You are on page 1of 1

Welcome to Mobile Legends! Five seconds till the enemy reaches the battle field. Smash them!

Alam mo ba kung saan ito palaging sinasambat? Pamilyar ba? Marahil ikaw ay nakarinig na nito
sa ibang naglalaro o naging isa ka na rin ba sa mga naglalaro.

Ang Mobile Legends: Bang Bang ay isang Multiplayer Online Battle Arena (MOBA) na binuo at
nai-publish ng Shanghai Moontoon Technology. Ang Mobile Legends ng Moontoon ay inuulat na
gumagawa na ng paraan upang maging isa sa mga nangungunang paborito sa mga mobile gaming apps.
Ang paglalaro nito ay maraming maidudulot sa karamihan, mapabuti man o hindi.

Naisipan ng mga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral upang ilahad na mayroon ding epekto
ng Mobile Legends (ML) sa ating pag-uugali at kalusugan bilang mag-aaral. May mga positibo at
negatibong epekto. Ang positibong epekto ay pinapatalas nito ang iyong isipan. Ang negatibong epekto
naman ay nagiging gambala ito sa iyong paggawa ng mahalagang aktibidad, nakakaapekto sa pakikipag-
ugnayan sa lipunan, magkakaroon pa ng problema sa pagtulog at ang hindi ka magiging produktibo sa
lahat ng Gawain.

Nitong ilang araw, nakapaglaro na ako nito dahil sa payo ng aking kaibigan. Hindi ko pa talagang
kabisado ang ganitong uri ng laro dahil hindi ko naman talagang ginagawang buhay ang mga ganito. Sa
palagay ko ang ganitong uri ng laro ay medyo kawili-wili dahil nangangailangan ng kooperasyon sa
pagitan ng mga koponan upang makamit ang tagumpay at hindi madaling bayaran ang katuwaang
nangyari habang naglalaro. Subalit, na “You have been slain!” ako nang nagpasulit si maam at dahil hindi
ako nag-aral kagabi sa bahay kasi naglalaro ako buong gabi ay maliit ang iskor ko.

Hindi man nangyari ito sa lahat pero ito ang nangyari sa karamihan. Ang paglalarro ng Mobile
Legends ay nangangailangan ang disiplina sa sarili. Habang ang naging batayan ng karamihan ay ang
sapat na kawilihang naidudulot niyo, ano nga ba talaga ang nagpapanatili sa mga manlalaro na
maglalaro pa nito?

You might also like