You are on page 1of 1

Isang sociolohiyang pagsusuri sa larong Mobile Legends at sa mga epekto nito sa mga mag-

aaral ng College of Business and Accountancy

Ano ba ang mobile legends? At anu-ano ang mga epekto nito sa mga mag-aaral? Ang
larong mobile legends ay isa mga larong libangan na halos walang pinipiling edad o kasarian.
Bata ka man o matanda, lalaki o babae ay maari mo itong laruin. Kapag ang isang indibidwal ay
mayroong cellphone o tablet at internet connection ay maaari na siyang maglaro nito. Sa
pamamagitan ng paglalaro nito, nalilimutan nila pansamantala ang kanilang mga problema sa
buhay, naaaliw sila kapag sila ay nababagot at nawawala ang kanilang mga stress. Subalit
minsan ay napapasobra ang kanilang paglalaro nito na halos ginugugol na nila ang lahat ng
kanilang panahon at oras dito. Sa kadahilanang ito, ay nagdudulot na ito ng mga negatibong
epekto sa kailang katawan at sa kanilang pag-aaral.

Sa larong ito, ang isang manlalaro ay nakakatamo ng tagumpay na hindi niya matatamo
saan man sa totoong mundo at isa pa ang larong ito ay maaaring laruin kahit saan at kahit
kalian habang ikaw ay mayroong koneksiyon sa internet. Dahil dito, ay nahuhumaling ang mga
mag-aaral sa larong ito.

Nabanggit sa itaas na ang larong ito ay nag-aalis ng stress, subalit sa larong ito, hindi
maiiwasan na magkaroon ng mga kakamping hindi marunong maglaro na tinatawag ng mga
manlalaro na “cancer”. Kaya naman sa halip na nababawasan ang stress ay nadaragdagan pa ito
at nagiging dahilan ng pag-init ng ulo ng mga manlalaro at minsan pa ay sinisira ang nila ang
kanilang mga gadget. Ang larong ito ay maaaring laruin ng gamit lang ang cellphone o tablet,
kaya naman hindi maiiwasan ang paglaro nito maging sa silid tulugan bago matulog. Sa sobrang
pagkahumaling sa paglalaro ay hindi na namamalayan ang oras at inaabot na ng madaling araw
sa kakalaro na nagiging sanhi ng pagkapuyat. Ito ay siyang dahilan kung bakit nawawalan ng
gana sa klase at hindi na sumasali sa mga diskusiyon. Sa halip na mag-aral ay naglalaro nalang at
napapabayaan na ang mga takdang aralin at mga proyekto. Ang mga oras na ay dapat ilaan sa
mga proyekto ay iginigugol sa paglalaro kaya hindi na nagagwa ng maayos ang proyekto at
minsan ay umaasa nalang sa mga kaklase at nangungupya nalang. Dahil dito ay bumabagsak
ang kanilang performance sa klase at mga aktibidad na may kinalaman sa akademiko. Ang
larong ito ay hindi nangangailang ng pisikal na aktibidad, ang mga manlalaro ay nakaupo
lamang at minsan ay nakahiga lamang habang ilang oras na nakatitig sa kadyet na siyang sanhi
ng pagkakaroon ng sakit sa mata at nagbubuna ng sakit sa katawan dahil sa kawalan ng
ehersisyo.

Ang pagkahumaling sa larong ito ay nagpapalayo sa tunay na mundo na kanilang


ginagalawan. Ang mundo na ay dapat luminang sa kanilang mga isipan para maging
propesyunal sa hinaharap.

You might also like