BERDIN, JESTER DAREN
REQUINA, MARC AARON
DAGUPAN, ANDY
JULIAN, MAYVEN
BANAAG, ELAMRIO
GRANEDEROS, REY
KABANATA I

RAYSONAL AT KALIGIRAN

Ang Mobile legend ay ang makabagong laro na nauuso ngayong panahon. Ito ay
nagbibigay aliw sa mga kabataang naglalaro nito. Nauso ito dahil marami na rin ang
adik sa mga online games. Nakakaaliw din ito dahil ginagamitan ng utak para gumawa
ng estratihiya upang manalo. Ang alrong ito ay binubuo ng limang manlalaro at dahil
dito nadedevop din ang iyong pakikisalamuha sa iba pang manlalaro. Ang larong ito ay
marahas dail kailangan patayin ang kalaban para makalapit sa tore ng kalaban, at para
manalo dapat ubusin ang lahat ng tore ng kalaban. Nakakainganyong laruin ang larong
ito dahil habang tumatagal ay tumataas ang ranggo at mga lebel mo sa larong ito.
Mapagmamayabang mo rin ang iyong ranggo sa iba pang manlalaro, kaya ang ibang
manlalaro ay mas nahihikayat na maglaro para tumaas din ang kanilang ranggo.

Hindi naman masama ang paglalaro ng mobile legend basta kaya mo itong
kontorlin at hindi ka magiging adik sa larong ito, dahil kong ikaw ay maging adik sa
larong ito, ay masama na. Ang larong mobile legend ay may karahasan dahil ang
layunin ay patayin ang kalabang bayani para manalo kung isasabuhay.

Sa pag-aaral na ito malalaman kung meron bang epekto sa estudyante ang


larong mobile legend sa baitang 12 ng Dante Luib Osano Maputi National High School
(DLOMNHS)

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

1. Ilang oras ang ginugugol mo sa larong mobile legend?


2. Sino ang nakaimpluwensya sayo na maglaro ng mobile legend?
3. Paano nakakaepekto ang alrong mobile legend sa iyong pag-aaral?
4. Ano ang posibleng maaaring gawin para maiwasan ang paglalaro ng mobile
legend.
LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

LAYUNIN

Ang layuning ng mananaliksik ay kung ano ang epekto ng paglalaro ng mobile


legend at kung ito ba ay may masama o mabuting maidudulot sa Baitang 12 ng
DLOMNHS. Layunin din nito na ipaalam sa mambabasa ang epekto kapag na adik ka
sa larong mobile legend at kung ano ang magandang maidudulot nito sa manlalaro ng
Mobile legend. Ito ay para sa interesadong malaman ang posibleng epekto ng mobile
legend.

HALAGA

Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay upang magbigay kaalaman sa


posibleng epekto ng paglalaro ng mobile legend sam ga estudyante. Ito ay magbibigay
kaalaman sa manlalaro. Para sa aming mananaliksik ay kailangna nilang malaman ito
para mabigyan ng limitasyon ang sarili sa paglalaro at sa halip ay sa iba ituon ang ibang
oras.

SA MGA MAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay malaki ang maitutulong sa mga estudyanteng adik sa


paglalaro ng mobile legend. Makakatulong ang pananaliksik na ito upang lalong
mapalawak ang kanilang kaisipan kung paano maging isang mahusay na mag- aaral.
Ang pananaliksik na ito ay nagsilbing gabay sa bawat studyante para mabigyang diin
ang kanilang kakayahan sa pag-aaral.

SA MGA MAGULANG

Ang mga magulang bilang unang guro ng kanilang mga anak, ay makapagbigay
ng aksiyon para bigyan ng pansin ang kanilang mga anak na adik sa paglalaro ng
mobile legend, at para bigyan ng magandang pamamaraan sa pag- aaral.

SA MGA GURO

Ang mga guro ay ang siyang pangalawang magulang sa bawat estudyante na


kanilang tinuturoan. Ang pananaliksik na ito ay nakakatulong sa bawat guro para
magabayan at matulungan ang mga mag-aaral sa tamang pamamaraan ng kanilang
pag-aaral.

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang laki ng naitulong ng teknolohiya sa buhay nating mga tao. Dahil sa


teknolohiya, napapabilis ang transaksyon, comunikasyon at iba pa. Mas nagging
napapabilis pa ang pa ang pagusbong ng teknolohiya ng dahil sa gamitin ng internet.
“Ang internet ay ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin
ng publiko sa buong mundo. Naipadala ang mga datos sa pamamagitan ng packet
switching sakop ng internet. Karamihan sa atin ngayon ay gumagamit ng internet upang
basehan ng mga impormasyon na kailangan. Dahil dito mas nagiging praktikal na ang
pagsurf sa internet kaysa sa pagbabasa ng libro. Introduksyon dahil sa malawak ang
sakop ng internet, nagsimula rin ang pag bangon ng iba’t ibang idea, maari kang
manuod ng iyong paboritong palabas, making sa na download na kanta at iba pa.
Ngayon, nagbabad tayo ng malaking oras sa pag iinternet dahil sa impormasyon
libangan intoduksyon mas nagiging libangan na rin ang paggamit ng internet nang
isinilang ang mga Online Games. (EDWARD MARISON, 2011)

TEORITIKAL AT GABAY NA KONSEPTUAL

BILANG AT POSIBLENG EPEKTO MAARING SOLUSYON


PANGALAN NG MGA NG PAGLALARO NG SA PROBLEMA NA
ESTUDYANTE NG MOBILE LEGEND SA EPEKTO NG MOBILE
MGA MANLALARO NG ESTUDYANTE LEGEND
MOBILE LEGEND

FIGURE.1 KONSEPTUAL

Sa figure na nasa itaas ay pinapakita ang daloy ng pananaliksik. Sa unang kahon ay


pinapakita ang mga pangalan at bilang ng mga estudyanting naglalaro ng mobile
legend sa baitang labing dalawa sa DLOMNHS. Sa pangalawang kahon naman ay
pinapakita ang mga posibleng epekto sa paglalaro ng mobile legend at sa ikatlong
kahon naman ay pinapakita ng mga tagapagsaliksik sa ikatlong kahon ang mga
solusyon ng mobile legend.

SAKLAW AT DELIMITASYON
Ang paksa namen ay ang epekto ng larong mobile legend sa estudyante ng
baitang labing dalawa ng DLOMNHS. Ang sakop ng aming pananaliksik ay kung mabuti
o masamang posibleng epekto nito sa manlalaro sa Baitang labing dalawa sa
DLOMNHS. Ang mga mag-aaral na ito ang siyang binigyang pansin ng mga
mananaliksik sapagkat sila ang makapagbibigay opinion tungkol sa pag-aaral na
gagawin at dahil sila rin ang labis na maapektuhan ukol sa nasabing usapin.

GABAY SA PAG-AARAL

Mobile legend -ang mobile legend: bang bang ay isang multiplayer battle arena

Estralehiya – ang estralehiya ay isang pang matagalang plano o balak

Online games –ang online games ay isang laro na ginagamitan ng internet o iba
pang network

Marahas –ang salitang marahas ay isang laro na ginagamitan ng internet o iba pang
network

Pakikisalamuha –pakiki pag-ugnayan sa iabng tao, pakikilahok at pakikipagkapwa.

Tore –pinakamataas na bahagi ng kastilyo

Ranggo –ito ay maaring sumukat at tumukoy sa ranggo o degri.


KABANATA II

METODOLOHIYA

Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng iba’t ibang paraan upang matukoy ang
mga epekto ng paglalaro ng Mobile legend sa mga estudyante sa baitang labing dalawa
ng DLOMNHS.

SAMPLING TECHNIQUE USED

Random sampling technique ang ginamit ng mga mananaliksik sa pagpili ng mga


responde.

RESEARCH INSTRUMENT USED

Survey ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito upang alamin at


malaman ang mga epekto ng paglalaro ng mobile legend sa mga estudyante sa baitang
labing dalawa ng DLOMNHS.

VALIDATION OF INSTRUMENT

Ang nag-validate ng mga gramatiko, drafts at questionnaire ng pananaliksik na


ito ay sina Ginoong Renante Binas at Ginoong Judie Solis.
KABANATA III

RESULTA AT DISKUSYON

1. Ilang oras ang


ginugugol mo
sa paglalaro MGA TUGON
ng mobile
legend?
A). isang oras 5
hanggang tatlong oras

B.) Apat na oras 0


hanggang anim na
oras
C.) Pitong oras o higit 0
pa.

TALAAN 1. MGA TUGON SA PAGLALAHAD NG SULIRANIN (TANONG 1)

Ang talaan na nasa itaas ay nagpapakita ng mga tugon ng mga respondent sa


paglalahad ng ruliranin (tanong 1). Lahat ng respondent sa baitang 12 ay sumagot ng
letrang A samantalang sa letrang B at C ay walang sumagot.

1. Sino ang
nakaimpluwen
sya sayo na MGA TUGON
maglaro ng
mobile legend
A). kaibigan 5

B.) pamilya 0

C.) kamag- aral 0

TALAAN 2. MGA TUGON SA PAGLALAHAD NG SULIRANIN (TANONG 2)


Ang talaan na nasa itaas ay nagpapakita ng mga tugon ng mga respondent sa
paglalahad ng suliranin (tanong 2). Lahat ng respondent ay sumagot ng letrang A
samantalang sa letrang B at C naman ay walang sumagot.

1. Paano
nakakaepekto
ang mobile MGA TUGON
legend sa
iyong pag-
aaral
A). hindi muna 0
nagagawa ang mga
takdang aralin at
proyekto
B.) hindi kana 2
nakakarebyu pag may
pagsusulit
C.) hindi makapasok 3
ng maaga dahil puyat

TALAAN 3. MGA TUGON SA PAGLALAHAD NG SULIRANIN (TANONG 3)

Ang talaan na nasa itaas ay nagpapakita ng mga tugon sa paglalahad ng suliranin


(tanong 3). Walang respondent ang sumagot sa letrang A, samantalang sa letrang B ay
may dalawang respondent ang sumagot at sa letrang C ay may tatlong respondent na
sumagot .

1. Ano ang
posibleng
maaaring MGA TUGON
gawin para
maiwasan ang
paglalaro ng
mobile
legend?
A). kunin ang 5
cellphone ng
estudyante bago
magsimula ang klase .
B.) tanggalin ang 0
larong mobile legend
sa iyong cellphone
C.) Pabayaan nalang 0
ang mga estudyante
na maglaro ng mobile
legend.
TALAAN 4. MGA TUGON SA PAGLALAHAD NG SULIRANIN (TANONG 4)

Ang talaan na nasa itaas ay nagpapakita ng mga tugon ng respondent sa paglalahad


ng suliranin ( tanong 4). Lahat ng respondent ay sumagot ng letrang A, samantalang sa
letrang B at C ay walang sumagot.

KABANATA IV

KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Kongklusyon:
Ang mga mananaliksik ay napag- alaman na ang epekto ng paglalarong mobile
legend sa mga estudyante ng baitang labing dalawa ng DLOMNHS ay hindi
nakakapasok ng maaga at nahuhuli sila sa klase dahil puyat sa paglalaro ng mobile
legend. Ang lahat ng respondent ay parehas ng sagot sa tanong na ito. Napagalaman
din na ang kanilang oras ng paglalaro ay umaabot ng isang oras at tatlong oras.

Rekomendasyon:

Nirerekomenda ng mga mananaliksik na magpatawag ng meeting ang guro para


sa magulang ng mga naglalaro ng mobile legends at ipaalam sa mga magulang ang
masamang epekto ng mobile legendssa mga manlalaro sa kanilang pag-aaral. Sabihan
din ang mga magulang na bigyan ng limitasyong oras ang kanilang mga anak sa
pagagamit ng cellphone bilang askyon sa nagging masamang epekto ng larong ito.
Nirerekomenda din ng mananaliksik na kunin ang mga cellphone ng mga estudyanteng
sangkot sa larong mobile legend bilang tulong narin ng mga guro na itinuturing ng
pangalawang magulang ng mga estudyante.

You might also like